bc

Agápi Series #1: Final Walk

book_age18+
83
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
brave
popstar
drama
city
royal
friendship
actor
model
like
intro-logo
Blurb

Lore and Theo were best friends that turned into a lover. They even fulfilled their passion together, it was great at the beginning until the downside of their relationship and career came; that leads them to their heartbreak. That agony made Lore decided to be apart from her lover. However, even if how many years have already passed, the moment they saw each other again their hearts beat so fast like how they used to be when they were together. Yet even if how much love Lore still feels for Theo, she already decided to let go of their relationship long ago and for her, there's no turning back anymore.

chap-preview
Free preview
Prologue
"I love it. Okay, few more takes Lore and we're done" Sabi ng photographer na nasa harapan ko ngayon. May shoot ako ngayon for swimsuit attires ng isang clothing line na tinanggap ko kaya nasa isang beach kami ng mga oras na ito. Lumuhod ako sa puting buhangin at nilagay ang dalawang kamay ko sa ulo ko para hindi mapunta sa mukha ko ang mga buhok kong nililipad ng hangin. Ininat ko rin ng kaunti ang katawan ko paharap para makita ng maayos ang suot kong pulang one piece na nakacross ang disenyo sa bandang dibdib ko at may kaunting butas sa bandang tagiliran ko. "One more" Tumigilid naman ako ng kaunti para makita ang likod ko sa camera saka hinawak ang isang kamay ko sa batok ko at tinagilid ng kaunti ang ulo ko habang nakatingin ang mga mata sa buhangin, ang isang kamay ko naman ay nakatukod lang para masupportahan ang katawan ko. "Perfect" Sabi nito saka inalis ang pagkakatutok ng camera saakin at tinignan ang mga litrato doon. Agad naman akong dinaluan nila Aleha at Alice. Aleha is my manager and Alice is my personal assistant. Lagi talaga silang handa every after shoot ko. Sinuot naman ni Alice saakin ang robe ko habang pinapakita naman ni Aleha ang mga susunod kong schedule. "Wala kang schedule next week dahil uuwi ka ng Aurora diba? For Irene" paalala niya. Oo nga pala, dahil sa sobrang busy at hectic ng schedules ko ay nakalimutan ko ang tungkol doon. Next week na pala iyon, though hindi ko naman talaga nakalimutang uuwi ako, nawala lang sa isip ko na ngayong buwan pala iyon. "Sasama ba kami sayo?" Tanong ni Aleha habang may inaayos sa tab na hawak niya. "No need. Take a break first ladies, atsaka don't worry kaya ko na ang sarili ko manager" sinamaan naman niya ako ng tingin ng dahil sa huling sinabi ko. Natawa lang ako saka nagpeace sign sakanya. Ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang manager dahil nagmumukha daw siyang matanda. Aleha and Alice are just 2 years older than me kaya halos magkasundo at nagkakaintindihan lang din kami sa maraming bagay. They are fun to be with though, minsan nga hindi ko iniisip na manager at PA ko sila dahil para ko narin silang sarili kong mga kaibigan kung ituring at ganon din sila saakin. Pabalik na kami ng condo dahil iyon na ang huling schedule ko for today. "Paano mo kinakaya ang init kanina? Buti nalang talaga at magaling ka na sa ginagawa mo kaya hindi na kailangan na ulit-ulitin pa ang shoots mo. Kung ako siguro yun nahimatay na ako sa sobrang init" saad ni Alice. "I'm already used to it" simpleng sagot ko lang bago bumaba ng van na sinasakyan namin. "Aalis narin kami, message nalang kita if ever na may biglaang schedule o ano mang mangyari sa agency" paalam ni Aleha, tinanguan ko naman sila saka nagpaalam narin. Umakyat na ako ng unit ko at saktong pagbukas ko ng pinto ay naapatras ako dahil sa gulat. "SURPRISE b***h!!" bungad ni Irene. Pagpasok ko ay nakita ko rin sila Lovely, Jasmin at Henrietta. "Tumakas ka nanaman sa palasyo" tukoy ko kay Henrientta. "Hindi a, nagpaalam ako" pagtatanggol niya sa sarili. "Ano nga pala ang ginagawa niyo dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. "Yan ang may pakana" turo ni Lovely kay Irene na naglalapag ng baso sa lamesa, habang si Jasmin naman ay nasa kusina at kumukuha ng pagkain, si Henrietta naman ay nagseselpon lang sa tabi. "Sinisiguro lang na hindi mo kami nininjahin sa party" mataray na sabi ni Irene. "I already clear my schedule next week para sa party" paglilinis ko sa sarili. Grabe naman kasi kung maka-ninja 'to akala mo talaga di sisiputin, pwede ba yun? It's her engagement party after all. Hindi ako pwedeng mawala sa araw na iyon. "So may trabaho ka pa tomorrow at sa susunod na araw?" Tanong ni Jasmin na tinanguan ko lang. "Can't you clear your schedule?" Tanong naman ni Henrietta. "What? Why?" Nagtatakang tanong ko. Bakit parang kinakabahan ako sa iniisip ng mga 'to? "Because we are actually here para sunduin ka" nakangising sabi ni Irene What? Pinilit nila ako ng pinilit kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tawagan si Aleha. Nagulat siya dahil sa sinabi ko but she knows my best friends very well base narin sa kwento ko at alam niyang hindi nila ako tatantanan hanggang sa pumayag ako, that leave her with no choice kung hindi pagtakpan nanaman ako sa agency. "Ako na bahala. Enjoy your break sweetie and give my best wishes to Irene" huling sinabi ni Aleha bago binaba ang tawag. I am so lucky to have her as my manager unlike the former one. Hindi na ako nakapagligpit ng nga gamit dahil niligpit na pala nila Jasmin iyon habang hinihintay ako kaya naman dumiretso na kami ng airport para sa flight namin pauwi ng Aurora. Pagdating namin ay ginugol namin ang oras namin sa paghahanda para sa party pati narin ang pagbonding habang hindi pa officially na engaged si Irene, huling mga sandali na kasama siyang wala pang tali ang kinabukasan niya. Time flies so fast dahil dumating na ang araw ng party. I am wearing a black fitted backless dress with a deep V neckline, may slit din iyon na hanggang kalahati ng hita ko na pinaresan ko ng 5 inches black heels. Maliit na bag lang din ang dala ko, enough lang para mapaglagyan ko ng powder, tint, wallet and phone. Pagdating ko sa venue ay agad akong pumasok pero ganon nalang ang pagkagulat ko ng makita kung sino ang nakaupo ngayon sa high stool chair na nasa gitna ng stage at nakahawak sa mic. "I can't lie, I miss you" saktong nagtama ang mga mata namin ng kantahin niya ang parteng iyon. Halata ang gulat sa mga mata niya ng makita ako pero agad din niya iyong binawi. "Ano ba naman yan Theo engagement party to pero nagdadrama ka jan!" Maktol ng isa sa bisita nila Irene. 'Theo' Everyone's now calling him by the name that only I used to call him with. "Sorry, I forgot to mention na invited siya" napatingin ako kay Irene ng sabihin niya iyon. "It's okay babe, it's not a big deal though. Alam mong nakamove on na ako matagal na. So where's our table?" Pang-iiba ko ng usapan. 'I lied' How could I get over with the guy who used to be my first in almost everything? I know I said that I want each of my final walks to be with him but since that day I never did wish for him to even turn his head in my every walks, because it will only hurt me. 'Ayaw ko na, pagod na akong masaktan'

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
94.8K
bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
234.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook