bc

The Vampire Prince Mate (Filipino Version)

book_age16+
4.3K
FOLLOW
11.4K
READ
student
vampire
like
intro-logo
Blurb

Kumbinsido si Selene Reese na isa siyang normal na tao ngunit matapos makilala si Hunter Ybrahim, doon nagsimula niyang pagdudahan ang sariling katauhan.

Nang dumating ang binata, sunod-sunod na dagok sa buhay niya ang nangyari. Isa na roon ang kalayaan niyang pinagkait nito sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagkahumaling ng binata sa kaniya. Gayong harap-harapan niya itong tinatanggihan.

Pero nang sandaling manumbalik sa kaniya ang lahat, unti-unti niyang nahanap ang kasagutan.

Tatanggapin niya pa kaya ito na siyang dahilan ng paghihirap niya?

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Kabanata 1 Interested Mga kapuwa ko studyante ang nakakasalubong ko sa pasilyo ng paaralan, kasama ang dalawa kong kaibigan.   Chin up, chest out. Taas noo kong sinalubong ang mga matang nagtatangkang tingnan ako ng masama. Hindi ko mawari kung ano ang naging kasalanan ko sa mga babae rito na mataas ang tingin sa kanilang sarili.  I mean, what did I do? Was it my fault that I was born with beauty... and brains.  Hindi ko naman kinakailang may mga lalaki talagang naghahabol sa akin. Pero kahit kailan, wala akong ibang ginawa kung hindi ay umiwas nang umiwas para wala ng isyung umusbong tungkol sa akin. I’m not trying to please everybody, I’m just tired of hearing these issues after my name. “Selene, huwag ka namang ganiyan. Ilag na ilag sa ‘yo ang lahat...” si Karen.  “Hindi ko naman kasalanan kung mukhang mataray ang dating ng mga mata ko, Karen...” depensa ko sa sarili.  Natatawa na lang ako tuwing nakakarinig ng usapin tungkol sa akin. Selene, masungit. Maldita. Masama... ilan lang iyan sa mga naririnig ko sa mga taong hindi naman ako kilala. Hindi ko nga alam kung bakit. Kung sino pa ang walang alam tungkol sa akin, ay siya pang sobra kung makialam sa buhay ko. Can they just mind their own business?  “Anyway, I heard from our professor na may new classmate tayo. I just don’t know if it’s a guy or woman. But I hope it’s a man!” Mikee exclaimed.  “At guwapo!” segunda ni Karen. “Oh...” I reacted. “Siya ba ang dahilan kung bakit sabog ang group chat natin kagabi?” tanong ko nang maalala ang kaingayan nila roon.  Mabuti nga at nauso ang mute. “Oo, siya nga! Balita ko ay may mataas na posisyon siya rito sa unibersidad...” bulong ni Mikee sa aking tenga.  “Hot papa sana...” muling usal ni Karen.  Bumuntong hininga ako sa kanilang tinuran.  “Maraming catsup, Karen...” komento ko na sabay nilang ikinangiwi.  “Joke ba ‘yon?”  “Hindi ako tumawa kaya hindi iyon biro, Karen...” si Mikee.  Pareho ko silang inilingan. Tiningnan ko ang pambisig na orasan at walang lingon na inunahan sila sa paglalakad. Mahuhuli na ako sa klase ng professor naming tumandang dalaga. Baka ay ako naman ang pagbuntunan niya ng inis.  Noong isang araw lang ay nakatikim si Mikee ng sermon mula sa kaniya. Bumuga ako ng marahas na hangin nang naunahan ko ang guro sa silid aralan. Agad akong umupo sa puwesto ko, sumunod naman si Karen na katabi ko at si Mikee na nasa harap namin nakaupo.  Rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Nangingibabaw ang boses ng mga kababaihan... at mga binabae.  Ngunit imbes na tungkol sa bagong kaklase namin, ay puro tungkol sa takdang aralin ang naririnig ko.  Napabuntong hininga ako.  Cramming at its finest.  Humalumbaba na lamang ako sa mesa at pumikit.  Sino kayang matapang ang susubukang lumipat ng paaralan sa kalagitnaan ng semester?  Gusto kong umidlip ngunit kinalbit ako ni Karen. Hindi ako kumilos at hinayaan siyang dumaldal sa tabi ko. Hindi na naman iyon bago, sa harap at tabi ay may dumadaldal sa akin kahit pa nasa gitna ng klase.  Isang beses na nga kaming napalabas dahil sa kaingayan nilang dalawa.  Sa kanila ko lang talaga nararanasan ang mga bagay na iyon. Mag-cutting, matulog sa klase... mapalabas sa gitna ng klase, at matawag sa discipline office.  Wala silang ibang narinig sa akin kung hindi reklamo. Ngunit sa huli ay nagpapasalamat pa rin ako dahil naranasan ko ang mga iyon na hindi ko kayang gawin kung mag-isa.  “May bago akong download movies,” aniya na ikinabangon ko.  “Papasa mamaya...” sabi ko.  Umismid siya. “Ano pa nga ba? Ako lang naman ang taga-download niyong dalawa!”  “Wifi ko naman ang ginagamit mong pang-download,” singit ni Mikee na nakatalikod sa amin. Tumawa ako ng bahagya. “Sino ang mas higit na nakikinabang?”  “Ikaw!” sabay nilang usal.  Umirap ako. “Akala mo kung sinong hindi nangongopya, ah...” panunumbat ko sa kanilang dalawa.  Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na tumawa.  Walang higit na mas nakikinabang dahil pare-pareho lang kaming may pakinabang sa isa’t isa.  Hindi nagtagal ay pumasok na rin ang professor namin. Biglang may dumaang anghel sa sobrang tahimik ng paligid. Inayos ng guro ang kaniyang salamin bago kami hinarap.  “May bago kayong kaklase...” anunsiyo niya.  Sabay-sabay naglingunan ang ulo ng mga kaklase ko sa labas, kabilang na roon si Mikee at Karen... at ako.  Tumikhim ako at tinuon ang tingin sa unahan.  “I hope it’s a guy, at pogi para may inspirasyon akong pumasok araw-araw,” rinig kong usal ni Karen. “Sasambahin ko siya ng buong puso kung maiiraos ko ng matiwasay ang taong ito nang hindi nagpapalit ng kurso.”  I chuckled at her last statement. “Ilang beses ka ng nakakita ng guwapo, at ganiyan na ganiyan din ang sinabi mo. Pero anong nangyari?” Natatawa kong sinabi.  Sumimangot siya sa tinuran ko at hindi na nagsalita pa.  Tumikhim ang guro. “I know you hate the part of introduce yourself but I want to know you and also, for the sake of your classmates, please do the honor.” Pumasok ang lalaki at rinig ko ang pagsinghapan ng lahat.  “Damn, girl. I changed my mind. I’ll shift for the third time,” bulong ni Karen.  Kumunot ang noo ko nang mahimigan ang hirap sa kaniyang boses. Akala ko ba kung lalaki at pogi, hindi na siya magpapalit ng kurso?  I mean, the guy in front of us is beyond handsome!  Tall, white, and handsome. Her usual type. Pero ano itong naririnig ko? “Tama ba ang narinig ko, Mikee?” paniniguro ko pa.  “Sasama na rin yata ako kay Karen, Selene...” nalaglag ang panga ko sa kaniyang sinabi.  “Are you two being serious now?!” pasigaw kong bulong.  “Alam mo namang hindi talaga kami seryoso na mag-aral, ‘di ba? Dalawang beses na kaming graduate ng college... Mas mabuti yatang tumigil na kami ng tuluyan.” Hindi makapaniwala ko silang tinitigan.  These two are older than me, and a third courser. Naroon mismo ako nang sabay silang magtapos ng kolehiyo, sa una at pangalawang pagkakataon.  I honestly don’t know with them. I mean, who’s in the right mind to study in college for the third time just because they wanted to join me?  Just Mikee and Karen. Ilang taon na rin ang lumipas nang makapagtapos sila, pero ang pisikal nilang anyo ay hindi man lamang nagkaroon ng pagbabago.  “Hunter Ybrahim,” tipid na pakilala ng lalaki sa lahat.  I took a deep sighed when the two bowed their head and did not bother to talk again. Nag-angat ako ng tingin para lang makasalubong ang walang emosyong mga mata ng lalaking ngayon ay nasa gilid ko na.  Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat.  Kailan pa siya nakatayo roon? Hindi ko man lang naramdaman ang kaniyang presensiya! “What’s yours?”  Napakurap ako. “What?”  “Your name?”  Muli akong kumurap ng ilang beses. “Are you interested in me?”  Bumagsak ang kaniyang mga balikat sa tanong ko. Mayamaya pa ay walang salita na nilagpasan niya ang upuan ko at umupo sa likuran ko.  Bago pa man magbitiw ng salita ang guro sa unahan ay narinig ko pa siyang may sinabi.  “No...” matigas na sagot niya sa tanong ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
131.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.5K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.5K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook