bc

Taste of Honey (Closure)

book_age16+
1.6K
FOLLOW
10.3K
READ
contract marriage
love after marriage
pregnant
sensitive
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

“Mag-asawa tayo. Hawak-kamay tayo sa lahat ng pinagdadaanan natin. Kapag mahina ka, ako ang dapat na malakas. Aalalayan natin ang isa’t isa.”

“We love each other, Honey. Trials will come and go, but our love will always be here to stay… that is all that matters.”

Tanggap naman ni d**k na there’s no such thing as a perfect life. HIndi rin naman siya perfectong tao at aminado siya sa mga pagkakamali niya. Pero nang dumating sa buhay niya si Honey, sinikap niyang gawin ang lahat ng alam niyang tama. Mahal na mahal niya si Honey. Lahat ng kaya niya ay gagawin niya para maipakita dito kung ganno ito kamahal.

Pero hindi niya inaasahang may magbabalik mula sa kanyang nakaraan. At hindi rin niya kayang basta na lang talikuran ang responsilbilidad niya doon. Ang gusto lang niya ay mailagay sa ayos ang lahat. At hindi maisakripisyo ang pagsasama nila ni Honey.

Pero bakit parang hindi ganoon kadaling gumawa ng tama?

chap-preview
Free preview
Part 1
“HON… I love you.” Malambing ang tinig ni d**k, ramdam na ramdam ni Honey ang pagsuyo sa kanya ng asawa lalo at sinabayan pa iyon ng banayad na paghaplos sa kanya. Pero hindi siya tuminag. Nagkunwari siyang tulog. At sabi nga, ang pinakamahirap gisingin sa lahat ay iyong nagtutulug-tulugan. Patuloy si d**k sa pagdama sa kanya. Dumako ang mainit na palad nito sa kanyang hita. Kasabay ng pagtaas ng haplos nito ay tangay nitong naililis ang pantulog niya. Lihim siyang napalunok. Pamilyar na pamilyar na sa kanya iyong ganoong haplos sa kanya ni d**k pero hindi pa rin siya namamanhid sa gusto nitong ipahiwatig. Hindi niya maitatangging naaapektuhan siya ng paghaplos nito habang sinasabayan pa ng maliliit na paghalik sa gilid ng tenga niya. Kinasasabikan pa rin niya ang bawat pagkakataon ng intimate moments nila. But then… An image that equaled to nightmare came to her mind. She froze. “Alam kong gising ka,” sabi ni d**k na may tono ng panunukso. Bumuntong-hininga siya at saka dumilat. Nagtagpo ang mga mata nila at nanunuksong kumindat pa sa kanya ang asawa. Isang matalim na irap ang isinukli niya dito at saka bumiling patalikod. Nabitin ang pagdama ni d**k sa kanya. Sa mga sumunod na segundo ay hinintay niyang ibalik ni d**k ang kamay nito sa katawan niya. He was always like that. Hindi ito basta sumusuko sa mga maliliit na pag-iwas niya. Nakasanayan niya ang ganoon na parte ng paglalambingan nila. Pero hindi ang gaya ng nakasanayan niya ang ginawa ni d**k. Bumangon ito at padaskol na bumaba ng kama. At saka ni hindi siya nilingon na lumabas ito ng kuwarto. Maang na napatitig si Honey sa nakaawang na pinto. At halos awtomatiko na bumalong ang luha sa mga mata niya. Kaagad siyang nagsisi sa inakto niya. Mabilis din na kinain ng takot at insecurity ang puso niya. Parang buwan ang bawat minutong magdaan na hindi pa bumabalik si d**k. Hindi naman niya magawang sundan ito. Nagpoprotesta ang pride niya sa ideyang susundan niya ito. Ipinikit niya ang mga mata. At parang tinutuya ang pakiramdam niya na lalong luminaw sa likod ng isip niya ang isang mukha. Si Daisy. Para sa kanya, daig pa ng isang masamang panaginip ang mukhang iyon. Gising man siya ay daig pa niya ang binabangungot kapag naiisip niya si Daisy. Lalo na at parang permanente nang nakadikit sa isip niya ang mukhang iyon. That woman was always in her mind. Anumang taboy ang gawin niya ay palagi na lang itong nasa isip niya. Daisy was her constant nightmare. Napakislot siya nang makarinig ng kalabog ng pinto. Nagkukukot ang kalooban na bumangon siya. Halos mapatid siya sa sariling paa sa pagmamadali sa paghakbang. Nakalapat ang pinto. Wala si d**k. Sa espasyo ng condo unit nilang iyon, isang tingin lang niya sa paligid ay alam na niyang kung may kasama pa siya o wala na. But still, she checked the CR. Bakante din iyon. Parang nauubusan ng lakas na naupo siya sa sofa. She willed herself to stop crying. At tinitigan ang nakasaradong pinto. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatingin doon. Iba’t ibang ideya ang pumapasok sa utak niya kasabay ng mas malaking takot na bumabalot sa puso niya. Paano kung hindi na ito bumalik? praning na isip niya. And then the door opened. Maski paano ay nakahinga siya nang maluwag. Pero hindi niya makuhang magsalita at hindi rin niya magawang iparamdam dito ang relief na naramdaman niya. “Bakit bumangon ka pa?” matabang na tanong sa kanya ni d**k at saka dumiretso ito sa banyo. Nang lumabas ito doon ay mamasa-masa pa ang mukha. Nalanghap niya ang amoy ng mouthwash na ginamit nito. Pero hindi rin nakaligtas sa kanya ang amoy na gusto nitong pagtakpan. Sigarilyo. Kung sa ibang pagkakataon ay hindi malayong sitahin niya ito tungkol doon. Pero pinili niyang ipagsawalang-kibo na lang iyon ngayon. “Tara na. Matulog na tayo,” sabi pa nito sa kanya. “Akala ko, umalis ka,” mahinang sabi niya. Hindi niya magawang tumayo. Nanlalambot siya. She was emotionally struggling for almost a month now. Since that night that she found out that Daisy, like her was pregnant, too. At si d**k ang ama ng ipinagbubuntis nito. Na sana ay isang masamang biro lang pero isang mapait na katotohanan iyon na kailangan niyang harapin at tanggapin. “Alas dose y medya nang madaling-araw, aalis ako? Saan naman ako pupunta?” parang nagpipigil ng pagkapikon na sabi nito. “Kay Daisy.” Mabilis na iyong lumabas sa bibig niya bago pa man tuluyang nabuo ang pangungusap sa isip niya. Kungsabagay ay talaga namang iyon ang kinatatakutan niya sa pagsasama nilang iyon. Magkalapat ang mga labi na tinitigan siya ni d**k bago inilahad ang kamay sa kanya. “Tigilan mo ako diyan. Tara na sa itaas.” Inabot niya ang kamay ni d**k dahil totoong kailangan niya ng alalay nito. Nanghihina siya. At alam niyang mas emosyonal ang dahilan kaysa pisikal. Napauklo siya sa unang paghakbang pa lang. Mabilis na tumuon ang atensyon sa kanya ng asawa. Walang salitang yumuko ito at parang isang pirasong papel lang ang gaan niya at binuhat siya. Pagdating sa itaas ay wala pa ring imik na maingat siyang ibinaba nito sa kama. Naghubad ng pang-itaas si d**k at saka sumampa sa kama para tumabi sa kanya. Ilang sandali na para siyang tuod lang na ibinaba doon. Pagkuwa ay painot siyang bumangon. Naglalaban ang puso at isip niya sa balak niyang gawin. Natigil na ang paghakbang niya sa may paanan ng kama. Parang nagpoprotesta pati mga binti niya sa gagawin niya. “Honey, come here. Matulog na tayo.” Saka lang siya muling kumilos. Pero hindi para tumabi dito. She bit her inner lip. Nanginginig ang kamay na inabot niya ang laylayan ng pantulog niya saka mabilis iyong hinubad. Wala siyang bra. Her panties came next after a second. Itinabi niya iyon sa pantulog na kahuhubad lang. Pigil na pigil niya ang pagtulo ng luha sa gumapang na hiya sa buong katawan niya. Mas malaki na ngayon ang tiyan niya. Mahigit limang buwan na. Visible na rin ang stretch marks sa balat niya. At higit sa lahat, ngayon lang niya ginawa ang ganoon.  Halos mapabalikwas ng bangon si d**k sa kama. “Honey, what are you doing?!” “Ito ang gusto mo, hindi ba?” Lumapit siya sa kama na pinipigilan na takpan ng sariling mga kamay ang kahubdan niya. Nangangatog ang mga tuhod niya. Sigurado siyang pulang-pula ang mukha niya sa hiya. Ramdam niya hanggang magkabilang tenga niya ang gumapang na init sa mukha niya. Hindi lang pisikal na katawan niya ang hinubaran niya at mas higit ang pagkatao niya. “s**t,” he muttered. Mabilis na dinampot nito ang damit niya. “Magbihis ka nga. Ano ba iyang ginagawa mo na iyan?” Lamang ang disgusto sa tono nito. “You… you have all the right to my body, d**k,” halos piyok niya. “Asawa mo ako. Obligasyon kong magbigay sa pangangailangan mo. Sorry kung tumanggi ako kanina.” “Kelan ako namilit sa iyo?” sagot nito nagbago ang boses. Lumambot iyon. Una nitong isinuot sa kanya ang pantulog niya at saka parang bata siyang ibinalik nito sa kama. At saka yumuko ito upang suutan din siya ng panloob. Iniiwas niya ang mga paa. Sa kabila ng kahihiyang pumupuno sa kanya ay inililis niya ang damit at pinaghiwalay pa niya ang mga hita. “Kapag hindi kita pinagbigyan, alam kong may ibang magbibigay sa iyo ng pangangailangan mo. Take me.” She felt very exposed, literally and figuratively. Gusto nang mag-unahan sa paggulong ang mga luha niya. Tumigas ang anyo ni d**k. Hinila nito ang comforter at itinakip sa kanya. “Huwag mong insultuhin ang p*********i ko, Honey. Hindi ako hayok sa s*x. Alam mong hindi lang s*x ang habol ko sa iyo.” Pinukol siya nito ng isang nakakapasong tingin at saka pabalibag na isinara ang pinto.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Just Another Bitch in Love

read
26.4K
bc

A night with Mr. CEO

read
174.5K
bc

Contract - Tagalog

read
751.8K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
608.5K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook