Kabanata 3: Lihim na Paghanga

993 Words
Pagkalipas ng banggaan nila sa hacienda, hindi pa rin maalis ni Dave Montemayor sa isip ang babaeng matapang na sumagot sa kanya. Mula sa balkonahe ng kanilang mansyon, tanaw niya ang mga trabahador na abala sa pag-aalaga ng tanim—at kabilang sa kanila si Joan Berasis. Nasa gilid ito ng taniman, nakasuot ng simpleng itim na tank top at lumang maong pants. Pawisan na ang kanyang noo, at may bahid ng putik ang kanyang mga braso, pero sa paningin ni Dave, wala pang babaeng nagmukhang ganoon kaganda sa kanyang paningin. Bakit ang lakas ng dating niya? tanong niya sa sarili habang nakatingin sa dalaga. Sa Maynila, sanay siya sa mga babaeng naglalakad nang naka-high heels, nagmamayabang sa kanilang mamahaling pabango at designer bags. Pero si Joan? Pawisan at putikan, ngunit mas pinukaw nito ang kanyang interes. Samantala, sa taniman, sinubukan ni Joan na huwag mapatingin sa direksyon ng mansyon. Alam niyang naroon si Dave, at kahit pilit niyang itinatanggi sa sarili, hindi niya maiwasang mapansin ang presensya nito. “Joan!” tawag ni Rica habang naglalakad palapit sa kanya. “Kanina ka pa sinusulyapan ni Sir Dave.” Napakunot ang noo ni Joan. “Ano ka ba? Ang feeling mo naman,” sagot niya, pilit itinatago ang pamumula ng kanyang pisngi. Ngumisi si Rica. “Hmm… baka may gusto sa’yo ang guwapong tagapagmana.” “Tigil-tigilan mo nga ako,” inis na sagot ni Joan, ngunit hindi niya maitatanggi sa sarili na nag-init ang kanyang pisngi sa ideya. Hindi niya alam kung bakit, pero nang magtama ang mga mata nila ni Dave kanina, parang saglit siyang nawala sa sarili. May kung anong spark sa pagitan nila, isang bagay na pilit niyang binabalewala. Hindi, Joan. Hindi mo siya dapat magustuhan, pilit niyang kinakausap ang sarili. Sa hapag-kainan ng Montemayor Mansion, nakaupo si Dave kasama ang kanyang inang si Doña Estrella. Sa kabila ng marangyang hapunan, halos wala siyang ganang kumain. Ang isip niya ay lutang pa rin sa imaheng naiwan ni Joan. Napansin iyon ng kanyang ina. “Dave, hindi ka na yata sanay sa pagkain dito sa probinsya,” biro ni Doña Estrella habang naglalagay ng karne sa plato ng anak. Napangiti si Dave. “Sanay pa rin naman, Ma,” sagot niya. Ngunit nagduda ang kanyang ina sa tila kawalan niya ng gana. “May bumabagabag ba sa’yo?” tanong nito, puno ng pag-aalala. Umiling si Dave. “Wala po, Ma. Pagod lang siguro sa biyahe.” Hindi na nag-usisa si Doña Estrella, pero nagtataka siya sa inasal ng anak. Sanay siyang kalmado at composed si Dave, ngunit ngayon ay tila lutang ito sa kawalan. Kinabukasan, maaga pa lang ay nagdesisyon si Dave na maglibot sa hacienda. Nais niyang makita ang buong taniman, ngunit sa totoo lang, nagbabakasakali siyang muling makita si Joan. Habang naglalakad sa taniman, natanaw niya ang dalaga sa di kalayuan. Abala ito sa pagdidilig ng mga halaman. Sa kabila ng init ng araw, hindi ito nagpasindak sa init. Pawisan na ang noo ni Joan, ngunit hindi nito alintana. Biglang nagdesisyon si Dave na lapitan siya. “May maitutulong ba ako diyan?” tanong ni Dave sa mababang boses. Nagulat si Joan sa biglaang pagsulpot ni Dave sa likuran niya. Napalingon siya at saglit na natigilan. Sa lapit nila, naamoy niya ang banayad na amoy ng pabango ng binata. “Ano?” tanong ni Joan, bahagyang nagtaas ng kilay. Ngumiti si Dave, nakapamulsa at walang balak umatras. “Sabi ko, baka may maitutulong ako.” Nagpatuloy si Joan sa pagdidilig, hindi siya nagpaapekto sa presensya ni Dave. “Hindi ako nangangailangan ng tulong,” sagot niya, walang imik. Ngunit imbes na umurong, tumayo si Dave sa tabi niya at kinuha ang isa sa mga balde. Sa kabila ng mamahaling damit na suot, nagdesisyon siyang sumalo sa trabaho. Napakunot ang noo ni Joan. “Anong ginagawa mo?” tanong niya, halatang inis. “Hindi ba halata?” sagot ni Dave, nagbiro pa. “Tumutulong.” “Dave, hindi ka naman marunong sa ganito. Hindi mo kailangang magpanggap,” sagot ni Joan, halatang iritado. Ngunit hindi siya pinansin ni Dave. Sa halip, binuhat nito ang balde ng tubig at nagsimulang magdilig ng mga halaman sa tabi niya. Sa kabila ng mabigat na balde, parang walang kahirap-hirap ang binata sa pagdadala nito. Napailing si Joan. Anong problema ng lalaking ito? bulong niya sa sarili. Ngunit sa kabila ng inis, hindi niya maiwasang mapansin ang matikas na braso ni Dave habang nagbubuhat. Naglalaro sa kanyang isipan ang tanong: Bakit siya nandito? “Bakit mo ginagawa ‘to?” sa wakas ay naitanong niya, hindi na nakatiis. Napatingin si Dave sa kanya, bahagyang ngumiti. “Gusto ko lang mag-relax,” sagot niya, ngunit sa kanyang mga mata, may ibang sagot—isang sagot na hindi niya pa handang sabihin. Nagtama ang kanilang mga mata. Sa pagkakataong iyon, hindi na nakapagpigil si Joan. Bumilis ang t***k ng kanyang puso. “Relax?” tanong ni Joan, may bahid ng pag-aalinlangan sa boses. “O gusto mo lang akong asarin?” Ngumiti si Dave, nakapamulsa at naglakad palapit sa kanya. Nakatitig ito nang diretso sa kanyang mga mata, nagpakawala ng mapang-akit na ngiti. “Bakit? Naapektuhan ka ba?” bulong ni Dave, mababa ang tono ng boses. Napakurap si Joan, saglit na natigilan. Pero hindi siya nagpatinag. Sa halip, ngumisi siya at humakbang palapit sa binata. “Hindi.” Malamig ang sagot niya, ngunit sa loob-loob niya, hindi na niya kayang itago ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Habang naglalakad palayo si Joan, nagpakawala si Dave ng isang ngiti. Sa isip niya, mas lalo siyang nagugustuhan sa tapang at supladita nitong ugali. Hindi siya natitinag sa pagiging mailap ng dalaga. Sa halip, mas lalo siyang nawiwili sa paghabol dito. At si Joan? Habang papalayo siya, hindi niya maiwasang haplusin ang dibdib niyang kumakabog. Ano ba ‘to, Joan? Bakit ka kinakabahan sa presensya niya? Ngunit alam niya ang sagot—kahit pilit niya iyong itinatanggi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD