Chapter 5

1410 Words
ISABELLA'S POV Pagmulat ng aking mata, ang una kong hinanap ay ang tray ng pagkain na karaniwang nasa gilid ng pinto. Pero wala at masyadong tahimik para sa isang umaga. Wala ring amoy ng sinangag o kape na dati’y pumapasok mula sa awang ng pinto. Umupo ako sa kama at pinakinggan ang paligid. May mga yabag sa labas, mahihinang boses, pero walang diretsong papunta sa akin. Para bang… hindi ako bahagi ng siklong iyon. Hanggang sa may mahinang katok. “Ma'am, pinapatawag po kayo sa kusina para doon mag-almusal. Utos po ni sir Richard.” magalang na sabi ng kasambahay na huling pumasok sa silid ko kahapon. Napakunot noo akoHindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot. Dalawang araw, kahit nakakulong ako, pinapadala pa rin nila sa akin ang pagkain. Pero ngayon, pinapakain na ako sa labas? Bakit biglang nagbago? Dahan-dahan akong tumayo, iniwasang ipakitang nanginginig ang tuhod ko. Pagbukas ng pinto, doon ko napansin ang kakaibang liwanag sa bintana. Ang layout ng hallway ay iba. Mas maluwag at mas moderno. Mas personal. Hindi ito ang rest house. Hindi ito ang lugar kung saan ako unang dinala, kung saan ako pilit kinulong. Nasaan ako? Habang naglalakad papunta sa dining area, unti-unting lumalamig ang pakiramdam ko. Lalo na nang mapagtanto kong napakalawak ng bahay, siguradong magkaligaw ligaw ako kung wala ang kasambahay na sinusundan ko. Nang makarating kami sa dinning hall, naroon na ang iba nitong kasama. May dalawang kasambahay na nakatoka yata sa hall. Ipinaghila ako ng isa ng upuan. “Pwede bang huwag niyo ng gawin ito sa akin?,” sabi ko ng nilalagyan na ng pagkain ang plato ko. Napatigil ang isa at tumingin sa akin. Umiling ito bago nagsalita. "Utos po ni Gov. na pagsilbihan po kayo ma'am---" "Wala siya dito kaya hindi niyo ako kailangan na pagsilbihan at pwede bang huwag niyo na akong tawaging ma'am, hindi po ako mayaman" putol ko dito. Ngumiti ng alanganin ang isa pero ipinagpatuloy parin ang paglagay ng pagkain sa plato ko. "Isabella hija, gising ka na pala. Ano pa ang gusto mong kainin anak? magsabi ka lang" biglang lumitaw sa likod ko ang matandang gumamot sa akin noon. Matamis itong nakangiti sa akin. Sinenyasan niya ang dalawang kasambahay na umalis na bago niya ulit ako binalingan. "Ako ang nanay Sela mo, mayordoma dito hija at yaya ni Richard mula pa noong bata siya" anito. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang balikat ko. "Salamat po sa pag-asikaso niyo sa akin noong isang araw nanay Sela. Pasensiya na po kung naabala kayo dahil sa akin" magalang kong sagot. Bumaba ang kamay niya at hinawakan ang palad ko at pinisil ito. "Nakowww, walang anuman hija. Kilala ko ang iyong ama hija, dito pa siya noong ipinanganak si Richard" Napakurap ako. Muli, narinig ko na naman iyon—ang pangalan ng aking ama na parang lihim na binubulong ng bawat taong konektado kay Richard Montevista. Pero ngayon, mula ito sa isang taong tila may malasakit, hindi galit o panlilinlang. “Nanay Sela, walang kasalanan si Tatay?” mahinang sabi ko, unti unti na namang nanunubig ang mata ko. Tumango si Nanay Sela, dahan-dahang pinipisil pa rin ang aking kamay. “Si Facundo—ang tatay mo—mabuting tao. Matapang, pero hindi marahas. Tahimik, pero mapagkalinga. “ Ngumiti si Nanay Sela, pero may lungkot sa kanyang mga mata. “Hindi ko na dapat ikuwento, hija. Hindi pa ngayon. Pero isang araw, kapag handa ka na, malalaman mo rin kung bakit mahalaga sa batang iyan, kay Richard—na ikaw ay mapunta rito. Hindi lahat ng ginagawa niya ay para saktan ka.” Nanlamig ang likod ko. Mapunta rito? Parang hindi basta lang pagbabayad ang dahilan kung bakit ako nasa bahay ngayon ng gobernador. Lalo na’t wala siya rito, at tila inihahanda ako sa isang bagay na hindi ko pa maintindihan. “Nanay Sela… bakit ako narito talaga?” tanong ko, pilit iniiwas ang emosyon sa boses ko. Tahimik siyang napatingin sa mesa. Ilang segundo bago siya muling nagsalita, at nang gawin niya iyon, parang pipi ang tinig niya. “May mga bagay na hindi ko rin alam. Pero isa lang ang tiyak ko, hija, hindi ka dinadala rito nang walang dahilan. At kahit kami, wala kaming karapatang kwestyunin ang utos. Lalo na kung galing sa alaga ko.” Muli niya akong tiningnan, at mas madiin ang pagkakahawak niya sa kamay ko. “Basta anak, habang narito ka, subukan mong maging kalmado. Subukan mong hindi sumuway. Mabait naman si Richard, hindi siya iyong taong inaakala mo Isabella. Sana maintindihan mo na nawalan siya ng ama kaya ganoon na lamang ang kanyang galit" marahan parin itong saad. Nang may isang kasambahay na lumapit sa amin at ibinigay ang telepono kay nanay Sela. "Si Gov.po nanay Sela" anito. Tumango ang matanda bago iniumang ang telepono sa kanyang tenga. Binalikan ko ang aking plato at nagsimula ng kumain. "Hello hijo." rinig kong sabi nito. Tumahimik ito na parang nakikinig sa kabilang linya. "Oo anak, nandito na siya sa hapag. Kabababa niya lang. " muling sabi nito. Alam kung ako ang pinag uusapan nila kaya naikuyom ko ang aking palad. Talagang kahit wala siya dito ay bantay sarado ako. Hindi talaga siya titigil para patahimikin ang buhay ko. Napalingon ako kay nanay Sela ng hawakan niya ang balikat ko at ibinigay sa akin ang telepono. "Kakausapin ka daw" nakangiti nitong saad. Kumunot noo ako, Ilang segundo rin akong hindi kumilos, nakatitig lang sa telepono na hawak ni Nanay Sela, na para bang iyon ay isang bagay na puwedeng sumabog anumang oras. Isang bagay na ayaw mong hawakan pero pinipilit sa'yo. Ramdam ko ang init ng kanyang palad sa balikat ko, taliwas sa malamig na tanong sa utak ko: Bakit gusto niya akong makausap ngayon? Kinuha ko ang telepono, mabigat ang kamay. “Hello,” matigas ang tono ko. Kung inaasahan niyang magpapakabait ako, nagkakamali siya. Sandaling katahimikan. Tapos, narinig ko na ang boses niya—pamilyar, may lamig, may galit, pero hindi na buhos ang poot. Parang pinipigil. May puwang ng pagpipigil. “Nagising ka na,” mahinang bungad niya, halos pabulong, pero tagos sa tenga. “Kumusta ang pakiramdam mo?.” Hindi ko agad sinagot. Umigting ang panga ko. Sino siya para magtanong kung okay lang ako, gayong siya ang dahilan kung bakit hindi ako okay? Pero kahit gusto kong maging bastos, naisip kong sayangin lang niya ang mga salita ko kung mag-aaway lang kami sa telepono. “Ayos lang ako. Wala naman akong pagpipilian, ‘di ba?” sagot ko, matigas pero kontrolado. Narinig ko ang mahinang paghinga niya sa kabilang linya. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya alam kung paano. “Gusto ko lang malaman kung komportable ka diyan. I'm giving you the permission to live freely inside my house--but don't you dare try to escape Isabella--mas maganda na diyan ka dahil ligtas diyan” sagot niya, pa-simpleng may malasakit, pero naroon pa rin ang tonong nagbabanta “komportable, ligtas?” bahagya akong natawa, pero walang saya sa tawa ko. “Sa bahay mo ako dinala—hindi ba mas tama ang salitang ‘nakakulong’?” Tahimik siyang muli. Tapos, mahinang boses ang sumagot. “Hindi ko gusto na ituring mong kulungan ang lugar na ‘yan.” Napapikit ako. Naramdaman kong may kung anong bumigat sa dibdib ko. Gusto kong hindi pansinin ang bahid ng pag-aalala sa tono niya. Gusto kong isipin na manipulasyon lang iyon. Pero may parte sa puso kong nagtanong: Bakit parang hindi siya sigurado sa sarili niya? “Hindi mo ba nakikita? Ginulo mo ang buong buhay ko. At ngayon… nandito ako. Sa bahay ng taong may dahilan para kamuhian ako. Anong klaseng ‘ligtas’ ang tinutukoy mo? Pero hindi siya sumagot. Parang biglang lumamig muli ang linya. "Do what I say Isabella at wala tayong magiging problema!" Click. Tapos na ang tawag. Nanatili akong nakatitig sa kawalan, ang telepono'y nakababa na sa mesa. Sa di kalayuan, naroon pa rin si Nanay Sela, abalang tinatapos ang kape niya, pero tahimik lang. Wari’y alam niyang hindi ko kailangan ng tanong, kundi paghinga. Tumayo ako, inabot ang baso ng tubig, at saka ko lang napansin—hindi nanginginig ang kamay ko. Sa unang pagkakataon, hindi ako takot. Hindi rin kalmado. Dahil ngayon, alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit ako narito. At kung may nililihim si Richard hindi niya ito maitatago sa akin habambuhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD