bc

The Pursuit of True Love

book_age16+
43
FOLLOW
1K
READ
others
versatile
drama
twisted
mxb
brilliant
genius
small town
brothers
like
intro-logo
Blurb

Si Jam ay isang likas na mapagmahal na bakla sa kaniyang pamilya. Dahil sa kaniyang perseverance sa pag-aaral nakapagtapos ito at nakapagtayo ng sariling restaurant.

Dahil sa lagi nalang itong nakafocus sa lahat ng bagay, wala na siyang oras para sa kaniyang sarili. Dito maiisipan ng kaniyang kapatid na si Jaica na ichallenge ang kaniyang kuya. 'Yon ay ang 365 days upang hanapin nito ang lalaking magmamahal sa kaniya at isang kaibigang tunay. Dito magsisimula ang mala roller coaster na love story ni Jam sa Boracay ang napili niyang lugar upang hanapin ang kaniyang Prince Charming. Tunghayan natin ang kuwento ni Jam, ano pa hinihintay mo magbasa kana!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Jam’s POV ‘‘Hello nay, baka mamaya pa ako makauwi dahil pupunta ako ng Dalampasigan Beach Resort para po mag-unwind,’’pagbigay alam ko kay mama sa kabilang linya. Papunta na kasi ako ngayon sa sinasabi kong resort dahil gusto kong mapag-isa ngayon. ‘‘Sige anak, mag-iingat ka sa pagmamaneho at saka ‘wag kang papagabi masyado,’’sagot naman ni mama sa akin. ‘‘Yes ma, pasabi nalang din kay Tatay ma.’’Matapos kong marinig ang sagot ni mama, agad ko naman ibinaba ang tawag upang makapag-focus na sa pagmamaneho lalo na’t, nasa diversion ako ngayon maraming nadaan na mga sasakyan. Hindi pa, pala ako nakakapagpakilala sa inyo. Ako nga pala si Jam Cruz isang beki at opo tama po kayo nang nababasa isa po akong sirena , pero hindi naman ‘yong maingay kung baga ay typical na bakla lang. Nakapagtapos ako ng kursong Business administration kung kaya nalang nakapagtayo na ako ng sarili kong restaurant ngayon. Pero hindi ko magagawa ang lahat ng ‘yon kung walang tulong ng aking mga mapagmahal na mga magulang. Nais kong magpunta ngayon sa dalampasigan upang hanapin ang aking nawawalang boyfriend, kidding. Gusto ko lang talaga makapag-isip-isip ng mga bagay lalo na sa aking sarili. Makalipas ang tatlong minutong pagmamaneho, nakarating naman ako sa nasabing lugar. Nasa parking area palang ako pero amoy ko at naririnig ko na ang dagat. ‘‘Thank you miss.’’Pagpasalamat ko sa may katandaang babae matapos makapagbayad at agad na pumasok paloob upang masilayan ang magandang tanawin ng karagatan kasabay nang paglubog ng araw. A lot of people are in here right now at gaya ko gusto din nilang masaksihan ang paglubog ng araw dahil sobrang ganda nito dito especially for pictures taking. ‘‘Sige lang maghihiwalay din kayo, not now but soon.’’Pagbigkas ko habang naglalakad patungo sa napili kong puwesto sa dahil may nakita akong magkasintahang naglalandian. I don’t know kung bakit gano’n ang reaksiyon ko every time na may nakikita akong magkasintahan. Siguro dahil sobrang hopeless ko na sigurong tao, kaya nalang siguro ako gano’n makapagreact. Narating ko naman ang puwesto na lagi kong pinupuntahan kapag napunta ako dito. It’s away from those people, gusto ko kasing makapag-isa para masabi ko lahat ng gusto kong sabihin. ‘‘Lord, sorry po if I’m going to complain again with you this time,’’malungkot kong pagsisimula sa aking gusting ilabas ngayon dito sa harap ng malawak na karagatan. ‘‘Lord, bakit naman po kasi gano’n? Ang tagal ko na pong humihiling sa inyo, pero bakit hanggang ngayon wala paring dumadating para sa ‘kin Lord? Please Lord this is my last time that I will complain with you at sana sa huling hiling ko na ito, pagbigyan niyo na ako.’’Pagsabi ko sabay punas ng aking mga luha. Tama po kayo nang nababasa, umiiyak po ako ngayon just because of that thought. Tumingala naman ako sa kalangitan upang humiling sa huling pagkakataon. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at tahimik na nanalangin sa kawalan. Pagmulat ko ng aking mata, nagulat naman ako nang biglang may dumaan na shooting star so, I started to close my eyes again baka sakaling matupad lahat ng aking hiling. ‘‘Alone?’’pagtanong ng isang tinig habang nakatingala parin ako sa maaliwalas na kalangitan. Tumingin naman ako, kung nasasaan ang tinig ng lalaki. Nagulat naman ako dahil sa itsura nito mga ‘te. Ito naba ang matagal kong hinihintay? ‘‘Huwag kang mangarap bakla na ako na ‘yong lalaking hinihiling mo dahil hindi ako ‘yon,’’masungit nitong sabi sa ‘kin. Napaharap naman ako dito sabay taas ng aking kilay. ‘‘A-ang k-kapal din pala ng mukha mo anong lalaki ka? At sa tingin m-mo pinapangarap ko ang isang tulad mo,puwes nagkakamali ka!’’Sigaw ko dito dahil sa aking inis na, nararamdaman ngayon dahil sa kaniyang sinabi sa ‘kin. Ngumisi lang naman ang loko dahil sa aking sinabi sa kaniya which is nagpadagdag ng inis ko sa kaniya. ‘‘Akala mo naman pogi siya mukha namang unggoy.’’Habol ko pa sabay sipa ng buhangin dahil sa aking inis. ‘‘Kunwari kappa bakla, makatitig ka sa ‘kin kanina halos kainin mo na nga ako,’’asar nito sa ‘kin. Hindi naman  ako kaagad nakasagot dahil totoo naman kasi sinabi niya. I need to deny the truth para naman hindi ako lalong mahalat mga ‘te. ‘‘See, you can’t answer so, totoo nga sinabi ko tama ba ako bakla?’’segunda nito sa ‘kin habang nakatingin sa tahimik na karagatan habang kita mo sa mga labi nito ang mapagtuksong ngiti. Siguro mas magugustuhan ko pa siya, kung hindi lang sana mahangin itong lalaking ‘to. ‘‘H-hindi lang nakasagot agad, gano’n kaagad ang conclusion mo sa ‘kin. Pathetic observer bagsak ka siguro sa research niyo,’’banat ko sa kaniya na siyang dahilan para mapatingin ito sa akin. ‘‘Oh? Tama ako diba? Makapag-conclude ka ‘kala mo naman kilala muna ako nang buong-buo. Huwag gano’n kuya okay?’’Pagsabi ko sa kaniya sabay lakad upang umiwas at dahil gumagabi nadin baka hinahanap na ako nila mama. ‘‘Magkikita pa tayo bakla humanda ka sa ‘kin.’’Sigaw nito sa akin. Hindi ko alam, bigla nalang kumalabog ang aking dibdib dahil sa kaniyang sinabi. Paulit-ulit ko naman itong naririnig sa aking utak. Sayang, hindi ko naitanong pangalan niya at bakit ko naman aalamin pangalan niya? Sobrang bastos ng lalaking ‘yon kaya, hindi ko na siya iisipin pa. Dahil wala na, naman akong babayaran diritso na akong lumabas upang makauwi at siguradong ‘di na mapakali ngayon si mama kakahintay sa akin. Gano’n ako kamahal ng aking mga magulang, I mean ng aking pamilya. Habang binabagtas ang daan pabalik sa amin, I turned on the stereo ng aking kotse upang aliwin ang aking sarili. Habang seryosong akong nakikinig sa kanta ngayon, bigla nalang nagpop-up sa utak ko ang lalaking ‘yon kanina. ‘‘Sino kaba? At bakit tayo pinagtagpo?’’Takang tanong ko sa kawalan dahil nakakapagtaka lang ang mga pangyayari kanina. Akalain mo ‘yon, ang layo ng puwesto ko tapos bigla nalang may lalaking nagsalita sa tabi. If ‘yon man ang lalaking ibinigay sa ‘kin ng Diyos parang hindi ko ata matatanggap dahil sobrang sungit naman no’n. Dahil sa aking pag-iisip sa lalaking ‘yon hindi ko namalayan nakarating na pala ako sa aming bahay. Nakita ko naman si mama na, nasa pintuan at mukhang kanina pa ako inaantay. Well, gano’n talaga si mama sobrang mahal niya lang talaga kaming mga anak niya. ‘‘Hay nako anak buti naman nakarating kana, may sasabihin kasi kami ng papa mo sa ‘yo.’’Pagsabi sa ‘kin ni mama habang yakap-yakap ako. Naglakad naman kami papasok sa bahay naming hindi kalakihan, ‘yong sakto lang para sa aming apat. Tinawag naman ni mama si Jaica upang pababain. ‘‘Ma, ano ba kasi ang pag-uusapan at pati si Jaica pinatawag niyo?’’Pagtanong k okay mama na ngayo’y nakangiti sa akin. Hindi ko alam, sa ngiting ‘yon ni mama parang may plano sila para sa ‘kin. Napatingin naman ako kay papa na ngayo’y papunta sa aming puwesto dala-dala ang pagkain na para sa akin. ‘‘Salamat pa,’’pagpasalamat ko papa. Umupo naman itong si papa sa katapat kong upuan at gano’n din si mama. ‘‘Hi kuya, balita ko nagpunta ka ng Dalampasigan?’’Jaica ask then she give me a kiss on my cheek. Tumango naman ako bilang sagot at sa katapat na sofa din umupo itong si Jaica. Note guys, lahat sila nakangiti sa ‘kin and it’s kinda creepy. ‘‘Anak, may naisip kasi ‘tong si bunso na challenge para sa ‘yo,’’pagsisimula ni papa sa aming usapan. Napataas naman ako ng kilay sabay tingin kay Jaica na ngayo’y nag peace sign sa akin. ‘‘Tama ang iyong papa anak at pumayag kami sa sinasabing challenge ng kapatid mo,’’segunda ni mama sa naunang sinabi ni papa sa akin. I really don’t know, kung ano ang pumasok sa utak nitong aking pamilya at may challenge pang naiisip. ‘‘Challenge? Ba’t challenge? Papahanapin niyo ba ako ng baklang dinasaur? Kung oo, puwes ngayon palang itigil na natin ‘to dahil si Barney ang sagot sa lahat.’’Paliwanag ko sa kanila habang kumukuha ng keyk. ‘‘Gaga, hindi kuya! Ganito kasi ‘yan, makinig ka huh? And please don’t say any words yet, unless pagsinabi ko,’’pagsabi ni Jaica sa akin. Nilunok ko naman muna ang aking kinakain bago sagutin itong si Jaica. ‘‘Tse! Ano ba kasi ‘yon dami mong alam,’’reklamo ko sa kaniya. Ngumiti lang naman ito sa akin ng mala-demonyo. Kita niyo na, may masamang balak talaga itong aking pamilya sa akin. ‘‘Okay, this is it and do listen carefully. Naisip ko kasi ang challeng na ‘to for you. Tama ka kuya, para sa ‘yo ang challenge na ito dahil gusto namin na mahanap mo ang lalaking magmamahal sa ‘yo,’’paliwanag sa akin ni Jaica. Napakunot naman ang aking noo dahil sa kaniyang paliwanag at ano daw? Mahanap ang lalaking magmamahal sa akin? ‘‘Gosh, Jaica that challenge is stupid,’’walang gana kong sagot sa kaniya. Nalungkot naman ito dahil sa aking sinabi which is nakakakonsensiya. ‘‘Anak,pumayag kana. Kung iniisip mo ang restaurant kami na bahala ng mama mo do’n okay? Anak tama ang kapatid mo, oras na para gawin mo ang gusto mo,’’paliwanag naman sa akin ni papa. ‘‘Kaya kami pumayag anak dahil, alam kong nagpakahirap ka sa lahat kaya ngayon give yourself a chance anak,’’sabi naman sa akin ni mama. Napabuntong hininga naman ako dahil sa kanilang mga paliwanag sa akin. Tama naman sila, hindi ko binigyan ang sarili ko ng panahon para makapagsaya, humanap ng kaibigan dahil lahat itinuon ko sa aking pag-aaral. I never had the so called best friend ‘cause I don’t really talk to anyone way back highschool and college days. I’m all alone kahit ang daming gusting makipag-kaibigan sa akin. I rejected them all dahil gusto kong tapusin muna ang lahat bago ang aking sarili. Siguro ito na ‘yong sign na gawin ko na ang mga gusto ko para sa aking sarili. ‘‘Sige, pumapayag na ako. Ipagpatuloy muna pagpapaliwanag mo Jaica,’’pagsabi ko na siyang dahilan para lumiwanag ang kanilang mga mukha. Napangiti naman ako ‘cause I realize that, this family really cares for me. ‘‘Ganito kasi ‘yan kuya, bibigyan ka naming ng 365 days para hanapin ang uri ng love na tinatawag na ‘Eros’ which means, you have to look for your partner. Huwag kang mawalan ng pag-asa kuya dahil naniniwala kami na may isang lalaking magmamahal sa iyo okay? At kapag mahanap mo siya, kailangan mo siyang dalhin sa bahay at ipakilala sa amin. Pangalawa, ang kailangan mong hanapin ay ‘Philia’ ito ‘yong pagmamahal sa isang kaibigan at kapag mahanap mo din ang taong ‘yan kasama ng future boyfriend mo kasama din siya sa pag-uwi mo,’’mahabang paliwanag sa akin ni Jaica. Pumalakpak naman sila mama at papa matapos marinig ang speech ni bunso. Mukhang suportado talaga nila mama ang plano nitong nerd kong bunso. ‘‘Saan ko naman siya hahanapin? Ako pipili ng lugar kung saan ko gusto hanapin ‘yong the one ko huh?’’Sabi ko naman sabay lagok ng juice. Nag-isip naman ako ng lugar na gusto kong puntahan at para doon hanapin si future boyfriend ko. ‘‘Alam ko na! Sa Boracay!?’’Bulalas ko sa kanila. Ang ganda ng lugar na naisip ko, upang hanapin ang lalaking magmamahal sa akin at sana sa loob ng isang taon mahanap ko nga siya. ‘‘Kung ‘yan ang gusto mo anak, sige lang basta ang mahalaga masaya ka diba pa?’’tanong ni mama kay papa. Tumango naman si papa kay mama bilang sagot sa tanong nito. Napangiti naman ako dahil sa kanilang lubos na pagmamahal sa baklang anak nila. ‘‘Magpa-book kana ng ticket anak, para makaalis kana agad,’’Mom said while getting the plates on the table. ‘‘Ma, parang gusto niyo lang ata akong palayasin dito eh,’’reklamo at malungkot kong usal kay mama. ‘‘Gaga hindi, ako na nga magpapa-book sa ‘yo okay? Diyan na kayo ng kapatid mo, aakyat na kami ng papa mo.’’Turan ni mama sa amin sabay alis nila ni papa. Naging tahimik naman ang aming sala dahil wala sa amin ni Jaica ang gusting magsimula ng usapan. ‘‘Kuya, sana sa loob ng isang taon mahanap mo siya ano? Naisip ko ‘yong challenge na ‘yon kuya dahil gano’n kita kamahal. Ayoko naman na tumanda ka nang walang kasama dahil hindi sa lahat ng pagkakataon makakasama mo ako,’’pagbasag ni Jaica sa katahimikang namumutawi ngayon sa sala. Napangiti naman ako dahil sa sweetness nitong bunso namin. ‘‘Halika nga dito kay kuya, mamimiss kita once na umalis na ako.’’Pagsabi ko sa kaniya sabay yakap. Ganito kami ka-close ng kapatid ko, kaya nalang siguro gumawa siya ng challenge para sa ‘kin upang tulungan akong hanapin ang aking sarili at ang iba pa. ‘‘Thank you for everything my little sister at sana nga mahanap ni kuya ang future boyfriend niya. Umakyat kana at mukhang may mga ginagawa kapang assignments,’’I said while combing the hair of Jaica. Humiwalay naman ito sa pagkakayakap sa akin sabay halik sa aking pisngi. ‘‘Goodnight kuya, gonna include it on my prayer bye,’’She said and she directly headed back towards here room. Naiwan akong mag-isa sa tahimik na sala hanggang sa maalala ko na naman ang lalaking nakasagutan ko kanina. ‘‘Why are you keep on popping on my mind? Sino kaba talaga?’’Inis kong sambit sabay kuha ng aking cellphone. Dumiritso naman ako sa ‘Todo list’ na app upang gumawa ng list ng mga challenges ng aking pamilya at mga gusto kong gawin sa Boracay. Habang nagtitipa sa aking cellphone dahan-dahan naman akong naglalakad paakyat sa aking kuwarto hanggang sa tuluyan ko itong marating. Iniligay ko naman muna ang aking cellphone sa study table ko upang makapagpalit ako ng aking pantulog dahil nabusog na ako sa cake na inihanda sa akin ni mama kanina. Matapos ang anim na minutong pagpapalit ng aking kasuotan kinuha ko muli ang aking cellphone upang ipagpatuloy ang pagsusulat ng aking mga gusting gawin. Sa aking pagsusulat, hindi ko namalayang tuluyan na akong nilamon ng dilim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
583.1K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.5K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.3K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.5K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook