bc

No Promises (R18/Completed)

book_age18+
31.2K
FOLLOW
217.3K
READ
submissive
brave
drama
tragedy
bxg
betrayal
enimies to lovers
first love
secrets
lonely
like
intro-logo
Blurb

BABALA: BAWAL SA BATA.

Disi-syete anyos si Sofia nang unang tumibok ang puso niya para sa anak ng kaniyang amo na si Zeus Vergara. Mabait ang lalaki at maginoo kahit pa lumaki ito sa America. Sa kabila nang agwat ng kanilang edad, hindi nito napigilan ang pag-usbong ng isang matamis na pag-iibigan.

It was too good to be true. Almost a fairytale for Sofia's young love. Ngunit ang lahat ay may hangganan nang iwan siya ni Zeus sa hindi malamang dahilan. Ang masakit, kasama nito ang kaniyang kaibigan.

Kayanin kaya niyang bumangon mula sa pait ng pagkabigo kung ang tanging kaniyang kinakapitan ay ang bata sa sinapupunan?

Papaano niya muling haharapin si Zeus makalipas ang anim na taon kung asawa na siya ng ama nito?

WRITERS NOTE:

Mature content.

Read at your own risk.

@sheinAlthea

chap-preview
Free preview
SIMULA
Promises. I f*****g hate that word. Sakit lang ang dinulot sa akin ng mga salitang 'yon. Kung sana sa umpisa pa lang ginamit ko na ang utak ko. Wala sana ako sa impyernong buhay ko ngayon. Hindi sana ako nasasaktan. Hindi sana ako sinasaktan. May mga bagay talaga sa mundo na nagbabago. May mga bagay na magpapabago sa'yo. Everything isn't permanent. Even love will fade. I never thought that love will ruin me. Winasak at dinurog ako ng kaisa-isang taong espesyal sa akin. Ang kauna-unahang taong pinapasok ko sa mundo ko. Ang lalaking minahal ko. Pinaasa. The right word to describe it. Ipinilig ko ang aking ulo at mapait na ngumiti. Naaalala ko na naman ang sakit. Bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin ito mawala-wala? Hanggang kailan ba ako magtitiis? Hanggang kailan ko ito makakalimutan? "Umiiyak ka na naman?" bungad sa akin ni Nanay Belen sabay tapik sa likod ko. Inabot niya sa akin ang isang panyo. Si Nanay ang tumayong parang magulang ko na. Sampung taong gulang lang ako ng mamatay ang aking ina. Hindi ko rin alam kung sino ang aking ama dahil ang nanay ko ay isang disgrasyada. At ako ang naging bunga. Mapait ang buhay ko na para bang sinalo ko na lahat ng kamalasan sa mundo. "Nalulungkot lang po ako, Nanay." wika ko sabay yakap sa kanya. Tinapik-tapik niya ang aking likod. Alam kong nasasaktan din siya para sa akin. "May dahilan ang lahat anak." aniya. Ramdam ko sa boses ni nanay ang lungkot. "Magbihis ka na. Mamaya may bisita kayo ni Fausto, hindi ba?" sabi pa niya sa akin. Bigla akong nagising sa sinabi niya. Nagmamadali kong pinunasan ang aking mga luha. Nagmamadali rin akong mag-ayos ng aking sarili. Isang bisita ang inaasahan ni Fausto ngayong gabi. Ang sabi niya ay isa daw itong kasosyo sa negosyo. Wala naman akong pakialam kung sino ang aming bisita. Dahil ang kinakatakutan ko lang talaga ay si Fausto. Demonyo ang asawa ko. Limang taon na kaming kasal. Limang taon nang puro pasakit at pighati kasama siya. Hindi ko siya mahal. I am young when he married me. I was vulnerable that time that I even agreed to him. Isang bagay na pinagsisisihan ko hanggang ngayon. "Maiwan na muna kita hija. Tatawagin na lang kita mamaya." nilingon ko si nanay. Ngumiti siya sa akin bago umalis. Naiwan na naman akong mag-isa. Napabuntong-hininga ako. Sanay na ako. Sanay na sanay na. -------------------------------------------------- "Wala pa ba si Sofia, Manang?" Si Fausto ang nagsasalita. Alam kong nakasimangot na naman ito. Mainitin ang kanyang ulo at mabilis siyang magalit. Bagay na ipinagtataka ko dahil hindi naman siya ganito dati. Si Fausto ay dati kong amo. Isang haciendero. I used to be her favourite scholar. I used to adore him too. Inaalagaan niya ako. Pinag-aral. But that was long time ago. Everything's changed. Everything was ruined. And it was all because of that one man. Ipinilig ko ang aking ulo sabay patuloy na pumanaog sa hagdanan. Nakita ako agad ni Fausto at mabilis na dinaluhan. Ngumiti siya sa akin. I want to roll my eyes on him pero pinigilan ko ang aking sarili. Sawang-sawa na ako sa pakitang-tao niya sa akin kapag hindi siya galit. Sawang-sawa na ako sa takbo ng buhay ko kasama siya. "You're late. Kanina pa kita hinihintay." bungad niya sa akin. He kissed my cheeks and whispered. "Alam mong ayaw kong pinaghihintay, di ba?" bahagya din niyang idiniin ang pagkakahawak sa aking kamay. Nasasaktan ako. Pero wala akong magawa. Hawak niya ako sa leeg. May bagay siyang kinuha sa akin na napaka-importante. Bagay na dahilan kung bakit ako nananatili sa kaniyang tabi hanggang ngayon. "Let's go!" sabi niya sabay hatak sa akin palabas ng mansion. Mabilis ang lakad niya na parang nagmamadali. And we reached the spot. Sa may harden niya ako dinala. May set up ng table dito kaninang umaga. Maganda ang ambiance kasi maaliwalas ang kalangitan. Maraming bituin sa langit na lalong ngpatingkad sa lugar. All were already on their plates, eating. At hindi lang basta kasosyo ang bisita niya. It was some sort of a family dinner. Tiningnan ko sila isa-isa. And my heart ache, when I realized what it was really all about. Aria's family was here. Even her brothers were here. And I'm not dumbed for what was about to happen. "Aria, hija. Did you call Zeus again?" Aria's mom asked. Napasulyap ako sa kanila. My heart beat faster when I heared his name. How could it still affect me? When what happened to us was a very long time ago. Nakalimutan na nga nila, ako lang ang hindi. Ako lang ang hindi pa rin nakakamove-on. "Sorry, I'm late." Napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng boses. Maging ako na kakaupo pa lamang ay napalingon din. And there I saw the man standing. He was eyeing us one by one. And when he sees me, he stop. Kinakabahan ako. Kumakabog ang dibdib ko. "It's been a while." he said and looked directly to me. Puno ng pagkamuhi ang kanyang mga mata. Umiigting ang kaniyang panga. Indikasyon na galit siya, partikular na sa akin. Yes, it's been a while. Six years na. Pero parang kailan lang. Parang bago pa rin sa akin ang sakit. Fausto wrapped his arm around my waist. Nagulat ako pero di ko na pinahalata. I am still looking at Zeus intently. Ganoon din siya sa akin. For the past years na magkalayo kami hindi ko man lang siya nagawang kalimutan. Hindi ko man lang nagawang magalit sa kanya. And tonight, alam ko. It will never be the same for me. I hope someone will save me from drowning. I hope someone will take all the pain that I am feeling. Kasi tapos na kami. Kasi wala na kami. Matagal na. @sheinAlthea

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.6K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

Be Mine Again

read
98.8K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.7K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook