bc

Can you be mine?

book_age18+
24.8K
FOLLOW
108.1K
READ
love-triangle
comedy
sweet
lighthearted
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

Si Yaya Flores ay isang simpleng dalagang probinsyana na namasukan bilang katulong sa isang mayamang pamilya sa maynila. Hindi niya akalain na sa pamilyang iyon ay makikilala niya ang isang masungit ngunit mabait at napakagwapong lalakeng magpapatibok ng kanyang puso. He is Noah Valdemir Hoffman. The youngest son of Jerome Hoffman.

Sa unang pagtagpo pa lamang ng kanilang mga mata ay nahulog na agad ang loob ni Yaya sa binata. Nakakapanghina naman kasi ang kagwapuhan nito. Ngunit suntok sa buwan kung papansinin siya nito dahil ito na yata ang pinakatahimik at pinakasuplado sa mga amo niya.

Kahit isang beses ay hindi pa niya ito nakitang ngumiti o tumingin man lang sakanya.

May pag-asa kaya siya sa isang katulad nito? O hangang panaginip nalang ang kanyang pag-ibig dahil kahit baliktarin ang mundo ay mukhang hinding hindi ito magkakagusto sakanya. Lalo na't kaliwat kanan ang mga babaeng nagkakagusto dito.

Ngunit malakas yata ang kanyang panalangin dahil minsan niyang nahuling nakatingin ito sakanya at bigla nalang itong nag iwas ng tingin kasabay ng pamumula ng pisngi nito.

Ano kayang ibig sabihin ng tingin nito? May kahulugan kaya iyon?

Hangang isang araw inaya siya nitong makipag-date! Wala na yatang isasaya pa ang puso niya dahil sa alok nito ay para siyang lumulutang sa ibabaw ng mga ulap! Ngunit lumagapak agad ang kanyang puso sa lupa ng sabihin nitong may iba itong babaeng minamahal at nais raw nitong pagselosin ang babaeng iyon sa pamamagitan niya.

Papayag ba siya sa gusto nito? Hindi pa man siya pumapayag ay nasasaktan na siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Yaya! Haru-diyos ko kang bata ka! Napakakupad mo!" Napangiwi si Yaya sa sigaw ng kanyang ina. Kanina pa kasi ito naghihintay sa labas ng kanilang bahay. Halos madapa-dapa tuloy siya sa pagbaba sa kanilang hagdanan na gawa sa lumang kahoy at uuga uga na. "Teka lang ho nay!" Bitbit niya ang kanyang maliit na maleta habang pababa siya sa kanilang hagdanan mula sa ikalawang palapag ng kanilang munting tahanan. Ngayong araw kasi siya luluwas sa maynila upang makipagsapalaran doon. Ipinasok siya ng kaibigan ng kanyang nanay bilang katulong ng isang mayaman at sikat na pamilya. Ang Hoffman family. Ayaw niya sanang pumasok sa pagiging katulong dahil nahihiya siya. Sino ba naman kasi ang gugustuhin pumasok bilang katulong kung ang iyong pangalan ay Yaya mismo? Kasalanan kasi iyon ng tatay niya kung bakit Yaya ang kanyang naging pangalan. Nagkamali kasi sa pag sulat ng kanyang pangalan ang kanyang tatay noong ipinanganak siya. Iyon ang naparehistro nito. Imbis na Maya Flores ay naging Yaya Flores ang naisulat nito. Hindi na nila iyon napabago dahil purwisyo pa iyon at sagabal sa trabaho ng kanyang ama bilang magbubukid. Wala rin namang pera ang mga ito upang ipa-ayos pa iyon. "Bilisan mo naman Yaya! Baka maiwan ka na ng bus!" Sigaw pa muli ng kanyang ina bago ito inubo Sa totoo lang ang kanyang ina sana ang papasok bilang katulong ngunit hindi niya ito pinayagan dahil sa kalusugan nito. Mayroon itong hika at nag aalala siya para sa kanyang ina. Kaya naman huminto siya sa tatrabaho sa isang panahian upang mamasukan bilang katulong. Mas malaki kasi ang sweldo sa mansyon na pagtatrabahuhan niya. Makakatulong iyon sa pagpapagamot ng kanyang ina. "Ate susulat ka sakin ha!" Naroon sa ibaba ng hagdanan ang kanyang bunsong kapatid na si Jeferson. Inaabangan na siya nito. Kagabi pa ito umiiyak dahil sa kanyang pag alis. Hangang ngayon namumula parin ang mga mata ng kanyang walong taong gulang na kapatid. "Jepjep huwag kang mag-alala mag iipon lang si ate Yaya mo para makapasyal tayo sa plaza! Sa susunod dadalhan kita ng hopia pangako" Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ng kanyang nag iisang kapatid. Pinigilan niyang maging emosyonal dahil mas mahihirapan siyang harapin ang kanyang panibagong buhay sa maynila kung magiging emosyonal siya. "Yaya anak! Dali'an mo nariyan na ang bus!" "Anak mamimis ka namin. Mag iingat ka roon ha?" Sambit naman ng tatay niya na nasa gilid ng hagdanan na nakatingin ng malungkot sakanya. "Opo tay!" Niyakap niya ang kanyang tatay at nagmadali na siyang lumabas ng kanilang bahay. Narinig na kasi niya ang paghinto ng bus sa tapat ng kanilang bahay. "Yaya ayan na ang bus!" Sigaw ng nanay niya kaya naman napatakbo na siya palabas ng kanilang bahay. Nakita niyang inubo ang kanyang ina kaya nilapitan niya agad ito "Nay ayos ka lang--" "Sige na anak! Iiwanan ka na ng bus--" Pagtaboy sakanya ng kanyang ina Ayaw pa sana niyang iwanan ang nanay niya. "Uminom ka agad ng tubig nay! Mahal na mahal ko kayo nay. Aalis na ho ako!" Niyakap niya ng mabilis ang kanyang ina bago siya tumakbo papalapit sa bus na papa-alis na "Manong! Sasakay ho ako!" Sigaw niya habang bitbit niya ang kanyang maleta Mabuti naman at narinig siya ng kundoktok ng bus at agad iyong tumigil sa pag-alis. Isang beses kada araw lamang ang mga bus na dumaraan doon kaya kailangan niyang makasakay sa bus na iyon papuntang maynila. Tinulungan agad siya ng kundoktok paakyat ng bus. Inalalayan pa siya nito. "Ganda dahan dahan sa pag-akyat" Nakangiting sambit sakanya ng kundoktor na mukhang natipuhan pa siya habang inaalalayan siya nito "Salamat manong" Hinatid pa siya ng kundoktor na bus sa isang bakanteng upuan at ito pa ang nag-lagay ng kanyang maleta sa ibabaw na lagayan ng mga kagamitan. Lumingon muna siya muli sa kanyang pamilya at sakanilang bahay bago umandar ang bus na sinasakyan niya. Doon palang nag-sunod sunod sa pagpatak ang kanyang luha. Habang kumakaway siya sa kanyang pamilya. Naaawa na kasi siya sa magulang niya. Kailangan niyang tulungan ang mga ito. Naaawa rin siya kay Jepjep dahil hindi ito nakakapag-aral. Samantalang high school lamang ang natapos niya bago siya pumasok bilang mananahi. "Bye anak! Mag iingat ka!" Sigaw ng tatay niya habang kumakaway rin ang mga ito sakanya. "Para sainyo po mag iipon ako.." Nasambit nalang ni Yaya sa kanyang sarili ng hindi na niya matanaw ang kanyang pamilya dahil napapalayo na ang pag-andar ng sinasakyan niyang bus "Ganda sa maynila ka ba bababa?" Napatingin si Yaya sa kundoktor na nagsalita sa kanyang tapat. "Oho. Magkano ho?" "Libre na lang para sayo" Kumindat pa ito bago i-abot ang ticket sakanya "N-Naku huwag na ho. Nakakahiya naman--" "Tingin ko mabait kang anak eh kaya regalo ko na sayo yang pamasahe mo. Good luck sayo ganda sa maynila" Hindi na hinintay ng kundoktor ang kanyang isasagot dahil lumakad na ito papunta sa harapan "S-Salamat ho" Taos pusong pasasalamat niya dahil alam niyang naririnig pa siya nito Ngumiti lang ang kundoktor sakanya. Habang nasa biyahe siya ay panay parin ang pag-iyak niya. Miss na miss na agad niya ang kanyang pamilya. Namugto tuloy ang kanyang mga mata kakaiyak niya Labing anim na oras ang biyahe papunta sa maynila mula sa kanilang probinsya. Ito ang unang beses niyang makakaluwas ng maynila. Nananakit na ang puwet niya sa pagkaka-upo dahil anim na oras na siyang bumabiyahe. Nilalamig na rin siya sa aircon na nakatutok sa kanyang bumbunan mabuti nalang at pinag-jacket siya ng kanyang ina dahil alam nitong malamig sa loob ng bus. "Sino ho ang iihi diyan at kakain mayroon ho ditong toilet at karinderya. Titigil ho muna ang bus natin ng isang oras kaya makakakain muna kayo" Anunsyo ng kundoktor kaya nagbababaan naman ang mga pasahero. Dahil nilibre siya ng kundoktor ay mayroon tuloy siyang extrang pera upang maka-kain siya. Nagugutom na rin siya kaya naman bumaba rin siya ng bus upang kumain sa karinderya doon katulad ng ibang pasahero. Pagkatapos niyang kumain ay nagtungo muna siya sa banyo upang umihi at magsipilyo. Pagbalik niya sa kanyang upuan ay mayroon ng lalakeng nakaupo doon. Naka-shades ito ng kulay itim at naka-black hoody jacket. Nakasuot rin ito ng black facemask. Mukhang masarap na ang pagkakasandal nito sa upuan dahil may unan pa ito sa leeg nito na nakapalibot "Mister excuse me ho, Pwesto ko iyan" Kinalabit niya ang lalakeng natutulog yata sa mga oras na iyon "Can i seat here? Mahirap don eh" Sagot nito bago ituro ang pinaka-dulong upuan na tanging bakante nalang sa mga oras na iyon Napakunot ang nuo niya dahil punuan na ang bus. Marami ang mga bagong pasahero katulad nitong lalakeng ito na mukhang kakasakay lang. "Nako hindi pwede dahil nauna ako sayo. Ayoko rin doon sa dulo" Nakakunot nuong sabi niya. Nakatingin ito sakanya kahit hindi niya nakikita ang mga mata nito. Napabuntong hininga ang lalake at tumayo na ito sa kanyang upuan "Fine." Nakasimangot siyang umupo sa kanyang pwesto. Mainit pa ang upuan dahil siguro sa init ng katawan ng lalakeng umupo kanina "Ay! Anu ba iyan ang init naman ng pwet mo!" Mataray niyang sabi sa lalake. Wala itong reaksyon. Ngunit umupo ito sa kanyang tabi kaya nanlaki ang kanyang mata "I'll seat here" Sabi nito pagka-upo nito sa kanyang tabi bahagya pang napadikit ang jacket nito sa kanyang jacket. Napabuntong hininga nalang siya dahil kahit nasisikipan siya ay wala siyang magagawa dahil pang-dalawang tao ang upuan na iyon. Na-nuot agad sa kanyang pang-amoy ang pabango ng lalake. Masarap iyon sa kanyang pang-amoy. Pasimple niya itong tinignan. Sa tingin niya gwapo ito kahit hindi niya nakikita ang mukha nito. Sa tingin niya rin ay kaedad niya lang ito. Mukhang mayaman ito base na rin sa kutis at pananamit nito Dumaan ang kundoktor at humingi ng bayad sa lalakeng katabi niya kaya naputol ang pag-mamasid niya sa kanyang katabi "Boss bayad mo?" Naglabas ng isang libo ang lalakeng katabi niya at iniabot iyon sa kundoktor. Sinuklian naman ito ng kundoktor. "May biogesic ba kayo dito?" Maya maya tanong ng lalakeng katabi niya sa kundoktor. Maganda rin pala ang timbre ng boses nito. Lalakeng lalake at binatang binata ang dating. Pasimple niyang naamoy ang mabango at superfresh nitong hininga. Amoy mint iyon. Ang bango! Pinagalitan niya ng palihim ang kanyang sarili. Nakakahiya siya dahil kung ano anong napapansin niya sa lalakeng katabi niya. "Bakit boss? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ng kundoktor "Yes." Sagot ng katabi niya "Nako boss wala ho akong gamot dito eh. Sayang ho sana sa karinderya kanina baka ho meron doon--" Hindi na niya natiis sumabat sa usapan ng mga ito. "Mayroon akong biogesic dito" Sabat niya Napalingon naman sakanya ang kanyang katabing lalake. Inilabas niya sa kanyang maliit na bag na nakasabit sa kanyang katawan. Mayroon siyang dalang biogesic dahil baka mahilo siya sa biyahe. Pinabaon iyon sakanya ng nanay niya. "Kaya pala mainit ang puwet mo eh nilalagnat ka pala" Nakangiting sabi niya sa kanyang katabi "Thanks" Maiksing pasasalamat nito at hindi man lang tumawa sa biro niya. Tinangap nito ang biogesic at ininom iyon. "Ay wala kang tubig??" Nanlaki ang kanyang mata dahil nilunok lang nito ang gamot Ngunit mas nanlaki ang kanyang mata dahil tinangal nito ang mask upang inumin ang gamot. Mapapatulo ata ang kanyang laway sa maganda at matangos nitong ilong. Lalo na ang natural na mapula nitong labi. Kissable lips ito at halatang gwapo talaga! Umiling ito at muling isinuot ang face mask. Nataranta naman tuloy siya sa paghanap ng kanyang water bottle. Baon niya iyon. Inalok niya parin ang lalakeng katabi niya. "H-Hindi ko pa iyan naiinoman. Kung gusto mo saiyo nalang. Hindi naman ako bad breath" Nahihiya na tuloy siya sa lalake dahil nakita na niya ang ilong at bibig nito. One hundred percent siyang sigurado na napakagwapo nito! "Thanks" Pasasalamat nito bago nito kunin ang kanyang water bottle. Hindi naman pala maselan ang lalake dahil uminom agad ito roon. Napakagat labi siya habang pinagmamasdan niya muli ang napakagwapo nitong mukha. Kahit ilong at labi pa lang nito ang nakikita niya.. Napatingin siya sa suot nitong jacket. May naka-burda sa gilid niyon na N.O.A.H Napangiti siya dahil iyon marahil ang pangalan nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.6K
bc

His Obsession

read
72.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook