bc

TKB 3: Endless Love [BOOK 3]

book_age12+
311
FOLLOW
1.5K
READ
possessive
dominant
brave
inspirational
comedy
bxb
lighthearted
mxm
turning gay
like
intro-logo
Blurb

BOOK 3 of THE KASAMBAHAY!

“True love stories never have endings.”

Nagbabalik ang masaya at magulong pamilya ni Ry at Dylan!

Ilang buwan na din ang nakaraan mula nang maganap ang matinding problema na sumubok sa tibay ng pamilyang Hendricks.

Ngayon matapos mapagtagumpayan ang lahat ng iyon ay masaya at balik na muli sa normal ang kanilang pang araw-araw na buhay. Panibagong yugto sa buhay ng pamilyang Hendricks. Mas maraming kiligan, kulitan at masayang pangyayari na naman ang magaganap.

Muli sa pangatlong pagkakataon. Samahan natin ang Hendricks family tungo sa kanilang walang hanggang pagmamahalan.

[IF YOU LIKE THE STORY, PLEASE DON'T FORGET TO FOLLOW ME AND CLICK THE HEART. THANK YOU!]

©2021Cutiecane23

chap-preview
Free preview
Chapter 1
3RD PERSON POV ILANG buwan na din ang nakaraan mula nang maganap ang matinding problema na sumubok sa tibay ng pamilyang Hendricks. Ngayon matapos mapagtagumpayan ang lahat ng iyon ay masaya at balik na muli sa normal ang kanilang pang araw-araw na buhay. Tahimik at payapa. "How's you day, buddy?" tanong ni Dylan sa anak nang makapasok ito sa opisina matapos sunduin ni Rylan ito sa school. Mula nang kumain sila nang sabay-sabay noon dito sa opisina para makasama si Dylan mag-lunch ay nakasanayan na nila iyon hanggang ngayon. "Okay lang po Daddy!" masiglang sagot naman nito, sabay upo sa sofa. Naisipan kasi ni Rylan na dito muli sa opisina ni Dylan mag-lunch para sabay-sabay sila, lalo na kapag wala namang lunch meeting na naka schedule ang asawa. At sa tingin niya ay masaya rin naman sa ideyang iyon si Dylan dahil nagkakaroon sila ng extra oras na magkakasama. "Home made ang lunch natin!" masayang anunsyo ni Rylan, sabay lapag ng paperbag na puno ng mga Tupperware sa center table. "Wow, gusto ko yan Ry ko!!!" excited na sagot pa ni Dylan at tinulungan na siyang ayusin ang lahat ng pagkain sa ibabaw ng mesa. Matapos maihayin lahat ay sinimulan na silang kumain at katulad ng nakasanayan nilang mag-asawa, sya ang naglalagay ng pagkain sa plato ni Dylan at ganun din naman ang ginagawa nito para sa kanya. "Nak, parang may nabanggit sa akin ang teacher mo kanina," biglang saad naman niya, habang pinupunasan ang gilid ng labi nito. "Tungkol daw saan, Ry ko?" nag-aalalang tanong naman ni Dylan sa kanya. 'Siguro nag aalala ito na baka maulit na naman ang nangyaring pangbu-bully noon kay Ryden,' isip-isip pa niya. Sasagot na sana siya, pero naunahan siya ng anak nila nang bigla itong tumayo at mabilis na may kinuha sa loob ng bag nito. Masigla pa itong tumakbo sa kanila para i-abot ang hawak. Mabilis naman na lumapit sa kanyang tabi si Dylan para tingnan ang ibinigay ni Ryden. Isa pala itong flyers na naglalaman nang gaganapin na events para sa FAMILY DAY sa school ni Deden. Nakasaad sa flyer ang date, oras at ibang pang mga detalye tungkol sa events na mangyayari. 'Malapit na pala itong ganapin', isip-isip pa niya, habang patuloy na binabasa ang mga nakalagay na detalye dito. "Mahal ko tingnan mo, may cooking contest sila," masayang turan pa ni Dylan, sabay turo sa parte kung saan nakasulat iyon. Napatango naman siya dahil doon. Marami pang contest na pwedeng salihan tulad ng palarong pinoy, beauty pageant (parents version), singing contest at iba pa. Alam na ni Rylan ang gusto niyang salihan kaya naman napangiti siya dahil sa mga recipe na pwedeng lutuin para sa contest. May tema ring nakalagay dito kaya mas makakapag isip siya ng dish na pwedeng ipanglaban sa contest na iyon. "Papa, Daddy makakapunta po ba kayo?" tanong pa ng anak nila kaya sabay silang napatingin dito. Nagkatinganan pa silang mag-asawa at napangiti sa isa't isa. "Oo naman buddy, hindi ito papalampasin ni Daddy, babakantehin ko na ang araw ng event para makapag-leave ako sa araw na yun," sagot naman ni Dylan dito kaya bumakas ang saya sa mukha ng anak nila. "Ako din nak, aayusin ko na ang lahat para free ako next week," sabi naman niya dito kaya napatayo sa sobrang saya ang anak nila at nagmamadaling lumapit sa kanila para yumakap. "Thank you po!!! Papa, Daddy!!!" maligayang sigaw pa nito kaya masaya naman nilang tinugunan ang yakap nito. ------------------------- KINABUKASAN nang ihatid ni Rylan ang anak sa classroom nito ay pansin niya ang paghahanda ng school para sa darating na Family day na mangyayari ilang linggo mula ngayon. 'Magandang ideya na magkaroon ng family day para naman makapaglaan ng oras ang mga magulang kasama ang mga anak nila,' saad pa niya sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang paligid. "Mr. Hendricks?" Napalingon siya dahil sa narinig. "Ma'am Rachel, ano po yun?" sagot naman niya sa adviser ni Deden nang makita niya itong palapit. "Nasabi na po ba ni Ryden sa inyo ang tungkol sa magaganap na Family day?" "Opo ma'am, kahapon lang po," tugon naman niya dito. "Mabuti po kung gano'n, ang registration po para sa mga contest ay magsisimula sa Friday," nakangiti pang sabi nito sa kanya kaya napangiti rin siya bago sumagot. "Okay po ma'am, salamat po." Tumango pa siya at kumaway bilang pamamaalam dito. Ngumiti naman ito bago magtungo sa dereksyon ng classroom ni Deden. Nang nakaalis ito, napansin naman niya si Lily at Bryce na kadadating pa lamang. Matapos halikan sa noo at kausapin ang anak, nakangiti na itong pinapasok ni Lily sa loob ng silid. "Cutiee, ano sabi ni teacher Rachel?" anito nang makalapit sa kanya. "Ah sinabi lang kung kelan pwede magpa-register para sa mga contest," sagot naman niya dito, napatango naman ito at napangisi na para bang may masama na namang binabalak, at sigurado siyang mayroon talaga itong binabalak. Tiningnan pa niya ito ng kakaiba dahil sa ikinikilos nito. 'Nababaliw na naman ata itong si Lily,' isip-isip pa niya, habang sabay silang naglalakad papunta sa parking lot ng school. "Ano nga pala sasalihan mo Lily? Kailangan daw ng participation ng bawat parents," hindi niya napigilang itanong dito. "Hmm, siguro sa mga games na lang ako sasali, medyo busy ako nitong mga nakaraang araw kaya alam mo na di ako pwede sumali sa mga engrandeng contest," pagpapaliwanag nito sa kanya, pero sa tono pa lang ng boses nito alam na niyang may kakaiba na namang iniisip ang loka niyang best friend. Wala naman siyang magagawa para pilitin itong umamin kaya pinagsawalang bahala na lamang niya muna ang lahat. Babatukan na lamang niya ito pag may ginawa na namang kalokohan. 'Hays, siguro napakahaba ng pasensya ni Brandon para magka asawa ng tulad ni Lily,' napapailing na saad pa niya sa sarili, habang binubuhay ang makina ng sasakyan. Balak niya sa araw na ito na magpunta sa cafe nila sa mall para alamin ang mga kulang na dessert at iba pang pangangailangan doon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

NINONG III

read
363.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

NINONG II

read
618.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook