bc

The Sister's First Love (SPG)

book_age18+
784
FOLLOW
10.4K
READ
billionaire
forbidden
HE
goodgirl
heir/heiress
sweet
bxg
mystery
loser
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Second Generation

The Sister's First Love (SPG)

Sa mga anak ni Natan at Summer ay si Kristine ang pinaka taklesa at madaldal sa lahat. Nakilala niya si Liam na may gusto kay Autumn na kanyang kapatid. Ginawa niya ang lahat para mapansin siya nito. Nagtagumpay na man siya at nag propose ng kasal sa kanya si Liam. Siya na ang pinakamasayang nilalang sa buong mundo pero lahat ay gumuho nang hindi sumipot si Liam sa kanilang kasal. She is so broken at naging malapit siya sa simbahan hanggang sa napagdesisyonan niyang mag madre. Nagulat ang kaniyang pamilya sa kaniyang desisyon pero sinuportahan siya lalo na ang kanyang Ama. Isa siya sa mga napili naipadala sa isang liblib na lugar. Laking gulat niya nang makita dito si Liam at hindi siya kilala. Ano ang kanyang gagawin?

Sa ilang taon na hindi niya nakita si Liam ay maraming nagbago sa kanyang kaanyuan, naging mas matipuno ang kanyang katawan dahil sa trabaho nito sa bukid at mas lalong nakakalaway ang ka gwapuhan. Hindi na siya mahiyaan at tahimik gaya noon. Siya ay presko at maloko na ngayon.

Ipagpatuloy ba niya ang pagiging isang Madre o ipa-alala kay Liam kung sino siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Disclaimer No part of this book may be reprinted or reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Kristine's point of view Bumangon ako agad ng marinig ko ang pag-alarm ng aking telepono. Marami kasi akong echebureche pagdating sa pag-aayos ng katawan. I always make sure na ako ang pinaka-maganda sa lahat. As always ay matagal akong naligo. Pagkatapos ay naglagay ako ng lotion sa maganda konng skin na namana ko kay Mommy at cream sa maganda kong mukha na pinaghalong Sandoval at Watson. Kami ang apat na quad at 2 and half ang babae, Si Autumn na nakatira sa bahay ni Ninong ang half si Nathalie na nakatira sa kanyang kasintahan na si Melissa. Nakatapis lang akong ng towel ng lumabas sa aking kwarto. Kinuha ko na ang aking uniporme na medyo may kaigsihan dahil hanggang kalahating hita ko ito. Medyo fitted din ang aking pantaas na uniporme para ma exposed ang malaki kong hinaharap. Pinatayo ko na ang aking buhok at ipinusod ito para mapansin din ang makinis ko na leeg. Tiyak na maraming maglalaway sa kagandahan ko. Naglagay lang ako ng konting powder sa aking mukha at lip balm. Mahaba, nakaluhod at maitim na ang aking pilik mata kaya wala na akong mailalagay pa. Umikot na ako sa salamin "perfect!" Sambit ko na masayang lumabas sa aking kwarto. Habang naglalakad ako ay nagwisik na rin ako ng aking pabango. Naka sabay ko si Daddy kaya agad akong bumati at yumakap sa kanya. "Tine, hindi ba masyadong maiksi ang palda mo?" Seryosong tanong ng aking pinaka gwapong ama na bagay na bagay ang kanyang uniporme sa kanya. "No, Daddy. Sakto lang mahaba pa nga eh." Sagot ko na yumakap sa braso ng aking ama na nakasimangot umagang-umaga. Dinig ko ang paghinga niya ng malalim. Pagdating na namin sa baba ay dinig na namin ang aking mga kapatid sa hapagkainan. Tumahimikl sila ng makita nila si Daddy. Lahat kami ay may malaking takot sa aming father, may mga rules kaming sinusunod sa bahay na dapat gawin bawat violation ay may karampatan na parusa. Isa na dito ang huwag maingay pagkumakain. Okay naman ang mag-salita pero dapat isa-isa lang. Tumabi na ako kay Sander at kumuha na rin ng pandesal. Nilagyan ko ng cheese at nagsimula na akong kumain. May mga fried rice pero para sa mga barako ko lang na kapatid. Ayokong masira ang diet ko kaya isang pandesal lang ang aking kinain at uminom na ng juice. Kinuha ko ang aking maliit na salamin sa aking bag at sinipat muli ang aking mukha. Napangiti ako dahil ang ganda-ganda ko parin. Sa edad ko na ito ay maraming modelling agency na kumukuha sa akin pero ayaw ni Daddy. Mag-aral na muna daw ako, lalo na at menor de edad palang ako. Well I am going to be18 in few weeks kaya excited na ako dahil pwede na akong mag-boyfriend. Sino kaya ang makahalik sa labi na ito na sobrang mapupula at malabot? sana red lips siya at mabango ang hininga. Most of all ay magaling humalik "ahhhh! hiyaw ko sa kilig na hindi ko napigilan at nakalimutan kong nasa hapag kainan ako. "Ate, what wrong bakit ka humiyaw?" Tanong sa akin ni Dark at lahat sila ay nakatingin sa akin. Napakagat labi ako at sinabi na may pimple akong tumubo. "Grabe siya, parang pimple lang parang wala naman." Sabat ni Light. "So!" Masungit na sagot ko. Gusto ko nang pumunta sa sasakyan para doon nalang silang hintayin pero ang rule ni Daddy ay huwag tatayo kung hindi pa tapos ang lahat lalo na kung marami pang oras. Kahit gusto kong ilabas ang aking phone ay hindi din pwede dahil bawal kaya matiyaga akong naghintay sa mga kapatid ko. Sa wakas ay natapos na din sila at inihatid kami ni Mommy sa aming mga sasakyan. Sa amin ang pinakamalaki na sasakyan dahil kaming mga panganay at mga sumunod na quad ang laman. Ang isang sasakyan naman ay sa mga bunso na quad at kay Daddy ang isang sasakyan. Hindi ko maiwasan ang mapangiti na pagmasdan ang aking mga magulang na mainit na naghahalikan sa aming harapan. Lagi itong nangyayari pero hindi pa ako nasanay. Isa-isa din kaming niyakap ni Mommy at sumakay na kami. Pag-upo ko palang ay nagsalita na si Dark. "Ate Tine, ang igsi ng suot mo na palda. Hindi mo gayahin si Ate Lovely hanggang tuhod niya ang kanyang uniporme." Sabi ni Dark at masama ko siyang tinignan. "Hindi naman bawal sa school ah at isa pa mas marami pang mas maigsi ang suot sa akin. Kahit hindi kagandahan ang kanilang mga hita." Inis na sagot ko at napatingin kay Lovely na sobrang inlove sa kapatid kong bakla. "Sinasabi ko lang Ate dahil ilang beses na kaming napa-away dahil sa suot mo. Ang akala nila ay easy to get kang babae." Sabi pa nito. "Bakit may nakita na ba kayong nilandi ko na lalaki sa school?" Inis na tanong ko. "Wala naman Ate pero ang damit mo kahit sinong makakita na lalaki at mapagnanasahan ka." Sabat ni Hunter. "Bakit may pagnanasa ba kayo sa akin?" Tanong ko na lumiit ang aking mga mata na lumingon sa kanila sa likod. "Yuckkkkkk!" Sabay-sabay nilang sagot kaya pinagbabatukan ko silang apat. Nagtawanan lang sila at inis akong umupo na sabay inayos ang aking buhok dahil bahagyang nagulo ito. Pagdating namin sa school ay as usual nakatingin ang mga lalaki sa akin. Mas ginandahan ko naman ang paglakad lalo na at feeling ko ay ang ganda-ganda ko ngayon. Maraming gustong manligaw sa akin pero mula nang nasa higher year na ang apat na quad ay konti na lang ang nangungulit dahil takot sila sa mga naka babatang kapatid ko. Sa edad nilang trese ay parang kaedad nila si Sander mas matangkad lang si Sander sa kanila pero sa katawan ay walang pinagkaiba. Habang naglalakad kami sa hallway ay yumakap ako sa braso ni Thunder. Para mas maganda ang aking dating, gwapo kaya ng mga kapatid ko. "Ate hands off." Madiin na bulong niya. "Ayoko." Diin din sa sagot ko at mahigpit na yumakap ako sa kanyang braso. "Itutulak kita kapag hindi ka bumitaw sa akin." Sambit niya kaya inis na kumalas ako sa pagkayakap sa kanyang braso. Kilala ko si Thunder kapag sinabi niya ay agad niya itong gagawin kaya makinig ka nalang. Mas malapit ang room namin ni Sander kaya una na kaming pumasok sa loob. Parang hindi ko kapatid ang baklitang kapatid ko dahil kay Hanoj siya dumeretso. Nakita ko na si Nathalie na katabi si Melissa. Inis akong umupo sa harapan dahil yun lang ang bakante. Sa break time lang kami nagkasama-sama na magkakapatid, ayaw ko naman makipagka-ibigan sa iba dahil mga plastic lang sila mga patulera ng mga mas bata sa kanila. Marami nang nakipagkaibigan sa akin para lang makilala si na Hunter, Thunder, Light at Dark. Wala akong bestfriend kundi ang aking salamin. Mabilis na natapos ang aming klase at lunch time na. May humarang sa harapan ko at walang iba kundi si Derick, alam ko na matagal na siyang may gusto sa akin at ngayon lang siya naglakas loob na harangan ako. "What?" Masungit na tanong ko. "Pwwde bang makasabay kitang mag lunch? my treat." Sabi niya na nanenerbiyos ata. Napahinga ako ng malalim, sa akin na nenerbiyos na siya paano na kung makaharap pa niya si Daddy. "I am sorry hindi kita type." Sabi ko nalang na siya lang ang nakarinig para hindi naman siya mapahiya. Ayokong umasa siya sa akin dahil mas lalo lang siyang masaktan. He's a good looking as well pero ni katiting na paghanga ay wala akong maramdaman sa kanya. Pagpasok ko sa canteen ay nakaupo na ang aking mga kapatid, Lovely, Hazel at Hanoj. May isang bakanteng upuan kaya alam ko na para sa akin iyon ng harangan ako ni Lincon. Napansin ko na nagtayuan ang aking mga kapatid. "Tine, sa table kana namin." Sabi niya na ikinasalubong ng aking kilay. "And Why sa table ninyo ako uupo?" Masungit na sagot ko. "Dahil liligawan kita, we are meant to be. General ang Daddy mo Senator naman ang Papa ko." Sambit niya na nakangising aso. "Well, mas mayaman ba kayo sa amin?" Malakas na tanong ko dahil ang yabang ng lalaking ito. Natahimik siya dahil alam niyang mas mayaman kaming di hamak sa pamilya niya. "We aren't meant to be, dream on Lincon!" Pabulyaw na sabi ko at inis na tinabig siya at dinig na dinig ko na pinagtawanan siya ng kanyang mga barkada. Ang mga kapatid ko ay umupo na rin at napailing lang. Pagkatapos naming kumain ay inihatid na ako ng aking mga kapatid dahil baka tambangan ako ng Lincon. Masama kasi ang tingin niya sa akin kanina kaya nag-alala ang aking mga kapatid na apat. Lagi man nila akong pinagkakaisahan ay ramdam ko ang pagiging caring nila sa akin. Hindi tulad ni Sander na parang wala lang ang accla. Pagkatapos ng aming klase ay naghihintay na ang aking mga kapatid na apat sa labas ng room namin. Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa aming sasakyan ng makasalubong namin ang mga grupo ni Lincon. Masama ko siyang tinignan dahil nakangisi ito. "Gulo ito." Sambit ni Lovely na humawak sa akin. "Don't worry kaya sila ng mga kapatid ko." Sagot ko lalo na at kasama din namin si Nathalie. Minus na lang si Sander dahil for sure ay wala siyang pakialam. Tama ang aking hinala, siya pa ang unang yumakap kay Lovely sa takot. "Hoy mga panget, let us pass!" Galit na sigaw ko. "Pangit?" Patanong ni Lincon at nagtawanan sila. "Marami na akong naging girlfriend at naka s*x sabihin mo na pangit ako. Pasalamat ka nga dahil kursunada kita.!" Sagot niya na may pahawak pa sa gitna niya. "Ewwww." Nandidiring sambit ko. Mabuti at dumating ang mga guards kaya walang gulong nangyari. Naptingin ako kay Sander siya pala ang tumawag. Pinaghiwalay nila kami at lumakad kaming matiwasay papunta sa aming sasakyan. Parang okay naman na si Lovely at Sander dahil sa bahay daw siya matutulog. " Sana all nalang." Si Nathalie naman ay nakisakay na kina Melissa. Pagdating namin sa bahay ay isa-isa kaming niyakap ni Mommy at inamoy pa. Lahat na kami ay pumunta na sa kanya-kanya naming kwarto para maligo. Ako ang pinaka matagal na maligo sa lahat, minsan ay nagagalit na si Mommy dahil baka mag dry daw ang skin ko lalo na at mahilig akong maligo sa medyo mainit na tubig. Kahit na ganun ay naglalagay ako ng maraming moisturizer para hindi ma dry ang aking skin. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng manipis na sando at maiking short. Wala naman kaming homework kaya makipag bonding nalang muna ako sa aking mga kapatid. Pagbaba ko ay nadatnan ko si Autumn. "Himala kapatid nandito ka sa bahay." Sabi ko na niyakap siya dahil na miss ko din ang isang ito. "Nagpunta si Ninong sa Japan kaya dito na muna ako." Malungkot na sagot niya. "Huwag ka nang malungkot, ilang araw ba?" Tanong ko at hindi parin humiwalay sa pagkayakap sa kanya. "Isang linggo daw siya doon." "Matagal pala kung ganun, pero okay na din para isang linggo ka namin na makasama." Masayang sabi ko. "Pwedeng tabi tayo ba matulog?" Tanong niya at humiwalay ako sa pagkayakap sa kanya. "You, know naman Sister. Konting galaw lang ay nagigising na ako. You know, masisira ang sleeping beauty ko." Mahinang sambit ko at malungkot siyang tumango. "How about kina Mommy ka nalang makitulog, tiyak papayag si Mommy." Nakangiting suhestiyon ko at ngumiti na siya. Niyakap ko siya ulit dahil sa mga kapatid ko siya ang pinaka mabait sa lahat. Si Sander ay ayaw payakap si Lovely lang ang nakakayakap sa kanya. Nagkukunwaring accla lang yata. Ang mga apat na quad na sumunod sa amin ay si Mommy lang at mga bunso naming kapatid ang nakalalambing sa kanila. Ang mga bunso naman ay ang iilap, may sarili silang mundo lalo na si Adam. Masaya kaming nag kwentuhan at halata sa mga mata ng kambal ko na may pagtingin siya sa aming Ninong. Hindi man niya sabihin pero halata sa kanyang mga mata na kumikinang pag napupunta kay Ninong Ryan ang usapan. Parang gusto ko tuloy na itanong kung magkatabi pa silang natutulog at paano sila natutulog. Awts! ang tahimik pero malandi ko na kapatid tumitira pailalim. Liam's point of view Kanina pa ako nag-aabang sa gate pero hindi pa dumating ang sasakyan ng Ninong ni Autumn. Malapit na siyang mag 18 , ang sabi niya noon ay pwede ko na siyang ligawan pag 18 na siya kaya dapat ko nang paghandaan. Hindi ako papayag na maunahan ako ng pinsan kong si Kit. Dapat labanan ko ang pagiging pagka mahiyain para maligawan ko siya. Sa lahat ng babae dito ay si Autumn ang pinaka simple pero pinaka maganda kahit na hindi mag-ayos. Napahinga ako ng malalim ng may sasakyan na huminto at lumabas si Autumn. Nanginig ang aking kalamnan ng makita ko ang kanyang ama na naghatid dito. Mabilis kong itinapon ang bulaklak na hawak ko at yumuko para hindi niya ako mapansin. Hindi bale at maraming studyante sa aking harapan. Mas takot ako sa kanyang Daddy lalo na at naka uniporme pa kaysa sa kanyang Ninong. Nakapasok na siya sa loob at sumunod nalang ako. Tahimik lang akong pinanuod siya na pumasok sa kanilang room. "Hey bud, nakaw tingin ka na naman." Dinig ko na sabi ng aking kaibigang si Vin. Napahinga ako ng malalim. "Hindi bale malapit na siyang mag-18 konting tiis nalang." Sagot ko at lumakad na rin papunta sa aming room. Marami akong nagawang sulat para kay Autumn pero hindi ko naibibigay. Nahihiya kasi ako lalo na pag magkatitigan ang aming mga mata. Halos walang lumabas sa aking labi kapag kaharap ko na siya kaya puro kantiyaw ng aking kaibigan ang natatanggap ko. Si Autumn palang ang liligawan ko, hindi tulad nila na nakarami na kaya sanay na sila. Gusto ko sanang kunin ang kanyang numero pero ayaw ibigay ni Gretta. Kay Autumn ko daw kukunin. Natapos ang klase namin na hindi ako nakinig dahil si Autumn ang laman ng utak ko. Mga briefings lang naman para sa nalalapit na naming graduation at isa pa tapos na ang aming final exam. Ngayon palang ay nag-iisip na ako ng bibilhin kong regalo para sa kanya. My cousin told me na mamahaling bag ang bibilhin niya na regalo kay Autumn. Mabuti pa siya may naisip na habang ako ay wala pa.Well marami na ding naging kasintahan ang pinsan ko , 3rd year college na siya habang ako ay high school palang. Napahinga ako ng malalim at tinapik ni Vin ang aking balikat. Kursunada din ni Vin si Gretta at nagtapat na siya dito kaya lang may ibang gusto na yata si Gretta kaya basted agad ang kaibigan ko. Wala namang naglalakas ng loob na ligawan si Autumn kaya may pag-asa pa din ako. Nakahanda naman akong mabasted basta alam ko na karapat dapat ang lalaki na maging boyfriend niya. Ako ang makakalaban nun pag sinaktan niya si Autumn. Napamura ako sa aking isipan dahil bakit inihahanda ko na ang aking sarili namabasted, hindi pa nga ako nanliligaw. Paglapit nila ay may iniabot si Vin kay Autumn, nagulat ako dahil isa sa mga sulat na na ginawa ko. "Kanino ito galing?" Tanong ni Autumn na sobrang sweet ang kanyang boses. "Kay Liam." Sagot ng kaibigan ko at pakiramdam ko ay umakyat na yata ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. Parang mahihinatay na yata ako sa nerbiyos kaya napa inum ako ng tubig. "Thank you Liam." Sambit niya at ngumiti pa siya sa akin na mas lalong ikinahilo ko. Sa anim na taon nakatingin lang ako kay Autumn ay ngayon lang ako naka tanggap ng ngiti galing sa kanya. Parang naiiyak na tuloy ang pakiramdam ko at nahulog na nga ang aking luha. "What the f*ck Liam! are you crying?" Malakas na sambit ng kaibigan ko. "Lower your voice, masaya lang ako dahil nginitian niya ako." Mahinang sagot ko. Tumahimik siya at ilang saglit ay tumawa na siya ng tuwa na lahat ng tao ay napapatingin na sa amin. Kahit na pinagtatawanan niya ako ay wala akong pakialam, masaya ako kaya itinuloy ko ang aking pag-iyak. Sumakay na kami sa school bus at ngayon ay sobrang lawak na ng aking pagkangiti. Parang naka tatak parin ang mga ngiti ni Autumn sa akin. Ang ganda niya talaga. Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ng aking Ina. Simple lang ang aming buhay hindi gaano kayaman pero hind naman kami naghihirap. May maliit kaming negosyo at iyon ang pinagkakaabalahan ng aking mga magulang. Ang pinsan kong si Kit ang mayaman kaya, kaya niyang bumili ng mamahalin na bag. Magkapatid ang mommy ko at Daddy niya. "Masaya yata ang anak ko ah." Sambit ni Mommy at inakay na ako papasok sa loob. Wala kaming katulong sa bahay, si Mommy ang gumagawa ng lahat. Kaya lumaki ako na kaya ko din na gawin ang mga gawaing bahay. Kahit hindi ganun kayaman ang aking ama ay minahal siya ni Mommy. Isang Principal ang aking ama sa isang public school at siya na din ang nag-aasikaso sa maliit naming negosyo. Nakatapos din ang aking Mommy sa pag-aaral kaya tumutulong siya kay Daddy. Pero mas priority ni Mommy na alagaan ako at si Daddy. Pagpasok ko sa bahay ay nagpa-alam na akong maligo na muna. Para kay Autumn ay magsumikap ako para hindi nakakahiya sa kaniyang mga magulang. Sobrang yaman ng kaniyang pamilya at gagawin ko ang lahat para maging princessa parin siya sa piling ko. Pagkatapos kong naligo ay bumaba na ako. Nadatnan ko si Mommy na minamasahe ang balikat ni Daddy. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil kahit na pagod din si Mommy dito sa bahay ay sobrang maalaga pa din siya sa aking Ama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wild Night Trilogy 1: CALIX DE VERA (One Hot Night With My Hot Neighbor)

read
24.5K
bc

The Two Gays Who Stabbed My Rose (S.I.O #2)

read
59.5K
bc

UNCLE'S VIRGIN B*TCH (SPG)

read
212.2K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
19.6K
bc

HAYOK SA LAMAN - SPG

read
50.5K
bc

Until Our Lust Breathes (Seven Deadly Sins)

read
25.5K
bc

My Sweet, My Love Ninong(Spg)

read
94.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook