bc

St. Montecarlo's Janus Kim

book_age16+
1.8K
FOLLOW
14.3K
READ
billionaire
friends to lovers
brave
student
bxg
lighthearted
loser
campus
friendship
victim
like
intro-logo
Blurb

Simula noong highschool ay isa nang dakilang sunud-sunuran si Eveleen Trejano sa grupong tinatawag na "Big Five". Pinamumunuan ito ni Sophie De Guzman na may malaking problema sa kanya.  

Nang mangyari ang isang insidente, nawala na parang bula ang grupo. Samantalang naging isang sumpa iyon sa dalaga dahil mula noon ay iniwasan na siya ng mga kaklase, kaibigan, at kakilala. 

Naging isang "nobody" at "invisible" si Eveleen hanggang tumuntong siya ng college sa St. Montecarlo Academy.  Doon niya nakilala ang hearthrob ng lahat at ang kilalang "Most Handsome Face" ng akademya na si Janus Montelumiere-Kim na kaklase niya pala! 

Paano kung maulit na naman ang insidenteng nangyari isang taon pa lang ang nakakalipas dahil sa pakikialam ni Janus sa pagiging utusan ni Eveleen nang makabalik ang grupong Big Five? 

Patuloy pa kaya niyang pasikretong tulungan ang dalaga kung malaman niya ang insidenteng ikina-trauma ni Eveleen?

chap-preview
Free preview
Prologo
"TREJANO!" Malayo pa lamang ay narinig na si Eveleen ang pagtawag sa kanya ng isang dalagang naghihintay sa labas ng pinto ng classroom nila—si Sophie De Guzman. Nakasuot ito ng kulay navy blue na vest at hapit na button down collar polo ang panloob. Mas maikli din ang itim na pleated palda nito kaysa sa normal na haba ng isinusuot nilang pambaba. Nakasuot rin ito nang napakahabang medyas na abot tuhod at black shoes na may dalawang pulgada ang taas kahit na 5"6 ang height nito. Nakalaylay ang kulay kayumanggi at maalon nitong buhok at magulo nang bahagya ang full bangs. Habang si Eveleen, tagaktak ang pawis habang pinupunasan ng towel ang mukha at leeg. Nakasukbit na sa likod niya ang luma at kulay dilaw na backpack dahil pagkatapos ng practice ay pwede na silang magsipag-uwi. Katatapos lang ng graduation march practice nila at inutusan pa siya ng grupong "Big Five" na tumulong sa pagsasalansan ng upuan na pinaggamitan nila kanina. Hindi lang siya ang inutusan ng mga ito kundi ang mga katulad niyang ordinaryo pa sa ordinaryo. Trip palagi ng grupo ang i-bully ang mga kagaya niya dahil hindi sila marunong lumaban at sumusunod lang sa kung ano ang iutos—hindi nagrereklamo. "Trejano!" muling sigaw ni Sophie kaya walang nagawa si Eveleen kundi ang tumakbo papalapit ang kaklase. "Ano ba 'yon, Sophie? Hindi pa ba tayo tapos?" tanong niya habang hinihingal. "Aba, sumasagot ka na? Baka nakakalimutan mong ako palagi ang nasusunod rito?" Nakita ni Eveleen na palabas ng silid ang mga natitirang miyembro ng Big Five. "Oh, hindi ka pa rin tapos?" nang-aasar na tanong ni Garreth sa kanya. Nakahalukipkip pa ito at tinatawanan siya. "Ah, eh... Ang gusto ko lang naman, eh magpahinga kahit na kaunti lang. P-pero okay na 'ko. May ipag-uutos po ba kayo?" Diniinan ni Eveleen ang salitang po at doon siya nginitian ni Sophie. May kinuha itong papel sa bulsa at ibinigay sa kanya. "Ibili mo kami ng makakain d'yan sa grocery. Napagod kami sa practice. Kailangan 30 minutes nandito ka na." "P-pero teka... Napakalayo no'ng sinasabi mo na grocery store," alma niya. "Nagrereklamo ka?" Tinaasan siya ng kilay ni Sophie habang nagtatawanan ang tatlong babae sa na myembro rin ng grupo. "H-hindi. Aalis na ako." Nakakadalawang hakbang pa lang siya nang maramdaman niyang may humila ng bag niya sa likod. Nilingon niya ito at nakita niyang si Garreth ang humila noon. Hinarap niya ang binata. "Bakit?" "Para alam naming hindi mo kami tatakasan, ibigay mo sa amin ang bag mo." Bumuntong-hininga muna siya bago ibinigay ang bag. "Oh, s'ya. Bilisan mo na. Tumatakbo ang oras mo." Pinakita ni Sophie na 28 minutes na lang ang natitirang oras sa kanya. "Puntahan mo kami sa roof deck!" pahabol na sigaw ng dalaga habang tumatakbo siya. Nadaanan niya pa sina Harry at Cherone na kabababa lang galing sa silid nila. "Si Eveleen ba 'yon?" tanong ni Harry sa kasama habang sinusundan nila ito ng tingin palabas ng gate. "Oo. At mukhang hindi na naman siya tinantanan ng Big Five." Pinag-krus ni Cherone ang mga braso at nginuso ang limang estudyanteng hinahalungkat ang bag na iniwan ng dalaga. "Bakit ba kasi nag-exist pa sila sa St. Cecillia? Hindi ba sila kayang sawayin?" reklamong tanong ni Harry habang naglalakad sila patungo sa cafeteria. "Naku, alam na alam mo naman ang sagot d'yan, tinatanong mo pa. Si Sophie, anak ng abogado. Si Garreth, anak ng mayor. Sina Julia, Giselle, at Linsay, kung tutuusin, mga alalay lang 'yan ni Sophie. Hindi talaga sila member ng Big Five," paliwanag ni Cherone sa binata habang nakapila. "Pero anak mayayaman sila?" "Of course! Masasama ba sila sa Big Five kung hindi. Basta, hindi sila kaya ng mga teachers. Nakita mo naman 'yong ginawa nila kay Mr. Real noong nakaraang araw, 'di ba?" Kinuha nya ang isang tray at naghanap nang mauuupuan. "Pero bakit sila ganyan?" Sumunod si Harry sa dalaga na nakahanap na nang mauupuan saka umupo sa tapat nito. "Kasi they wanna gain popularity sa paraang akala nila ay tama. Tayo, popular naman tayo hindi lang dahil mayayaman ang mga families natin kundi masipag din tayo sa acads. "Pero sila, ewan ko ba. Kawawa naman si Eveleen. Hindi na naman siya makakasama sa pagkain," iiling-iling na sabi ni Cheron saka kinuha ang tinidor. NAPAKAHABA ng pila sa pinakamalapit na grocery store na sinasabi ni Sophie kay Eveleen. Sampung minuto na siyang nakapila at may manaka-naka pang sumisingit sa linya niya. Puro pagkain at inumin ang nasa papel na isinulat ni Sophie. Hindi naman masyadong magbigat ang dala niya ngunit hindi siya pwedeng tumakbo para dalhin ang mga ito. Ano ba 'yan? May usapan pa naman kami nina Harry at Cherone ngayon. Baka magtampo na 'yon mga 'yon dahil wala na naman ako. Sumimangot siya. Hindi niya na kaya ang pinapagawa nina Sophie kapag naulit pa ito bukas, lalabanan niya na ang mga ito—wala na siyang pakialam. Sa wakas ay siya na ang sumunod sa linya. Nagbayad siya sa cashier at mabilis na naglakad pabalik sa campus. Ngunit dahil ika-anim na palapag pa ang aakyatin niya, paniguradong hindi na siya makakarating sa oras na itinakda ni Sophie. Lakad-takbo niyang inakyat ang mga hagdan para lang mabilis na makarating sa roof deck. "You're one minute late!" sigaw sa kanya ni Sophie. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa paglalakad kaya napaupo siya sa sementadong sahig habang pinapakiramdaman ang mga tuhod niyang nanginginig. Pinagpipyestahan na ng grupo ang mga binili niyang pagkain at isa-isa itong binuksan. Nakaramdam siya ng gutom habang pinapanood niyang kumakain ang mga ito. Kumalam ang sikmura niya. Pilit siyang tumayo at naglakad patungo kay Sophie. "Ah, Sophie. Nasaan pala 'yong bag ko? Bibili sana ako ng makakain." "'Yon, oh. Kunin mo. Huling parusa mo na 'yan, loser!" Sabay-sabay na nagtawanan ang lima pagkatapos ituto ni Sophie kung saan nakalagay ang gamit niya. Nakasabit ito sa isang bakal sa pinakadulo at pinakamataas na bahagi ng roof deck. Gusto niyang maiyak sa inis ni Eveleen. May fear of heights siya at alam niyang hindi niya kakayaning abutin iyon dahil sa liit niya. Naroon pa naman ang cellphone at wallet niya. Hindi pwedeng maiwan niya ang mga ito roon. Huminga siya nang malalim at sinubukang akyatin ang gilid nito ngunit nanginginig na ang mga paa niya kahit hindi pa nakakasampa. "Tingnan n'yo, hindi n'ya kaya!" Muling nagtawanan ang grupo sa pangungutya ni Garreth. "Ay, sorry. Nakalimutan ko na may phobia ka nga pala sa mga matatatas na lugar. Anyway, mag-call a friend tayo. Gusto mo 'yon?" natatawang sabi ni Sophie habang naghahanap nang kung sino ang pwedeng tumulong kay Eveleen. "Oh, ito. Ito! Si Harry. Ayan, tawagan natin." "T-teka. Huwag si Harry. Susubukan kong kunin." "Hello, Harry. Pumunta ka rito sa roof deck. Kunin mo 'tong bag ni Eveleen kasi nakalimutan kong may acrophobia pala siya," maarteng sabi ni Sophie saka pinatay ang tawag. "Oh, wait mo lang si Prince Charming mo, ha? Para siya na ang kukuha niyan for you. Kakain lang kami." Hindi pa man naisusubo ng dalaga ang noodles ay nakita na nila na napahinto si Harry sa kanilang harapan. Maski si Cherone ay naroon din at humahangos ngunit nasa may pinto lang ito at hindi nakita ng grupo. "Oh, bahala ka nang kunin 'yong bag. Pagkatapos no'n, hindi na namin papakialaman 'yang buhay ni Eveleen. Nakakasawa rin pala." Nagkibit-balikat si Sophie saka nagpatuloy sa pagkain. "Okay ka lang, Eveleen?" Niyakap pa siya nang mahigpit ni Harry at hinaplos sa likod. "U-umuwi na tayo. Tara na. Hindi ko kailangan 'yong bag ko. Ipapautos ko na lang sa janitor o kaya sa maintenance," sabi niya kay Harry. "Hindi na. Nandito na ako. Kaya kong kunin 'yan. Pagkatapos, uuwi na tayo ha?" Hindi umimik ang dalaga at yumuko. Hinawakan ni Harry sa magkabilang pisngi si Eveleen at pinatingala upang magtagpo ang kanilang mga paningin. "Gusto kita, Eve. Alam mo naman 'yon, hindi ba? Hayaan mong gawin ko 'to, okay?" Alanganing ngumiti ang dalaga. "M-mag-ingat ka." Umakyat si Harry at tumulay. "Wooh! Ayan na, kinukuha niya na!" Nagpalakpakan pa ang grupo habang pinapanood na naglalakad si Harry palapit sa bag ni Eveleen. Nang makuha iyon ng binata ay ngumiti ito sa dalaga at tumulay ulit pabalik. Kasalukuyang tumatawag si Cherone ng makakatulong sa kanila nang makita niyang napahinto sa paglakad si Harry. "H-Harry, bumaba ka na riyan. Kaya mo namang bumaba, 'di ba?" sigaw na tanong ni Eveleen. Kung tutuusin, pwede nang bumaba si Harry noong makuha niya ang bag ngunit kinantyawan siya ng grupo na tumulay at bumaba sa mismong harap ni Eveleen. "K-kaya ko..." Dahan-dahan niyang ginalaw ang mga paa ngunit naduduling na siya. Hindi niya maiwasang tingnan ang ibabang bahagi kaya siya nalula. "Harry! Huwag mong tingnan ang baba. Halika na! Bumaba ka na!" Hahakbang pa sana ng isa ang binata ngunit na-out of balance ito at hindi nakahawak sa railings. Para bang isang nasa isang slow motion na palabas si Eveleen. Tumayo siya at mabilis na tumakbo sa kinaroroonan ni Harry upang hablutin ang kamay nito ngunit tanging ang bag na lang niya ang kanyang nahawakan. Nagsipagtakbuhan paalis ng roof deck ang Big Five dahil sa takot habang si Cherone naman ay tinulungan si Eveleen na sagipin pa si Harry ngunit huli na ang lahat. "HARRY!" Kasabay ng impit na pagsigaw na iyon ng dalaga at ang pagtulo ng mga luha ay ang paglagpak ng binata sa garden na ikinagulat ng mga estudyante at gurong naroon sa ibaba.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook