bc

Amara the dreamer ( Completed SPG)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
9.6K
READ
drama
heavy
like
intro-logo
Blurb

Blurb: Namasukan bilang katulong si Amara sa mga Delgado, na inlove siya sa anak ng kanyang among si Edward. Pag katapos makuha ang kanyang virginity ng binata nag pakasal ito sa girlfriend na kapareho nito ng antas sa buhay.

Labis siyang nasaktan kaya, naisipan niyang sumama sa kaibigan sa Japan para mag Japayuki. At Dun makipag sapalaran para maabot ang kanyang mga pangarap.

Nag bago ang lahat sa kanya ng mag ka kilala sila ng Japanese na si Harikasi

Binigay sa kanya lahat lahat ng pangarap niya ngunit pag uwi niya ng pinas nag cross ang kanilang landas ng dating amo na minahal niya nuon na si Edward.

chap-preview
Free preview
Amara the dreamer Episode 1
" Ang guwapo talaga." bulong ni Amara sa sarili habang na katingin sa anak nang amo na si Edward. Naka upo ito sa sala bihis na bihis halatang may lakad ang binata. Mamasa-masa pa ang buhok at napaka guwapo nito sa sout na pulang polo shirt. " Kailan mo kaya ako bibigyan nang pansin?” Naitanong niya at napabuntong hininga. Matagal na niyang crush ang binata hanggang ngayon pinapangarap niya pa rin ito. Matagal narin siyang namasukan sa mga Delgado, pero hindi pa rin siya, binibigyan pansin nang binata. Kinakausap lang siya kapag may kailangan ito sa kanya. " Darating din ang araw mapapansin mo rin ako sir Edward," hiyaw niya na lumabas mula sa kanyang pinagkukublian sa kusina sa isang sulok ng kusina. Naglakad siya palapit rito. " A-alis na ako sir Edward,"aniya. Alas syete na ng gabi, maaga siyang na tapos sa kanyang mga gawain ngayon kaya maaga rin siyang makakauwi. Kadalasan nakakauwi siya sa kanila nang alas nueve, na ng gabi, depindi sa dinami nang kanyang trabaho. Stay out siya hindi rin naman gaano ka layo ang bahay nila mula sa pinapasukan at lagi siyang maaga kung dumating kinabukasan kaya, pinapayagan siya ng kanyang amo na mag stay out. Tanging tango lang ang naging tugon nito sa kanya. Nalanghap pa niya ang ginamit nitong pabango na cologne nang dumaan siya sa harapan nito. Sinulyapan niya muna ito ng nasa pintuan na siya, hindi niya mapigil ang sarili humanga rito ng husto. Naiiling na nagtuloy-tuloy lumabas na nang bahay. " AMARA INAAPOY sa lagnat ang kapatid mo, wala akong pera pambili ng gamot." Balisang bungad sa kanya ng nanay niya ng maka rating siya sa kanila. " Nay, susubukan ko mag advance bukas sa amo ko, pero hindi ko lang mapapangako na mapagbibigyan ako, malaki na kasi ang utang natin." Nauubos na ang kanyang sahod at nag kakautang pa siya sa amo dahil sa pabalik balik na lagnat nang kapatid. Wala din naman silang ibang mapag kuhanan kundi ang pagtatrabho lamang niya sa mga Delgado ang inaasahan nila nang lahat nang mga gastusin nila sa mga pang araw-araw na kakailanganin. Maaga silang na iwan nang ama at dalawa silang magkapatid siya ang panganay. Ang nanay naman niya ay may ka edaran narin. Minsan nag lalabada ito sa mga kapit bahay pero hindi rin maka tagal dahil sa sumasakit ang likuran nito, kaya tanging siya nalang ang nag susumikap para ma iraos niya ang pang araw-araw nilang mag-anak. " Subukan ko mang hiram kay Marikit nay. " tukoy niya sa kaibigan nang maalala ito, pagka sabi niyon ay agad din siyang umalis. Hindi na niya alintana ang dilim sa daan habang naglalakad papunta sa bahay nang kaibigan. Ilang sandali lang din ang nilakad niya ay narating niya rin ito. Naabutan niya si Marikit sa labas nang bahay nito nakaupo. " Amara, napa rito?" tanong nito ng makalapit siya. " Marikit, baka pwedi mo ako pahiramin ng pera pambili ng gamot ni Junjun, inaapoy kasi siya nang lagnat." hindi na siya nagpaligoy ligoy pa sa kanyang sadya rito. Kinakapalan na niya ang kanyang mukha. " Naku! friend wala pa akong pera ngayon, pero may raket ako ngayong gabi." tugon nitong tumayo para ipagkuha siya nang upuan. " Baka pwedi mo ako isama sa raket mo Marikit, kailangan ko lang talaga." Pakiusap niya, hindi siya pwedi umuwi na wala siyang dalang pera. " Gusto mo ikaw nalang muna sa trabaho ko? paubaya ko nalang sayo." Nabuhayan siya ng pag-asa sa sinabi nito. " Ano ba ang trabaho?"curious niyang tanong " May kakilala kasi ako, na ang kaibigan niyang lalaki ay mag bi-birthday kailangan daw nila nang dancer bilang regalo." tugon nito. Saglit siyang nag-isip. " hindi ako marunong sumayaw" sabi niya rito " Gumiling giling ka lang naman. Saka tanging bikini at bra lang ang sout mo ha." sabi ni Marikit na umupo sa tabi niya. " Hindi ba 'yon nakakahiya? Naka bikini ka sa harap nang maraming tao?" " Naku, wala nang hiya hiya kapag kailangan mo nang pera. Saka pwedi ka naman mag sout nang maskara kapag gusto mo." saad nito. Saglit siyang natahimik, pinag-isipan niya kung tama ba ang kanyang gagawin, pero kahit ano pang pag-iisip ang gagawin niya kailangang kailangan niya talaga ng pera. " Sasayaw kalang naman." sa isipan niya, pumayag narin siya at noon din ay sinama siya ni Marikit sa venue nang pagdarausan nang birthday party. PUMASOK siya sa isang malaking kahon na tanging itim na bra at itim na bikini ang sout niya, sout din ang maskara. Naramdaman niyang may humihila sa kahon papunta sa gitna. Tulad nang sabi sa kanya ni Marikit, lalabas lang siya kapag bubuksan nang celebrant ang kahon. Mayamaya pa ay narinig niya ang maugong na sigawan ng mga kalalakihan. " Buksan muna!" Narinig niya sigaw mula sa background. " Patrick, buksan muna!" Segunda ng isa pang boses lalaki. Binuksan nang celebrant na si Patrick ang malaking kahon. Mula sa naka bukas na kahon ay tumayo siya, tumambad ang mapuputi niyang katawan sa harap nang celebrant at dahan-dahan nagpapagiling. Lumabas siya sa box at tumayo sa harapan nang celebrant. Hinahagod ng kanyang dalawang palad ang dibdib ang celebrant habang nagpapagiling siya, marahan niyang hinagud ang katawan nito at paibaba. Akma nitong tanggalin ang kanyang sout na maskara, mabilis niyang napigilan ang kamay nito. Nakangiti siyang pinagpatuloy ang pag-giling. " Wow! Ang sexy!" Malakas na sigaw ng lalaki. Napalingon siya sa pinanggalingan nang boses, nagulat siya ng makita si Edward. " Edward?" Sigaw ng kanyang isipan. Bigla siyang kinabahan na baka makilala siya nito. Ayaw niyang makita siya nang amo sa ganitong ayos. Gusto na niya tuloy mag walkout pero, na isip niya rin ang kapatid, kailangan niya mapagamot ito kaya pinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa. " Giling pa more!" Sigaw ni Steve. Kilala niya si Steve dahil lagi itong nagpupunta sa bahay nang amo. Si Patrick ang ngayon palang niya nakita. " Sana matapos na ang tugtug para makaalis na ako sa harapan nang mga ito." hinaing niya sa sarili habang pinagpatuloy ang pagsasayaw. Ilang minuto pa ang lumipas ay natapos na rin siya. Halos takbuhin na niya ang papunta sa dressing room.Para puntahan ang kaibigang si Marikit na roon naghihintay sa kanya. " ANG LAKI naman nito!" bulalas niya nang e-abot sa kanya ni Marikit ang pera naghahalaga sa five thousand pesos. "Mapapagamot na namin si Junjun nito." mangiyak ngiyak niyang sabi kay Marikit at nayakap pa niya ang kaibigan sa subrang tuwa. " Maraming salamat talaga." paulit ulit niyang pasasalamat dito. " Walang ano man, basta para sayo." nakangiti nitong sabi. " Sige, na umuwi kana para makabili kana ng gamot." taboy nito sa kanya. " Salamat talaga' niyakap niya ito ulit bago siya tuluyan umalis. Tuwang tuwa talaga siya nakahawak siya ng ganito kalaking halaga. Malaki pa ito sa sahod niyang tinanggap buwan buwan nasa two thousand five hundred, ang sahod niya tinatanggap mula sa mga Delgado. Kadalasan wala pang natitira sa sahod niya dahil na ubos na niya sa kaka-advance. Nagmamadali siyang umalis sa lugar na 'yon, maghahating gabi na at maghahanap pa siya nang bukas na pharmacy para maibili ng gamot ang kapatid.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.6K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.9K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.0K
bc

The Cold Husband-SPG

read
4.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook