ISABELLA'S POV
Dumaan ang tatlong araw na tahimik. Hindi ko nakita man lang ang anino ng gobernador. Sa una, naging palaisipan sa akin ang biglang pagbabago ng paligid pero habang tumatagal, natutunan ko na rin kung paano gumalaw sa bagong "kulungan" na ito. Mas malawak, mas tahimik, mas mapanlinlang ang katahimikan. Hindi na rin ako kinukulong sa kwarto. Pwede na akong maglibot sa loob ng bahay, at kahit paano, may mga sandaling nakakalimot ako sa bigat ng lahat. Si Nanay Sela, ang mayordoma, ang palaging kasama ko. Tinuruan niya akong gumawa ng tinapa rice na paborito raw ng gobernador noong bata ito bago lumipad papuntang America para mag-aral. Ayon sa kanya, matalinong bata si Governor Richard, nagtapos itong valedictorian noong High School at naging Summa c*m Laude sa America kung saan pinadala siya ng ama para magpakadalubhasa sa kanyang piniling kurso.
“Laging nilalaktawan ni Richard ang almusal noon,” kwento ni Aling Nena habang pinipiraso ang daing. “Pero kapag naamoy niya ang tinapa, bumabalik sa kusina. Tapos e-enumerate niya lahat ng mali naming sangkap.” tumatawang sabi ni Nanay Sela. Napangiwi ako, ano pa ba ang aasahan ko sa Richard na iyon, siyempre dahil matalino kaya parang alam na niya lahat.
"Kapag nakasimangot na ako noon habang nagluluto ako, maglalambing na iyan sa akin, hindi niya ako iiwan sa kusina hangga't hindi niya ako napapangiti" nakangiti parin ito. Tumaas ang kilay ko, so, may ganoon palang side ang demonyo, bakit kaya naging kampon na ni Lucifer? Pilit akong ngumiti kay nanay Sela habang tinutulungan siya sa paghimay ng tinapa.
"Alam mo bang may gustong gusto siyang babae noong High School siya? Gumawa pa siya ng tinapang pizza noon para ibigay doon sa babae. Sabi niya sa parents niya, ipapakilala niya daw ito sa aming lahat kapag girlfriend na niya pero nagtapos na ng High Schoola at College, hindi pa din naipapakilala sa amin."
"Siguro kung sino man ‘yon, hindi siya minahal pabalik," sabay sabog ng tawa ni Aling Nena habang hinahalo ang niluluto.
"Pwede rin namang minahal siya, pero iniwan din," pahabol ni Nanay Sela na may bahid ng lungkot sa tinig. Tahimik akong nakinig. Ayoko man aminin, pero nakikini-kinita ko si Richard bilang ibang tao sa mga kuwento nila—hindi ang salbaheng gobernador na bumihag sa akin, kundi isang batang may pangarap, may minamahal, marunong magluto, at may kakayahang magpatawa. Bigla kong naisi kailan kaya siya huling naging masaya? Naisip ko rin, paano kaya siya kung hindi siya naging politiko? Kung hindi siya naging anak ng makapangyarihang tao? Kung hindi ako ang babaeng natali sa bangungot ng kanyang pagkasuklam sa tatay ko?
"Parang hindi naman siya mahilig sa maliwanag na bagay.” may sarkastikong sagot ko.
“Pagod lang ang tao,” sabay sagot ni Nanay Sela habang hinahalo ang ginisa. “Maraming pasan sa balikat ‘yang batang ‘yan.”
Habang abala kami sa paghahanda, biglang bumukas ang sliding door sa likod. Tumigil ang mga kamay ng mga kasambahay. Parang sabay-sabay kaming huminto sa paghinga. Nang tumingin ako, tumama ang paningin ko sa lalaking matagal kong hindi nakita.
Suot ang itim na coat, bahagyang magulo ang buhok, at kita sa ilalim ng kanyang mata ang hapdi ng puyat. Malalim ang kanyang mga mata. Walang ngiti. Walang galit. Pero may bigat. Parang may kinikimkim na sugat na lalong lumalalim.
Tahimik ang lahat. Hindi makakibo ang mga kasambahay. Ako man, napalunok ng laway. Alam kong ibang Richard na naman ito. Iba sa batang kinukuwento nina Nanay Sela. Iba sa lalaking unang dumukot sa akin. At malamang, iba rin sa Richard na umibig noon sa babaeng ginawan niya ng tinapang pizza.
“Richard anak, nandiyan ka na pala” si Nanay Sela na lumapit dito. Niyakap ito ng gobernador.
"Can I have a glass of water Nanay?"sabi niya, malamig at mababa ang tinig habang binuksan ang refrigerator. “Ako na ang kukuha ng tubig.” Tahimik kaming bumalik sa ginagawa. Kumuha siya ng baso, saka tumungo sa lababo. Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko kahit wala siyang sinasabi. Nasa pagitan naming ang ingay ng kawali, ang huni ng kutsara sa kawali, at ang init ng silid. At saka iyon nangyari. Biglang bumukas ang telebisyon sa gilid ng kusina. Isa sa mga kasambahay ang nagpaandar nito, nakatono sa balitang pambansa.
“Isinailalim sa mahigpit na seguridad ang libing ni Congressman Danilo Montevista sa Manila Memorial kaninang umaga…”
Napatigil ako. Napatingin ang lahat sa TV. Ang camera ay nakatutok sa kabaong na binababa sa hukay, sinundan ng footage ng ilang opisyal ng gobyerno, mga security detail, at ilang miyembro ng media. Sa gilid ng frame, naroon si Gov Richard, ang mommy niya at dalawang kapatid na lalaki. Suot ang itim, nakayuko, nakatitig sa puntod ng kanyang ama. Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon ang parehong taong naroon sa screen. Tahimik. Matigas ang panga. Parang sasabog. Muli siyang tumingin sa akin. Iba na ang tingin. Hindi lang galit, kundi matinding poot na may halong… sakit?
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Paano ko ipapaliwanag ang sarili ko, kung hindi ko rin alam kung kanino ako maniniwala? Tumigil ang lahat. Tumigil ang kutsilyo ni Nanay Sela sa paghiwa. Si Aling Nena ay napalingon. At ako… hindi ko alam kung dapat ba akong tumingin o umiwas. Bumalik ang atensiyon nito sa screen na walang emosyon at walang luha. Hindi ko mabasa sa kanyang mukha kung may bagyong bumabangga sa dibdib niya. Ngunit alam kong may sugat sa kanyang pagkatao na hindi na kayang tapalan ng kahit anong kapangyarihan. Ilang segundo lang, pero parang ang tagal.
“Patayin mo na 'yan,” malamig niyang sabi. At tuluyan na nga itong pinatay. Bumaling siya sa akin bago nagsalita
"Dalhan mo ako ng kape sa library" Tumango ako kahit walang tunog na lumabas sa bibig ko. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya, lalo na’t sariwa pa sa alaala ko ang mga mata niyang punong-puno ng sakit—at ngayon, tila puno rin ng galit na pinipilit niyang ikubli sa katahimikan. Bitbit ang takot at kaba, dahan-dahan akong kumuha ng tray, tinimplahan ng kape, at saka naglakad patungo sa library na ngayon ay parang mas naging malamig kaysa dati. Pagdating ko roon, bahagyang nakaawang ang pinto. Huminga ako nang malalim bago ko ito itinulak. Naroon siya, nakatalikod, nakatingin sa isang malaking portrait ng kanyang ama na ngayon ay pinalamutian ng itim na ribbon sa itaas. May kandilang nakasindi sa tabi nito. Tahimik siyang nakatayo, hawak ang isang baso na may laman yatang whiskey. Hindi siya gumalaw nang marinig ang pagbukas ng pinto.
“Ilapag mo diyan,” malamig niyang utos. Iniwan ko ang kape sa mesa at akmang tatalikod na sana pero bigla siyang nagsalita.
“Bakit ang dali sa’yo? Ang dali mong magpakasaya at makipagkwentuhan. Parang hindi mo alam ang bigat ng ginawa ng ama mo.” Napako ang mga paa ko. Dahan-dahan akong lumingon.
“Wala akong—”
“Don’t,” putol niya agad, tumalikod siya at humarap sa akin. Matigas ang mukha niya, ngunit nanlalabo ang mata. “Wala kang alam? Ganyan din ang sinabi niya. Ganyan ang lagi niyang sagot sa mga tanong ko. Wala raw siyang kinalaman. Wala raw siyang alam.”
Mabagal siyang lumapit sa akin, parang bawat hakbang ay sinasagad ang nerbiyos ko.
“Pero hindi totoo ‘yon, Isabella,” bulong niya, mababa at puno ng poot. “At sa araw ng pagkamatay ng ama ko, ang ama mo ang kasama niya, siya ang nakahawak ng kutsilyong pumatay sa ama ko" matigas ang boses nito, halatang kinikimkim ang galit. Napalunok ako.
“Hindi siya gano’n…”
“Gano’n siya,” singhal niya. “At kung hindi mo matanggap, problema mo na ‘yon.”
Napalapit pa siya, halos magdikit na ang mga katawan namin. “Alam mo kung bakit kita dinala rito?” tanong niya, mahina pero mabigat. Hindi ako sumagot.
“Dahil gusto kong maramdaman mo kung gaano kabigat ang mabuhay na may kasalanang hindi mo ginawa—pero kailangang bayaran mo.”
“Hindi ako ang tatay ko,” pabulong kong sagot.
“Hindi nga,” sabi niya, lumuhod ng bahagya para pantay ang tingin namin. “Pero ikaw ang kabayaran. Ikaw ang gagamitin ko para pantayin ang lahat.”
Nanlaki ang mata ko.
“Simula ngayon,” bulong niya, “sa tuwing papasok ako sa kwartong ‘yon, gusto ko nandoon ka. Hindi bilang bisita. Hindi bilang bihag. Bilang—”
“Hindi mo kailangang ituloy,” mahina kong sabi, nanginginig ang tuhod.
“Bilang bedwarmer,” mariin niyang sinabi, diretsong tumama ang mga mata niya sa akin. “Na sa tuwing hahaplosan kita, mararamdaman ko ang bawat kasinungalingan ng ama mo. Bawat pagkukunwari. Bawat traydor niyang salita.”
Napaatras ako, nanginginig. Parang nawala ang lakas ng tuhod ko. “Hindi mo pwedeng gawin ‘to…”
"Hindi na tanong kung pwede, Isabella,” mahina niyang sagot. “Ginawa mo nang posible ito sa araw na pinili mong maniwala sa kanya.”
Lumapit siya. Mabagal. Parang leon na papalapit sa sugatang usa. At ako ang usa—hindi lang sugatan, kundi litong-lito, takot, at nabibiyak sa hindi maipaliwanag na damdamin. Napasandal ako sa pader habang papalapit siya. Napalunok ako ng masyadong madiin, naramdaman kong tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
“Hindi mo ako pag-aari,” mahina kong sabi, halos pabulong. Pero kahit ako, narinig ko ang bahid ng duda sa sarili kong tinig.
“Pero ito—” idinampi niya ang likod ng daliri niya sa gilid ng panga ko, mahina, halos parang hangin lang, pero sapat para manigas ang buong katawan ko. “—pag-aari ng lalaking pumatay sa ama ko.”
Nanlaki ang mata ko, pero hindi ko siya matulak. Hindi ko rin siya masigawan. Hindi ko maipaliwanag kung takot ba ito o may iba pa.
“Richard…” Nilakasan ko ang boses ko, pero nang sabayan niya iyon ng marahang hinga sa leeg ko, parang naputol ang salita ko sa ere. Nadama ko ang mainit niyang hininga, bahagyang mas mabilis kaysa dati. Ganoon din ang t***k ng puso ko—mabilis, magulo, at masakit.
“Alam mo bang mas masahol pa sa galit ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita?” bulong niya, habang unti-unti niyang idinidikit ang katawan niya sa akin. Napalunok ulit ako. Hindi ko na alam kung ano ang mas nakakabaliw—yung init ng hininga niya sa balat ko, o ang mapanganib na kislap sa mga mata niyang halos dilim na ang kulay.
"Ikaw ang parusa ko, Isabella," aniya, habang ang palad niya’y humawak sa bewang ko. Hindi mariin—hindi pa. Pero may kontrol. May banta. At oo may pagnanasa.
Parang gusto kong sumigaw, tumakbo o yakapin siya. Hindi ko alam. Ang utak ko ay nagtatalo—sinasabi sa akin na ito’y kasalanan, na hindi ito tama, na wala akong dapat maramdaman kundi galit at takot pero ang katawan ko, traydor. Napapikit ako nang idikit niya ang labi niya malapit sa tainga ko, halos walang pagitan.
"At sa bawat gabi na dadaan… gusto kong maalala mo ‘to: hindi ako naniniwala sa kasinungalingan ng ama mo"
Nanginig ang tuhod ko at sa isang segundo, nanumbalik ang lakas, hindi para lumaban, kundi para itulak siya palayo pero hindi ko nagawa. Dahil bago ko pa siya maitulak, lumayo na siya. Agad. Parang wala lang nangyari. Parang hindi niya ako halos halikan. Parang hindi niya halos angkinin ang hininga ko sa loob ng kwartong iyon.
Tumalikod siya.
“Matulog ka na, Isabella,” malamig na utos niya, hindi lumilingon. “Dahil simula bukas, hindi na kasinungalingan ang hahaplos sa’yo… kundi ang katotohanan na ako ang may kontrol sa lahat.” Naikuyom ko ang aking palad. Ang luha ko, nagbabadya ng tumulo. Pero hindi, hindi ako dapat umiyak sa harap ni Governor Richard Montevista. Mahirap lang kami ngunit hindi ko ibibigay sa kanya ang mahinang parte ng pagkatao ko. Hindi ako sumagot, Walang ingay kundi ang paghinga ko na parang nahahabol ng sariling multo.
“Ibalik mo ang tray. Wala akong gana sa kape,” sabay talikod niya. “At ihanda mo ang sarili mo. Simula ngayong gabi… wala ka nang lusot.”
Tuluyan akong lumabas ng library, bitbit ang tray ng kape na hindi man lang niya hinawakan. Ngunit ang bigat ng mga salita niya, dala-dala ko hanggang sa pasilyo, hanggang sa silid ko, hanggang sa pagdilim ng araw—at lalo na, sa pagdilim ng kinabukasan ko.