bc

BRITTLE HEARTS

book_age16+
1.1K
FOLLOW
9.4K
READ
possessive
contract marriage
boss
maid
ambitious
single daddy
office/work place
teacher
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

WARNING: SPG, R18+

Enrico Oliver Villegas came from a reputable family. But even with his family’s good name, he chose to create his own path and pursue the course he likes the most: education. Having the opportunity to teach children the basics is one of his long time dreams. Talagang mahilig siya sa bata. Kaya naman nang maipanganak ng nag-iisang babaeng minahal niya ang panganay niyang anak ay abot langit ang kasiyahan niya. Ngunit doon rin niya nalaman ang tunay na ugali ng babaeng minamahal. Ang pangmamaliit nito sa propesyon niya, at ang pag-iwan nito sa kanilang mag-ama ang dumurog sa puso niya. Now, he needs to take care of his three-months-old daughter alone.

At nang mag-limang taong gulang na ang kaniyang anak, Olivia is starting to find the love of a mother. Kaya sinubukan ni Oliver makipag-date sa kung sinu-sinong babae upang makahanap ng makapagbibigay ng kasiyahan ng anak. Ngunit sa kamalas-malasan, lahat ng nakikilala niya ay walang pakialam sa kaniyang anak. He also realized that he's more desperate to get Olivia a mother than getting himself a partner.

Until he met Ashley Corazon. Isang babaeng nakipagsapalaran sa Maynila upang mapaganda ang buhay. Ashley ended up as Olivia’s nanny. At talaga namang napalapit ang loob ng bata sa dalaga. Ngunit hindi lamang pala ang puso ni Olivia ang nabihag ni Ashley, kundi pati ang mailap na puso ni Oliver.

Ngunit ang kasiyahang iyon ay saglit lamang pala. Dahil ang biglaang pagbalik ng dati niyang asawa at ang pagpapakilala nito bilang tunay na ina ni Olivia ang sisira ng lahat.

Will they still have the blissful ending… kung buo na ang desisyon ni Ashley na talikuran ang mag-ama?

chap-preview
Free preview
SYNOPSIS
Enrico Oliver Villegas came from a reputable family. The Villegas Clan owns multiple branches of La Panaderia de Villegas, one of the most prominent bakeries all over the country. Kung tutuusin ay maaari siyang kumuha noon ng kursong Business Manangement o hindi naman kaya ay Culinary, katulad na lamang ng kursong kinuha ng kaniyang mga kapatid, dahil pagka-graduate pa lamang niya ng kolehiyo ay naghihintay na sa kaniya ang family business nila. May naghihintay na sa kaniyang trabaho. Doon pa lamang ay talagang napakasuwerte na niya. But even with his family’s good name, he chose to create his own path and pursue the course he likes the most: education. Having the opportunity to teach children the basics is one of his long time dreams. Talagang mahilig siyang magturo at tumulong sa mga bata. Which also lead him to built his own foundation; ang Tiny Hands. Kaya naman nang maipanganak ni Veron, ang nag-iisang babaeng minahal niya mula pa kolehiyo, ang panganay nilang anak ay talaga namang abot langit ang kasiyahan niya. At ang unang pumasok sa isip niya ay sabihin na sa mga kaibigan ang buhay-pag-ibig niya na matagal na niyang itinatago sa mga ito. Having the privilege to hold your kid for the first time... It was the most satisfying feeling in the world. At least for him. Ngunit hindi naglaon, doon rin niya nalaman ang tunay na ugali ng babaeng matagal niyang minahal. Ang pangmamaliit nito sa propesyon niya, ang pagsisisi nito sa pagpapakasal sa kaniya, at ang pag-iwan nito sa kanilang mag-ama ang dumurog sa puso niya. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang umiyak nang umiyak, at magpakalango sa alak hanggang sa mawalan siya ng malay. Iniisip niyang baka sa ganoong paraan ay makalimutan niya ang sakit na nararamdaman; na baka kapag nag-inom siya nang nag-inom, paggising niya kinabukasan ay ayos na siya, at normal nang muli ang lahat. But he doesn’t have the luxury to drown himself in alcohol. Hindi niya pwedeng gawin iyon. He still needs to take care of his three-month-old daughter. Kaya naman pwersahan niyang kinalimutan ang pagkadurog ng kaniyang pagkatao sa lalong madaling panahon. Ibinuhos niya ang lahat ng oras sa ibang bagay para makalimot sa nangyari. Ibinuhos niya ang lahat ng oras sa pagtratrabaho para sa kaniyang anak, at para mapatunayan sa dating asawa na hindi ito kawalan sa kaniya. He worked day and night and tried to be the best parent for her daughter, even if he's alone for that responsibility. He did everything he could to give Olivia the best life that she deserves. Ngunit ngayong limang taong gulang na ang kaniyang anak, Olivia is starting to find the love of a mother. Mapagtanong na ito, mapaghanap. Mapaghanap ng pagmamahal at aruga ng isang ina na hindi naman niya maibigay dito, kahit na anong sakripisyo pa ang gawin niya. Kaya naman sinubukan ni Oliver ang makipag-date sa kung sinu-sinong babae upang makahanap ng makakasama sa habang-buhay, at makakatuwang sa pag-aalaga kay Olivia. Ngunit sa kamalas-malasan, lahat ng nakikilala niya ay walang pakialam sa kaniyang anak. All of them does not want him; who ironically is a man with a baggage. Then, he realized that he doesn’t feel anything for those girls. All of them are just a bunch of flings. He realized that he is more desperate to get Olivia a mother than getting himself a partner. Napagtanto niya na ayos lang sa kaniya kahit walang makasama habang-buhay. Ang inaalala lamang niya ay ang limang taong gulang niyang anak. Until he met Ashley Corazon. Nagbago ang lahat ng kaniyang pananaw ng makilala niya ang babae. Si Ashley ay isang babaeng nakipagsapalaran sa Maynila upang mapaganda ang buhay. She ended up as Olivia’s nanny. At talaga namang napalapit ang loob ng bata sa mabait at magandang dalaga. Ngunit hindi lamang pala ang puso ni Olivia ang nabihag ni Ashley, kundi pati ang mailap na puso ni Oliver. Oliver tried to hide his feelings and drew an invisible line that separates pleasure from his sanity. Lahat na yata ng paraan ng pagsusungit upang ilayo ang loob nito sa kaniya, ay ginawa na niya. But with Ashley, he is never sane. Nothing works. Kahit ano pa ang gawin niya, he still feels the same. He still feels that funny feeling in his chest; at mas lumala pa nga iyon. Hindi na niya mailayo ang sarili sa dalaga dahil sa likas na kabaitan na taglay nito. At ang kakaibang nararamdaman niyang iyon para sa dalaga ang nagpapabaliw sa kaniya gabi-gabi. He began to desire her. Ngunit ika nga, lahat ng bagay ay may limitasyon, at kabilang na roon ang pagtitimpi at pasensya niya. Kaya naman bumuo na siya ng isang desisyon: ang aminin sa dalaga ang totoo niyang nararamdaman para rito. He took the risk and tell her how he feels. At nang malaman niyang may pagtingin din pala sa kaniya ang dalaga ay talaga namang hindi mapagsidlan ang kaniyang kasiyahan. Abot-langit iyon. Pakiramdam niya, iyon na lamang muli ang pagkakataon na nakaramdam siya nang ganoong klase ng kasiyahan. Ngunit ang kasiyahang iyon ay saglit lamang pala. Dahil ang biglaang pagbalik ng dati niyang asawa at ang pagpapakilala nito bilang tunay na ina ni Olivia ang sisira ng lahat. Bigla na lamang sumulpot muli si Veron sa buhay ng mag-ama at balak na raw bawiin ang mga ito; sa kahit ano pa mang paraan. Everything became messy once again. And this time, mas magulo pa iyon kaysa noong unang beses na iniwan ni Veron si Oliver. Dahil ngayon, mas maraming buhay na ang nadamay. Mas maraming buhay na ang nasira dahil handa si Veron na bunutin ang lahat ng tinik sa landas nito, para lamang tuluyang makabalik sa buhay ng mag-ama. Handa itong alisin ang lahat ng balakid para lamang tuluyang mapasakamay nito sina Olivia at Oliver. Will they still have the blissful ending… kung buo na ang desisyon ni Ashley na talikuran ang mag-ama? At paano kung sa pagbalik niya sa Maynila ay hindi na siya naaalala ng binata, ano ang kaniyang gagawin?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook