bc

Annie

book_age16+
98
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
serious
mystery
evil
campus
school
tortured
spiritual
teacher
like
intro-logo
Blurb

"Para sa Diyos......magdusa tayong lahat....."

***

Miss Belle Matriaga is a guidance counselor in Wanda Academy, a school that\'s exclusively for girls only. Sa kadahilanang hindi niya matiis ang kanyang mga estudyante tungkol sa mga nangyayari sa naturang school ay lumalim ang kanyang hangarin na magtrabaho at alamin ang isang misteryo nangyari noon tungkol sa batang nagpakamatay na nagngangalang Annie , ang child star noon sa eskwelahan.

Sino ba kasi si Annie? Ano ang dahilan niya sa pagkitil ng sariling buhay o nagpakamatay nga ba talaga siya??

chap-preview
Free preview
Una✟:
TUWING KALAGITNAAN NG GABI Belle Matriaga Matagal na akong nagta-trabaho dito sa Wanda Academy. Marami na akong narinig na mga kwento tungkol sa lugar na ito. Mga kababalaghan na hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba pero...may isang kwento akong narinig na alam kong nangyari noon at sigurado akong totoo. Dahil tuwing pagsapit ng kalagitnaan ng gabi. Sa dulo ng pasilyo sa pangatlong palapag, sa may katabi ng hagdanan. May makikitang isang palikuran. Walang sino man ang gustong pumunta doon at magbanyo dahil kapag pumasok ka sa loob...doon...sa may dulong cubicle....doon niya isinabit ang sarili niya... ....ang dalagitang kilalang kilala sa Wanda Academy noon.... ...ang child star ng school noon pero kinatatakutan na ngayon... ...si Annie. *** Third person "Do you trust me naman'di ba?" Tanong ng isang estudyanteng babae sa kapwa niya estudyanteng babae ngunit nakapiring ang mga mata. Nasa i-isang kwarto sila. Sa gitnang dulo ng kwarto ay may isang lamesa na pinapatungan ng mga kandila. May isang krus din doon. Sa gilid naman ng lamesa ay nandoon ang pinto papasok sa kwarto sa kung saan natutulog ang mga estudyante. Marami sila at puro sila babae. Tumango lamang ang nakapiring na estudyante. Nagsalita naman ang estudyanteng nasa kanan ng estudyanteng nakapiring ang mga mata. "Alam mo ba kung ano ito?" Tanong nito sabay kuha ng kanang kamay ng nakapiring na estudyante at dinala ito sa ibabaw ng kandilang nasa lapag. Nabawi ng nakapiring na estudyante ang kanyang kamay ng maramdaman niyang mainit at parang napaso ang kanyang kamay. Alam niya na kung ano iyon. Isa iyong kandila. Hindi niya alam kung anong trip ng mga kasama niya pero ayaw niyang ma-bully ng mga ito kaya sumusunod na lamang siya sa mga gusto ng mga ito. At dahil na rin sa itinuturing raw siya ng mga ito bilang matalik nilang kaibigan. Napayuko ang nakapiring na dalaga sa hiya. Ang estudyanteng nasa kanan niya ay muling itinaas ang kanyang kanang kamay at pinanatili lamang ito sa ere. Sunod na nagsalita ang dalagang nakaupo sa kaliwa ng dalagang nakapiring. "Pag bilang kong tatlo, ibagsak mo ang kamay mo sa sahig. Maliwanag ba?" Tanong nito sa nakapiring na estudyante na agad namang tumango. "Isa..." Pagsisimulang bilang ng babaeng nasa kaliwa ng nakapiring na estudyante. Napatingin ang babaeng nasa kanan ng babaeng nakapiring ang mata sa babaeng nasa kaliwa. Kinakabahan ito dahil baka mapahamak ang babaeng nakapiring ngunit umiling lang ang babaeng nasa kaliwa. Senyales na wala siyang dapat ipag-alala dahil walang mangyayaring masama. "Dalawa...." At binitawan na ng babaeng nasa kanan ang kamay ng babaeng nakapiring ngunit nanatili pa rin itong nasa ere na tila ba'y nanunumpa sa watawat ng pilipinas. Hinihintay na sabihin ang tatlo. Ang mga kapwa naman nilang mga estudyante rin na nakahiga sa kani-kanilang comforter ay nanonood na sa kanila. Tahimik lamang ang mga ito dahil ayaw nila ng larong ginagawa ng tatlong babaeng nasa gitna. "Tatlo." At pagkasabing tatlo ay agad na binagsak ng babaeng nakapiring ang kanyang kamay patungo sa kinalalagyan ng kandila pero bago pa man ito mapaso ang kamay nito ay agad na sinanggi ng babaeng nasa kaliwa niya ang kandila dahilan para mamatay ang apoy at matumba ang kandila pahiga sa sahig kaya naman ligtas ang kamay ng babaeng nakapiring. Parang nabunutan naman ng tinik ang babaeng nasa kanan at nakahinga ng maluwag Dahil kanina pa nito iniisip na baka sila ang maparusahanpag may nangyaring masama sa kanilang kaklase. Agad na tinanggal ng babaeng nakapiring ang panyong nasa mga mata niya pero saktong pag tanggal niya ng piring ay narinig nilang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Clarrise, ang pinuno ng mga madre na dating guidance counselor na ngayon ay principal na sa Wanda Academy na siyang nagbabantay sa mga estudyanteng madre na nagdodormitoryo sa mismong paaralan upang magsanay. Agad na tumalima ang tatlo sa gitna at bumalik sa kani-kanilang sariling higaan. Nakahilera ang higaan nila at isang buong braso ang layo ng mga ito sa isa't isa. *** "I ordered to turn the lights off hours ago." Sabi ni Clarrise. Nasa gitna siya katapat ng altar at nagsimula ng maglakad. Nakaupo lang ang mga dalaga sa kani-kanilang comforter, nakikinig sa sinasabi ng kanilang pinunong madre. "You must contemplate your sins in silence." Dagdag niya pa at habang naglalakad siya ay bawat madaanan niyang estudyante ay humihiga na at nagtalukbong ng kumot sa katawan. "The confession will start tomorrow at six o'clock sharp." Sabi ni Clarrise hanggang sa makarating na siya sa dulo ng kwarto. "Don't be late." At muli siyang naglakad pabalik. "Lie down!" Utos niya sa mga estudyante. Ganito talaga siya ka-istrikta dahil ito na ang ginagawa niya noon pa man. "Close your eyes!" Utos niya muli sa mga Ito. Habang nagsasalita si Clarrise ay ang estudyanteng nakapiring ang mga mata kanina ay hindi mapakali ang katawan dahil tinatawag siya ng kalikasan ngunit wala siyang lakas ng loob na magpaalam kay Clarrise dahil masungit kasi ito. "If you cannot sleep then pray." Segunda muli ni Clarrise. "Be ready to confess your sins tomorrow." At muli siyang nakarating sa harap ng lamesa kung saan nakapatong ang maraming kandila. Muling hinarap ang mga dalagang nakahiga na. "Do you understand?" Tanong niya sa mga ito. "Yes Nana Clarrise!" Awtomatikong sagot ng mga dalaga sa kanya. Nana Clarrise ang tawag sa kanya ng mga ito dahil itinuturing siya nitong ina nila. Inilibot muli ni Clarrise ang kanyang paningin sa bawat sulok ng kwarto bago siya nagpasyang lisanin ang silid. Samantala, nang marinig ni Selena ang pag sarado ng pinto ay agad siyang napatingin dito. Maya maya pa ay tuluyan na siyang tumayo sa kanyang pagkakahiga dahil sigurado na siyang nakaalis na ang kanilang Nana Clarrise. Tumingin siya sa wall clock malapit sa bintana at nakita niya na alas dose sakto na ng gabi. Hating gabi na. "Jonalyn, samahan mo ako naiihi ako." Pagtawag nito sa katabi niya. Ang babaeng nasa kanan niya kanina. Hindi siya nito pinansin dahil mahimbing na agad ang tulog nito. "Jo, samahan mo naman ako." Pakiusap muli nito sa katabi na sinamahan pa ng pag yugyog sa balikat nito pero katulad nung una ay hindi ito nagising at nakatulog agad. Ihing-ihi na talaga si Selena kaya kahit ayaw niyang tumayo ay napilitan siya dahil ayaw niya namang mapagalitan bukas at pagtawanan ng mga kaklase pag sa loob siya mismo ng kwarto nila umihi. "Bakit ba kasi walang banyo dito eh." Pagmamaktol niya habang naglalakad papunta sa lamesa at kumuha ng isang flashlight sa kahon sa ilalim ng lamesa. Nang makuha niya ang flashlight ay alanganin siyang tumungo sa pinto dahil natatakot siyang lumabas. Ayon kasi sa sabi sabi ay may nagpakamatay daw na dalagita sa loob ng paaralan at pa gala gala lang daw ito sa buong school tuwing hating gabi pero dahil hindi niya na talaga kaya ay inalis niya ang takot na nararamdaman at pinihit ang door knob at tuluyang lumabas. Hindi niya alam na may nakatingin na sa kanya kanina pa. Kanina pa siya pinagmamasdan nito at gusto niyang samahan ito sa labas dahil delikado ang mag-isa ngunit pinangunahan rin siya nang takot kaya nanahimik na lamang siya hanggang sa makalabas si Selena. Hawak ang flashlight ay tahimik at mabagal na naglalakad si Selena sa corridor. Bantay sarado niya ang paligid dahil may pinapakiramdaman siya. Malalakas na buhos ng ulan at nag iingayan na kidlat ang naririnig niya habang naglalakad sa corridor. Nang makarating siya sa dulo ng corridor ay kailangan niya pang lumiko sa kaliwang corridor dahil sa dulo non ay ang hagdanan. Bawat floor stairs kasi ay may katabing comfort room. Tahimik siyang naglakad papunta doon. "Hayst, ano ba magbukas ka naman." Reklamo ni Selena. Nakarating na siya sa comfort room ng floor nila pero nakalock naman ang door knob nito at pilit niyang pinipihit ang seradura nito para magbukas ngunit hindi siya nagtagumpay. Bagsak balikat siya sabay buntong hininga bago luminga muli sa paligid. Naghahalong kaba, takot at kasabikang umihi ang nararamdaman niya. Sarado ang banyo sa second floor. Wala namang banyo sa ground floor liban na lamang doon sa parte nang canteen ngunit may kalayuan iyon at mas nakakatakot pa roon, sa third floor mayroon. Alanganin niyang itinapat ang hawak na flashlight sa hagdanan na katabi lang ng banyo sa second floor. Aakyat ba ako? Tanong niya sa isipan niya. Marami rin kasing nagsasabi na ang banyo sa third floor ay ang lugar kung saan mismo nagpakamatay ang sinasabi nilang dalagita. Napahawak siya sa kanyang puson ng biglang sumakit iyon. Lalabas na talaga ang ihi niya kaya kahit takot na takot ay agad niyang inakyat ang third floor at pumasok sa banyo na nandoon. Katahimikan. Yan ang sumalubong sa kanya ng mabuksan niya ang pinto ng banyo sa third floor. Tahimik siyang pumasok. Sinubukan niyang buksan ang ilaw pero hindi naman bumukas dahil matagal ng sira iyon. Sa loob ng banyo ay may walo na cubicle. Apat sa kanan, apat rin sa kaliwa. Nang tapatan niya ng flashlight ang daanan sa gitna ay nakabukas na ang mga pinto nito pwera lamang sa isang cubicle, sa kaliwang hilera, sa may dulo non ay nakasarado ang pinto ng cubicle doon. Una niyang tinignan ang unang cubicle sa kaliwa pero ganoon na lang ang pandidiri niya at halos masuka na siya dahil may dumi sa bowl nito. Sunod niyang tinignan ang unang cubicle sa kanan pero may dumi rin iyon. Hanggang sa tinignan niya na lahat ng cubicle pero puro madudumi naman iyon pero may isa pa siyang hindi tinitignan na cubicle. Ang cubicle sa may dulo. Kabado siyang naglakad papunta roon. Dahil ayon pa sa mga narinig niya sa mga sabi sabi ay ang mismong cubicle sa dulo ay ang lugar kung saan nagpakamatay ang dalagang iyon. Muling sumakit ang kanyang puson at napadaing siya sa sakit dahil doon kaya hindi na siya muling nagdalawang isip at agad na pumasok sa cubicle sa may dulo. Inipit niya ang flashlight sa kanyang leeg gamit ang panga at balikat at tuluyan na siyang nagbawas ng maruming likido sa katawan. Ginhawa ang naramdaman niya dahil sa wakas ay nakaihi na rin siya. Maya maya pa ay dahan dahan niyang iniangat ang kanyang ulo kahit na nakaipit pa rin sa kanyang leeg ang flashlight. Doon nakita niya ang malaking tubong daluyan ng tubig na nakakonekta sa pader at sa kisame. Ang tubo na ginamit ng dalagang iyon noon para magbigti. Agad siyang nagmadaling lumabas matapos siyang magbawas. Tinungo niya ang sink at ipinatong sa gilid ng gripo ang flashlight tapos naghugas siya ng kamay pero napatigil siya sa paghuhugas ng kamay ng marinig niya ang langitngit ng isang pinto sa mga cubicle. Awtomatiko siyang kinabahan ng husto. Napatingin siya sa sarili niya sa salamin sa harap niya bago dahan dahan na nilingon ang pintong patuloy sa pagbukas at patuloy ang paglangitngit nito. Naaninag niyang ang dulong cubicle iyon na kusang bumukas muli ang pinto. Ibinalik niya ang kanyang pansin sa paghuhugas ng kamay pero napapitlag siya ng marinig niya ang malakas na pagsarado ng pinto. Mabilis niyang kinuha ang flashlight at itinapat iyon doon. Muling umalingawngaw ang langitngit ng pinto ng dulong cubicle. Tinapat ni Selena ang flashlight sa pintong kusang bumukas. Nanginginig ang mga kamay niya. Labis ang kabang nararamdaman niya habang naglalakad ng dahan dahan papunta roon. Malapit na siya sa cubicle at tuluyan ng bumukas ulit iyon pero napapitlag na naman siya at napaatras ng bahagya ng kusa muli iyong magsarado na para bang ginamitan ng pwersa at matatanggal na ang pinto sa sobrang lakas. Labis na kaba ang nararamdaman ni Selena pero gusto niyang tignan kung ano ang mayroon sa loob at bakit iyon gumagalaw mag isa. Nanginginig na iniangat ang isang kamay para buksan ang pinto. DUGDUG! DUGDUG! Rinig na rinig niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. DUGDUG! DUGDUG! Nahawakan niya na ang ulo ng pinto dahil kapantay lang iyon ng kanyang ulo. Maingat na binuksan niya iyon ng dahan dahan. DUGDUG! DUGDUG! Lumangitngit muli ang pinto. Dahan dahan nabuksan niya iyon at.... ....tumambad sa kanya ay ang malinis na bowl lang. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng malauwag dahil akala niya ay kung ano na pero nanlaki ang mga mata niya at nanigas siya sa kinatatayuan niya ng may maramdaman siyang humawak sa magkabilang balikat niya at.... "Kyaaahhhh!" Isangmalakas na tili ang pinakawalan ng kanyang bibig ng may dalawang kamay nahumarang sa kanyang mukha at ang isang daliri pa ng isang kamay ay pumasok sakanyang bunganga

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook