chapter 1
Ang pagcatha co nitong salitang ito,i, naguing parang isang calibangan
co sa aquing sariling buhay; nguni,t, mayroon din acong hinahangad
dito sa aquing salita,t, calibangan.
Ang aquing hinahangad, ay hindi co sasabihin sa manga bumabasa, ó
naquiquinig nang pagbasa nitong aquing isinulat, cundi sasabihin co
lamang, na ang cahalimbaua nitong quinatha cong salita, ay isang
dayap.
Anoman ang laqui nang dayap, at maguing ano ang caniyang ganda at
caquinisan nang balat, ay cundi ninyo pigain, ay uala cayong
macucuhang gatas doon cundi amoy lamang at sucat.
¡Caya bahala ang bumabasa ó naquiquinig, na pumiga nitong salita, cung
ibig nilang cunin ang gatang napapalaman dito!
Ang totoong bilin co sa manga íniibig cong tagalog, ay houag baga
basahin nila itong salitang ito, na palactao-lactao, na parang
inuugali nilang basahin ang manga _libro_, at cung magcagayo,i,
marahil magcacamali sila, palibhasa,i, ang lamang nitong salita,i,
parang isang usap; caya cailangang paquingan ang magcabilang _parte_,
at pagtimbang-timbangin ang canilang manga catouiran, nang macuha ang
catotohanan.
Ang isa cong pang bilin sa canila, ay houag magtaca sila sa mga
guinagamit cong uica:--_ama, tatay, amba_,--_ina, nanay, inda_,--sa
pagtotoo nang ama,t, ina; sapagca,t, iyang lahat na manga pangalang
iya,i, para-parang guinagamit sa iba't ibang bayan ó Provincia.
At sa catapusan ay ipinamamanhic co sa manga tagalog na macagagasa ó
macariringig nitong gaua cong ito, na ipatauad nila sa aquin ang manga
caculangan co sa pagsasalita, sapagca,t, aco,i, hindi tagalog, cundi
castila rin, baga man Padre, na totoong nagmamahal sa canila.
_Fr. Miguel Lucio y Bustamante._
ADVERTENCIA A LOS NO TAGALOS QUE LEAN U OIGAN LEER ESTE CUENTO
Mucho, y hasta interesante, podria decir sobre el idioma tagalog y
sobre otros incidentes de actualidad, que no dejan de relacionarse con
el citado idioma; pero ni la ocasion, ni la pequeña, por no decir
nula, importancia del presente cuento se prestan á ello.
Po eso he de concretarse á mis lectores no tagalos que, en este mi
insignificante trabajo, hago uso de no pocos términos castellanos; de
unos por ser técnicos, que no admiten sustitucion; de otros, porque
están ya tagalizados, y son de uso comun; y de otros en fin, porque,
aunque pudieran muy bien ser reemplazados por otros propios del, (aun
no bien conocido), idioma tagalog, sería necesario echar mano de mas
palabras, para espresar el sentido.
Poco é insulto es lo que presento á mis lectores no tagalos, pero aun
asi y todo creo, (y dispenseme esta inmodestia), que no dejarán de
encontrar algo que no les desagrade en este escrito.
Tambien advierto que en la prosodia y sintaxis me he atenido
frecuentemente á la prosodia y sintaxis españolas.
Añadiendo por último que el idioma tagalog está en crisis, en esa
crisis, por la que han pasado casi todas las lenguas é idiomas, sobre
cuya circunstancia, echaría yo ahora, de muy buena gana mi parrafito,
mas ó menos estenso, y mas ó menos certado, pero al fin un parrafito;
mas, dadas las condiciones actuales, opino que basta y sobra con lo
dicho, que no dejaran de comprender los que, despues de haber
estudiado con alguna detencion ó atencion el idioma tagalog, esten
ademas al corriente de lo que sucede y pasa......
_Fr. Miguel Lucio y Bustamante_
SI TANDANG BASIO MACUNAT
Sa aquing manga paglacad-lacad, at pagdalao-dalao sa manga bayan-bayan
dito sa Filipinas, ay nacarating aco sa isang bayang ang ngala,i,
Tanay sa Distrito nang Morong.
Aco,i, napatiguil doon nang dalauang lingo, at dito sa pagtira cong
ito,i, naguing caquilala co ang isang matanda na ang ngala,i, si
Gervasio Macunat, at cung tauaguin doo,i, si Tandang Basio.
Malaqui ang pagcauili co sa matandang yaon, palibhasa,i, matalinong,
masayahin, at matalas na matalas ang caniyang bait at pagiisip.
Gabi-gabing ualang sala,i, pinaroroonan co siya sa caniyang bahay, at
doon nagsasalitaan cami nang sari-sari, hanggan sa malalim na ang
gabi, at cung minsan ay inuumaga pa cami sa aming pagsasalitaan.
Dito sa aming manga pagsasalitaan, ay pinag-uusapan din naman ang
iba,t, ibang ugali nang manga tagalog, at aco,i, natotoua nang di
hamac, sa paquiquinig co nang caniyang matitinong catourin at
casagutan sa lahat nang bagay na aming pinag-uusapan.
Isang gabi, ay tinucso co ang matanda, na ang uica co baga sa caniya:
Cung cayo po,i, nag-aral sa Maynila nang caunti man lamang; cung cayo,
po, anaquin, ay natuto nang uicang castila man lamang, ay
_segurong-segurong_ cayo,i, naguing directorcillo dito sa inyong
bayan, at macaquiquita, po cayo sa Tribunal nang pagcabuhay ninyo na
ualang malaquing capagurang _paris_ ngayon, na cung ibig, po, ninyong
cumita nang naipacacain sa inyong manga anac at asaua, ay cailangan,
po, na cayo,i, magbangon nang maaga, at humauac nang calabao, at
dumilig muna nang lupa nang inyong pauis, bago, po, cayo,i, macaquita
nang _maisusustento_ sa inyong familia.
¡Ay ina co! ¡Cáhimanauari houag na acong nag-uica nang ganoong uica!
Nagalit na di ano lamang ang matanda; at nagbucang bibig nang lintic,
at iba,t, iba pang ganito; na ang isip co baga siya,i, nabalio, ó
napaano caya. Subali,t, pagcamayamaya, at nang lumipas-lipas na ang
caniyang biglang galit, ay nangusap sa aquin nang gayon:
--Patauarin, pó, ninyo aco; ipatauad, po, ninyo sa aquin ang
pagpapaualang galang co, po, sa inyo.
--Aco, pó, ang sagot co; aco, pó, ang dapat patauarin ninyo,
sapagca,t, aco,i, siyang nagbigay galit sa inyo, baga man pó,t, hindi
inaabot nang aquing pag-iisip, cung ano,t, anóng iquinagagalit ninyo
sa aquing salita.
--Houag, pó, ninyo acong cayamutan ang uica ni matandang Basio; houag,
pó, ninyo acong cainipan, at matatastas din, po, ninyo cung baquit
nasira ang aquing loob doon sa sinabi, pó, ninyong tungcol sa
pag-aaral nang uicang castila, at sa pagdidirectorcillo.
Inyo pong salitain ang uica co, ang balang maguing gusto ninyo, at
malaqui ang toua cong maquinig sa inyo.
Ang una-unang ibig co pong maalaman ninyo, ay ang naguing buhay cong
magmula sa pagcabata co, na hangan dito sa oras, na hinaharap natin,
at saca,i, sasalaysayon co, pó, sa inyo ang puno at dahilan nang
pagcagalit co sa inyong salita cangina.
Cayo, pó, ang bahala, ang sagot co. Umupo lamang tayo dito sa papag,
at habaa,t, habaan, po, ninyo ang inyong salita, na hindi co, po,
cayong cayayamutan.
Cung ganoon, po, aco,i, sasapol na.
II
Aco, po, ang uica nang matandang Basio, ay anac nang taong mahihirap,
na manga maglulupa, manga opahan, subali,t, matatacutin sa Dios.
Maliit na maliit pa aco, na hindi pa halos marunong magusap, ay
pilipilit na, po, acong pumasoc sa escuelahan arao-arao na ualang
falla.
Ang aquin pong maestro, ay isang mabait na mabait na matanda, na ang
ngala,i, si Gregorio, na cung taunguin naming manga bata,i, cacang
Yoyo. Totoong naibiguin siya sa aming mang escuela, nguni,t, mabagsic,
po, namang siyang totoo, cung cami ay sumasala sa leccion, o sa iba,t,
ibang itinuturo niya sa amin. Uala pong sino sa kaniya; ang may
casalanan ay pinarurusahan nang tapat na parusa, ay siya na; hindi,
po, niya tinitingnan, cung ang batang nacacasala ay anac nang
mayayaman o mahihirap na tauo. Ang caniyang sinusunod ay ang
catampatan; sa macatouid: ang dapat pong parusahan, ay pinarurusahan,
niya, at ang dapat purihin ay pinupuri niya, maguing sino ang
tinatamaan.
Caya, po, malaqui ang aming tacot sa maestrong yaon, at malaqui, po,
naman aming pag-galang at pag-ibig sa caniya. Dahilan, dito,i, cami
pong manga bata,i, sunod sunuran sa caniya, na ang cadalasan,i, hindi
pa tapos ang caniyang utos sa amin, ay cami patacbo na sa pagsunod
nang ipinag-uutos niya sa amin.
Yaon pong, matandang yaon ay totoong quinacaibiga,i, guinagalangan
nang buong bayan, baga man hindi siya marunong nang uicang castila, na
paris nitong manga maestrong bagong litao ngayon, na ang pangala,i,
normal, na cahima't, casing-itim co, ó maitim pa sa aquin, ay
nagsosoot nang levita ó cung ano cayang tauag doon sa isinosoot nilang
damit, at naquiquipantay sila sa manga Cápitan, at sa manga Cura pa,
na, (tabi sa di gayon,) tila,i, cung sino silang mahal na tauo.
Ang naturan cong matandang maestro namin ay ualang sariling calooban,
bagay sa pagtuturo at pangungosiua sa aming manga bata. Hindi siya
cumiquilos; hindi siya nagbibigay nang bagong utos, cundi cumuha siya
muna nang tanong at sanguni sa aming maguinoong Capitan, at
lalong-lalo sa aming cagalang-galang sa Padre Cura. Caya, pó, matanda
at bata ay umaalinsunod sa caniya, palibhasa,i, talastas nang lahat,
na hindi siya mangangahas na mag-utos nang anoman, cundi naalaman muna
nang aming Cura.
Baca, pó, ang tanong sa aquin ni tandang Basio, pagdating dito sa
lugar na ito nang caniyang salita; maca, po,i, iquinayayamot, pó,
ninyo itong aquing mahabang salita?
Hindi po, hindi pó, ang aquing sagot sa caniya; caya ituloy pó,
ninyo,t, ituloy ang inyong historia, na cahit anong haba, ay
mamasarapin cong paquingan.
Salamat, pó, ang uicang ganti nang matanda. Ngayon, pó, aniya, ay
iuurong co nang caunti ang aquing salita, at sasabihin co, pó, sa
inyo, na cung mahigpit ang aquing maestro, ay lalo pa póng mahigpit
ang aquing magulang tingnan, pó, ninyo ang canilang guinagaua.
Pagdating co, pó, sa bahay na nangaling sa escuelahan, ay sinusulit,
pó, aco nang sinusulit nang aquing manga magulang, na cung ano,t, ano
cayang natutuhan sa arao na yaon; at cung ano,t, anong bilin sa aquin
nang maestro; at cung ano,t, anong guinaua co; at cung ano,t, ano pa,
pó, na lubhang marami. Sa pagsusulit pong ito,i, ang catotohanan, pó,
ang aquing sinasabi at isinasagot, at malaqui póng totoo ang tacot
cong magsabi nang casinungalingan sa aquing magulang.
Sa dacong gabi, at pagcatapos nang aming hapunan, na ang cadalasan
po,i, canin lamang na ualang ulam, ó mayroon mang ulam, ay caunting
bayabas, ó dulong, ó saguin, ó canduli, ó hipon cayá ay quinacalong
aco nang aquing ama, ó nang aquing ina, at sari-sari, pó, ang
itinuturo nila sa aquin. Mayroon, pó, sa pagdadasal; may sa
pagcocompisal; may sa paquiquinabang, may sa paquiquipagcapoua tauo,
at sa iba,t, iba pang catungculan nang tauong cristiano, ayon sa
inaabot nang canilang pag-iisip, at magandang calooban nila sa aquin.
Dito, pó, sa lagay na ito ay lumalacad nang lumalacad ang panahon, at
aco pó,i, macapagcompisal na, at nacapagcomulgar, cung macailan na; at
marunong na, pó, acong bumasa, sumulat at nang caunting _cuenta;_ at
caalam-alam co ay sumapit na aco sa cabagongtauohan.
Nang magcagayon; aco pó,i, nananaghiling totoo sa capoua cong
bagongtauong naquiquita cong gumagala cung gabi, at lumiligao cung
saansaan, sa pahintulot nang canilang magulang. Caya, pó, minsan, dala
nang aquing capanaghilian, ay nangusap aco sa aquing tatay sa boong
galang nang ganito:
Tatay, baquit, pó,i, hindi ninyo acong pahintulutan, na manaog at
lumigao-ligao, at sumaaya-saya diyan sa bayan na para bagang
naquiquita cong guinagaua nang capoua cong bagongtauo?
Nang maringig, pó, nang tatay co itong aquing capamanhican sa caniya,
tila pó,i, natataua-taua, at tila naman namamangot-mangot, nguni,t,
hindi siya nagalit, bagcos sumagot sa aquin nang banayad na banayad
nang gayon:
Basio, icao,i, anac co; icao ay iisa-isang anac co, na minamahal cong
totoo, at minamabait co pa; subali,t, ica,i, batang bata pa; ica,i,
isang hangal pa, na hindi pa marunong na cumilala nang manga silo at
carayaan nang demonio, nang manga lamang bayan at nang sariling
catauoan caya, inaalaala co, na baca sacali, cung cata,i,
pahintulutang manaog at lumigao diyang paris nga nang guinagaua nang
caramihan nang casingbinata mo, ay lumubog ca sa putican, at
palubuguin mo pati ang magulang mo, at mapahamac nang para-para ang
ating caloloua. Caya houag cang managhili, Basio, sa maling caugalian
nang capoua nating tagalog, na ang sagot nila baga, cung sila,i,
sisihing tungcol sa manga ugaling ito, ay: may bait din, anila, ang
canilang manga anac; at cung itong canilang anac ay nalulubog na sa
guitna nang putican, ay ang quinacatouiran nang magulang ay gayon:
_siyang talaga nang Panginoong Dios, bago_ bago,i, casalanan nilang
sarili, dahilan sa canilang capabayaan, at dahilan sa capahintulutan
nila sa canilang manga anac na lumagay sa panganib na icalulubog nila.
Houag mong alalahanin, Basio, iyang manga bagay na iyan, sapagca,t,
cung may aua ang Panginoon Dios ay macaquiquita ca rin nang
pacacasalan, di man icao,i, lumigao.
Pinaquingan co, pong, maigui itong hatol nang tatay co, at baga man,
tila, may cumucutcot at humahalucay sa aquing dibdib, ay umayon aco,t,
umalinsunod sa calooban nang aquing magulang nang puspos at lubos na
pagsunod; At ngayong oras na ito,i, masasabi co, pó, sa inyo, na
aco,i, nagpapasalamat at nagpapasalamat nang maraming-marami sa aquing
namatay na ama, dahilan sa magaling na pagtuturo niya sa aquin.
Seguro, po,i, mahahango na, pó, ninyo dito sa aquing sinalita ang
naguing calagayan co, niyong aco,i, bagong tauo at soltero: subali,t,
gayon man, ay sasalaysayin co, pó, sa inyo, na ualang palico-licong
sabi.
Ang naguing buhay co, po, niyong panahong yaon, ay ganito.
Pag-umagaumaga na madilim pa, ay guiniguising aco nang aquing tatay,
¡saan di, pó, at aco,i, matuluguin, palibhasa,i, bata pa!, at
pagcabangon, ay nagdadasal cami nang caunting pagpasalamat sa
Panginoon Dios, at inumaga caming buhay pa. Tuloy nagsisimba caming
dalaua nang tatay, co, cung maaga ang Misa, at hangan cami, pó,i,
nasasasimbahan, ay naghahanda ang aquing ina nang ano-anomang
maipacain ó maipainom sa aming magtatay, at masama, pó, rao, ang uica
ni inda, na cami ay pasasa-trabajo na ualang laman ang sicmura.
Caya pangagaling, pó, namin sa Simbahan ay cumacain po, cami, ó
humuhigop caya nang balang nacayanan ihanda ni ina, at siya na, pó,
yaon na, pó, cami nang tatay sa amin-aming guinagua, na ualang oui sa
bahay cundi nang sangdaling _oras_ sa _pag-aalmorsal_, nang dacong _a
las nueve_, at saca sa pagcain nang tanghaliang pagtugtog nang _a las
doce_, cung sacali,t, hindi, pó, cami pinacacain nang may _patrabajo_
ó nagpapagaua sa amin.
Pag-oui, pó, namin cung gabi, na pagcatapos nang aming gaua, ay
pinahahapon co, pó, ang aming manga hayop, ó liniligpit co caya ang
manga casangcapang aming guinamit. Nagpapahinga, pó, cami nang caunti,
at tuloy nagdadasal cami nang santo Rosario, na ualang _capallapalla_
gabi-gabi, maguing ano ang hirap nang catauoan namin ni tatay. Ang
minamatouid ni Ina, cun cami dumadaing, ay ganoon: _Ang pagdarasal,
aniya, nang santong Rosariong gabi-gabi, ay hindi nagbibigay-pagod,
cundi bagcus isang malaquing caguinhauahan nang caloloua,t, catauoan_.
Pagcatapos nang dasal namin, cami, po,i, cumacain nang hapunan, at
saca nagsasalitaan cami nang caunting casama nang aming capitbahay at
ibang caquilalang napapa roon sa bahay, at pagtugtug nang _á las
diez_, ay ligpit na caming lahat sa cani-canilang bahay at banig, at
ang minamatouid, pó, nang tatay co, ay masamang totoo, rao, na mapuyat
cung gabi ang tauong nagpapaupa, sapagca,t, cung umaga,i, mag aantoc
at matatamad tuloy.
Doon, pó, sa buhay at lagay cong yao, ay mayroon acong nararamdamang
isang bagay, na di matatalastas co ang pinangagalingan. Aco, pó,i,
hindi lumiligao; hindi palagala; hindi palapanaog; uala rin sa loob co
ang pag-aasaua; ay, cung baquit, pó, aco,i, guinitian nang pag-ibig sa
isang dalagang capitbahay co, pó, at _casing edad_ co naman.
Pinaglabanan co póng totoo, at pinangatauoanan cong patayi,t, bunutin
itong minamasama cong binhing tumutubo sa aquing dibdib, at hindi co,
pó, macuhang patayin, cundi bagcus, ang damdam co, po,i, lalo,t,
lalong lumalago at tumataimtim sa aquing puso. Gayon man, ay
pinipiguil cong maigui ang aquing calooban, at hindi aco nagsalita sa
babaying yaon nang isa mang uica lamang tungcol sa humahalungcay nang
loob co. Cami, pó, lamang ay nagbabatian nang ugaling bati nang manga
capitbahay, at siya na, pó.