bc

BLOOD ACES (Tagalog/Filipino)(COMPLETED)

book_age12+
785
FOLLOW
3.1K
READ
murder
family
brave
heir/heiress
drama
bxg
office/work place
royal
abuse
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ang "ACES MANSION" ay pinakamalaking Mansion sa Pilipinas at pagma-may-ari ni Sedenio Sy. ipinamana niya ito sa apo niyang si Revecka "Vecka" Sy na may kakayahang humawak ng malaking kompanya at higit sa lahat ay pinagkakatiwalaan niya.

Ngunit hindi payag ang anak ni Sedenio na si Luchris Sy na mapunta iyon kay Vecka. pati ang kapatid ni Vecka na si Ramona Sy ay hindi rin payag na si Vecka ang magmana ng ACES Mansion at lahat ng ari-arian ng Lolo nila.

Gumawa si Luchris at Ramona ng kasamaan para maagaw kay Vecka ang mga ari-arian na ipinamana kay Vecka. Lalong lalo na ang ACES Mansion.

Madedepensahan kaya ni Vecka ang ACES Mansion at ACES Company sa mga gustong umagaw nito? at makipagsabayan sa madugong laban?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: ACES MANSION
Chapter 1: Aces Mansion “Ipinagdiriwang natin ngayon ang aking ika-70 na taong gulang, Kasama ang pagbubukas sa publiko ng Aces Mansion. Kasama ang aking pinakamamahal na pamilya, Ang pamilya Sy! Ipinakikilala ko rin sa inyo ang aking tagapagmana na si Revecka Sy! Matalino itong batang to! At hindi makasarili kaya dito ako nagtitiwala! Katulad niya ang ama niyang si Sebastian!” ani Sedenio Sy ang lolo ni Vecka. “Papa naman! Nangbola ka pa! I love you,” ani Vecka. “Ang sweet niya di’ba? I love you my beautiful grand-daughter! Ituloy na natin ang ating pagdiriwang! Maging maligaya kayo!” pabirong sabi ni Sedenio. Pumunta na ang mga bisita sa kani-kanilang pwesto at si Vecka ay sumunod sa Lolo nito. “Papa, ayos lang po kayo? Saan kayo pupunta?” tanong ni Vecka. “Apo nahihilo ako!” maikling sagot nito. “Pa.. Upo muna po kayo.. Tara,” ani Vecka. Sumama naman ang Lolo ni Vecka sa kanya at umupo silang dalawa sa nakahandang lamesa para sa kanila. Vecka: Pa? you want drinks? Water? Ano po gusto niyo? Sedenio: I need my medication.. Vecka: Medication? Luchris: What happened to Papa? Medications? Kukuha lang ako ahh.. Vecka wag mo siyang iwan. Vecka: Paki-bilisan nalang po Tito! Sedenio: Salamat apo.. Masyado kang nagtutuon ng oras sakin! Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?! Hayaan mo ko dito, hindi ako aalis.. I promised! Vecka: Okay lang po ako Papa.. hintayin nalang natin si Tito.. oh ayan na pala siya Pa! Luchris: Sorry I’m late. Take this Pa! Vecka: Salamat Tito.. Sedenio: Salamat sa inyo! Luchris: Oh? Ayaw mo makipagbonding sa kaibigan mo? Ako na ang bahala kay Papa! Sedenio: Vecka! Apo! Enjoy the night! Vecka: Thank You Pa! Excuse Me.. Umalis si Vecka sa tabi ng Lolo niya at sinamahan ang mga kaibigan niya at naiwan si Luchris at Sedenio sa lamesa. “Are you alright?” ani Luchris. “Ano nanaman ang pinainom mo sakin?” ani Sedenio. “Kung gusto mo humaba pa ang buhay mo Pa! Ilipat mo sakin ang lahat wag diyan sa walang kwenta niyong apo!” “Hindi ka ba napapagod? Ha ha! Nakakaawa ka Luch! Ipinag-aral kita ng maayos at ibinigay ko sayo ang lahat pero nauwi lang sa wala! Ngayon? Nanghihingi ka sakin ng mana! Pagod na kong pagkatiwalaan ka!” “Si Sebastian lang naman magaling sainyo Pa eh! Hihintayin nalang kitang mamatay ng dahan-dahan! Tingin mo ba? May laban sakin ang pag-iiwanan niyo ng mana? Hindi pa! Manuod ka nalang habang nasa langit!” “Hayop Ka!” “Goodluck! Ha Ha Ha!(Laugh Maniacally),” Tumayo si Sedenio sa upuan at nanginginig ang tuhod. lumakad ito palayo sa Event at lumayo sa Mansion. Hawak lang nito ang tungkod niya at nanginginig ito sa galit kaya medyo nanghihina ang katawan nito. Nakarating na si Sedenio sa tabi ng ilog at umupo ito sa upuan katabi ng puno. “Dito nalang ako nakakapag-relax! Dito nalang ako nakakapagpahinga sa ingay at pananakot sakin ni Luchris. Franches, Asawa ko? siguro nga magsasama na tayo diyan sa langit kasama si Sebastian. Franches, Sebastian, tulungan niyo akong baguhin si Luchris bago niyo ako sunduin,” bulong sa isip ni Sedenio. Habang nasa tabi ng ilog si Sedenio ay hinahanap naman ito ng apo niyang si Vecka sa loob ng Event pero hindi siya nito makita. Vecka: Tito Luch? Nakita mo ba si Papa? Di’ba Ikaw lang ang kausap niya diyan kanina? Asan siya ngayon? Luchris: Hindi ko alam Vecka! Hanapin mo! Puro ka kase kaibigan! Hanapin mo sa iba huwag sakin! Vecka: Sige.. ipagtatanong ko nalang sa iba. Mom! Ate? Nakita niyo ba si Papa? Ramona: Hindi ko alam kung nasaan Sis! Hindi din namin alam! Rosana: Ikaw ang kausap kanina ahh.. ipagtanong mo nalang sa kanila. “Ako lang talaga ang may pakialam kay Papa. Papa! Asan ka na? bakit hindi ka nagpaalam kung saan ka pupunta?” bulong sa isip ni Vecka. Unting oras nalang din ay matatapos na ang Birthday Party ng Lolo niya. Kaya pumunta na si Vecka sa Stage para doon tawagin ang Lolo niya. “Please, Lady’s and Gentlemen! Pay Attention! Meron po bang nakapansin kay Papa? Kanina ko pa po kase siya hinahanap ehh.. please! Kung sino po nakakita sa kanya sabihin nalang po saamin! Salamat!” Panawagan ni Vecka. Pumasok ito sa Mansion at doon hinanap ang Lolo niya. Naglakad sa napakahabang hallway at pumasok sa kwarto ng lolo niya pero hindi niya pa rin ito nakita. Kumuha ito ng jacket at nagpalit ng suot na sandals para hanapin ito sa mga pinupuntahan nito kapag ito ay nalulungkot. Umiiyak na lumabas ng Mansion si Vecka at nakasalubong niya ang boyfriend niyang si Winston. “Vecka? San ka pupunta? Bakit ka umiiyak?” ani Winston. “Ayokong pabayaan lang na wala sa mata ko si Papa! Wag mo muna akong kausapin ngayon Winston,” ani Vecka. “Tutulong ako!” ani Winston. Lumabas ng Mansion si Vecka kasama ang boyfriend nitong si Winston at inumpisan ang paghahanap nila sa tabi-tabi at nakita ito ni Vecka na mag-isang nakaupo at nakaharap sa ilog na dati nilang pinag-uupuan ng asawa niyang si Franches. “Papa?!” ani Vecka. Lumingon naman ang Lolo niya sa kanya at namumugto ang mga mata. “Vecka? Apo? Kanina ka pa ba nandyan? Tara dito at tabihan mo ko!” ani Sedenio. Lumapit siya sa lolo niya at tumabi. niyakap niya ito ng mahigpit habang ang boyfriend niya ay nasa likod nila at nanonood lang sa kanilang dalawa. “Nakikita mo ba ang mga bituin apo?(Tumango si Vecka) ‘Yan ang nagbibigay nang pag-asa sakin na mabuhay. alam mo kung bakit? Hindi ko na kase ulit makikita yung ganda ng mga bituin na ‘yan! Hindi ko na makikita ang kagandahan ng apo ko!” ani Sedenio. “Papa naman ehh! ‘Wag ka nga magsalita ng ganyan! Pinag-alala mo ko kanina! Hindi ka manlang nagpaalam sakin! Dapat nagsabi ka manlang!” galit na sabi ni Vecka. “Galit na ba ang apo ko? Asan na si Winston?” tanong ni Sedenio. “Nandito po ako Sir!” maikling sagot ni Winston. “Tinawag mo nanaman akong Sir?! Sabi ko sayo eh! ‘Wag muna akong tawagin na Sir! Tawagin mo na rin akong Papa! 3years ka nang boyfriend ng Apo ko at kilalang kilala na kita! Huwag mong lolokohin ang apo ko ahh! Pinapaalala ko ulit sayo!” ani Sedenio. “Opo! Pa!” maikling tugon nito. “Nice!(Laugh)” natatawang sabi ni Vecka. “Tara na! Bumalik na tayo sa Mansion,” ani Sedenio. Bumalik na ang tatlo sa Mansion at nag-closing ceremony na si Sedenio. Pagtapos ng Closing Ceremony ay umuwi na ang lahat ng bisita. Vecka: Umuwi ka na rin Win! Salamat ah.. Goodnight! I love you! Bye! Winston: I love you too! Sedenio: Sige na at papasok na rin kami sa loob mag-ingat ka! Pumasok na sila sa loob at nandoon sa upuan si Luchris, Ramona at Rosana nakaupo at naghihintay sa kanila. Sedenio: Bakit hindi pa kayo nagpapahinga? Ramona: Gusto ka namin makausap pwede po ba? Sedenio: Sige! Mag-usap tayo!(Umupo ito sa harap nila pati si Vecka) Luchris: Kayo lang po Pa! pwedeng wag na natin isali si Vecka? Vecka: Hmm, Sige po! Kung hindi ako kasali aakyat na ko. Sedenio: (Inawat nito si Vecka at hinawakan ang kamay nito para paupuin ulit) Bakit hindi kasali si Vecka? Tagapagmana ko siya! Kailangan kasama siya sa usapan na ‘to. Ramona: Kailangan pa bang ipamukha samin ‘yan Pa? Huhh! Rosana: Ramona! Lolo mo yan! Vecka: Ano bang dapat pag-usapan? Ate Ramona? At Tito Luchris? Ma? Kasali ka ba dito? Ano bang dapat pag-usapan? Umpisahan na natin gusto na ni Papa magpahinga. Luchris: Gusto ko lang malipat ang ipapamana sayo ni Papa, gusto kong malipat sakin! Sedenio: Pagtapos? Anong gagawin mo? Anong mga plano mo? Kung ipapamana ko sayo ang ACES? Luchris: Magbi-business! Mag-i-invest! Papalaguin! At Bibili ng mga shares! Sedenio: Hindi ‘yan ang gusto ko! Ramona: Magpopolitics ako! Gusto kong tumakbo bilang Mayor! At ipapakilala ko pa ang Aces all over the world! Sedenio: Unbelievable! Make it true! Kunin niyo muna ang tiwala ko! Luchris: Ano bang kaya nang magaling niyong Apo? Vecka: Ako? Lahat napatunayan ko na ahh! Ano po bang kailangan kong patunayan? CEO ako ng ACES Company ngayon at maganda pa rin ang takbo nito! Hindi ako nagshares! Gumawa ako ng sarili kong business at nagkipagshares! Pinatayo ang RS Incorporation at naging Congreswoman din ako. Pumasok sa politics at Ako ngayon ang nagpapakila ng ACES hindi man sa buong mundo! Pero napakilala ko pa rin! Ramona: Paano mo nahahandle ng maayos yun?! ‘Wag kang nagmamagaling! CEO ka ng ACES pati RS! Isipin mo ng maigi baka mamishandle mo! Vecka: Paano ko nahahandle ng maayos? Dahil mahal ko ang trabaho ko! Wag niyong kine-question ang pagiging tagapagmana ko! Dahil lahat din ng Taong nakakakilala sa Sy Family ay tiwala sakin! Luchris: Marami rin ang tiwala sakin! Vecka: Pero mas marami ang sakin! Sedenio: Stop! Tapos na ‘to! Maiwan ko na kayo! Umalis na sa usapan si Sedenio pati si Luchris at naiwan sa sala si Ramona at Vecka pati ang mommy nila na si Rosana. Vecka: Ano bang plano niyo Ramona! Kasali ka rin sa kanila Mom? Kung ano man yung plano niyo itigil niyo na! magtulungan nalang tayong lumakas si Papa! Romana: VECKA! HAAAAAAA!(Malakas na tili nito)Bwisit ka ha! Bwisit ka! Selfish ka!(Lumakad ito paalis) Rosana: Revecka anak? Bigyan mo sila ng pagkakataon makabawi sa Lolo niyo. Gusto lang nilang may mapatunayan kay Papa bago siya mawala. Kaya please intindihin mo nalang anak. Umalis na rin ang mommy ni Vecka at naiwan siyang mag-isa sa sala. Nanlumo ito at napaluhod sa sakit na natanggap niyang saliya mula sa kapatid at magulang niya. “Bakit parang ako pa ang mali? Selfish ba talaga ako? Dapat ko bang bigyan sila ng pagkakataon na maipakita kay Papa ang best nila?” bulong sa isip ni Vecka. Kinaumagahan ay nakahanda na ang kanilang pagkain. nakaupo na sa kainan si Don Sedenio, Luchris, Ramona, Rosana at ang anak ni Luchris na si Paulina. Wala pa doon si Vecka kaya hindi pa sila nagsisimulang kumain. Kaya pinapuntahan na ni Sedenio si Vecka sa kwarto nito. “Ma’am Revecka? Ma’am Pinapatawag po kayo ni Don Sedenio! Ma’am?” ani Aling Olivia kasambahay nila. “Oo! Bababa na ko,”ani Vecka. Nag-aayos si Vecka para maayos na humarap sa kanila. Naghihintay na sila sa baba at si Ramona ay mainit na ang ulo. gusto na nito na siya ang magsundo kay Vecka pero pagtayo na pagtayo nito ay nandon na si Vecka. Vecka:Natagalan ba ko Ramona?(Lumapit ito kay Don Sedenio at nagmano) Goodmorning Pa! Saan po kayo pupunta ngayon? Sedenio: Sa ACES Bakit? Hindi ka ba papasok ngayon? Saan ang lakad mo? Vecka: Gusto kong ayusin ang RS at ilipat sa pangalan ni Ramona. Ramona: Huh?! Ha Ha Ha! For What? Nakakatuwa ka naman! Sedenio: Bakit Vecka? Anong problema? Vecka: Pa!(Hinawakan ang kamay ng Lolo niya) Magtiwala kayo sakin. Sedenio: Vecka! Ayusin mo to! Ilang beses na kong nagsasalita sa inyo! Vecka: si Tito Luchris ay gagawin kong Co-Founder ng ACES Sedenio: VECKA!! Rosana: Eh yung sa Mansion? Vecka: Wala silang makukuha dito! Alam niyo kung bakit ko kayo binigyan ng ganyan? Bibigyan ng ganyan? Gusto kong makilala kung ano talaga kayo at kung anong kaya niyong gawin. Rosana: Yung para sakin anak? Ramona: Ma! Stop! Okay na ang usapan namin! ‘Wag mo nang lituhin si Vecka, Vecka your so precious! Napakatalino mo! I promise gagalingan ko! Sedenio: Para saan to? Vecka ikaw lang tinatanong ko! Vecka: Pa! Pagkatiwalaan niyo ko! Luchris: Baka pwede mo nang ilipat sakin ang ACES Pa!? Wala pala talaga kayong tiwala dyan eh! Ha Ha! Sedenio: Vecka! Mag-usap tayo sa office! Mauuna na ko! Tumayo si Sedenio sa upuan at dire-diretsong lumabas, sinundan naman ito Vecka at hinabol ang Lolo niya. Vecka: Pa! Let me explain! Sedenio: Vecka? sa office! Vecka: Pa! please… dito niyo na ko kausapin! Dito na tayo mag-usap! Hindi ito pinakinggan ni Sedenio, tuloy ang pagsakay nito sa kotse at agad na pina-andar. Samantalang sina Luchris at Ramona ay masayang nagtatawanan sa gitna ng hapagkainan. Ramona: Ito na ang Way to success ko! Paulina: Hindi lahat nagsa-success Ramona! ‘Wag ka munang magsaya! Luchris: Anak! Masaya lang kami sa matatanggap namin ngayon! Tsaka wala ka bang pasok? Umalis ka na! at magse-celebrate kami! Pumasok ulit si Vecka para kunin ang gamit niya. “Aalis na po ako! Paulina? Tara sumabay ka na!” paalam ni Vecka. Sumunod naman si Paulina dito at sabay silang lumabas at sumakay ng kotse atsaka umalis. “Ate! Wag ka ngang tatanga-tanga! Ayon nagce-celebrate na sila dahil sa katangahan mo!” ani Paulina “Wag mo kong awayin Paulina! tulong ko na ‘yon sa kanila!” mahinahon na sabi ni Vecka. “Tulong?! Minsan nakakabobo rin maging mabait!” galit na sabi ni Paulina. Nakarating na sila sa school at bumaba na si Paulina. “Salamat sa paghatid!” ani Paulina “Gusto mo bang sunduin na rin kita?” ani Vecka. “Hindi na! Wag na! Umalis ka na!” “Sige.. Mag-iingat ka,” Pinaandar na ni Vecka ang kotse at dumeretso na ito sa kompanya. Si Don Sedenio naman ay tapos na rin ang meeting nito sa mga partnership nila at nagpahinga na rin sa opisina nito kasama ang secretary niya. “Lucy? Magtimpla ka ng dalawang kape! dadating si Vecka,” ani Sedenio “Yes sir!” maikling sagot ni Lucy. Maya-maya lang ay pumasok si Vecka sa opisina nito. “Pa?” ani Vecka. “Sit Down,” ani Sedenio.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
363.2K
bc

That Professor is my Husband

read
504.7K
bc

My Husband's Mistress

read
297.6K
bc

OSCAR

read
226.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

My Godfather My husband

read
269.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook