Chapter 7

1018 Words
ISABELLA'S POV Hindi ako makatulog buong gabi. Ang kisame ng silid ay parang entabladong paulit-ulit na binabalikan ng mga boses ng nakaraan—ang sigaw ng tatay ko sa araw ng pag-aresto, ang tingin ni Richard habang pinipigilan ang sarili niyang damdamin, at ang huling salita niya na kumukulong muli sa kalayaan ko. "Ikaw ang kabayaran." Niyakap ko ang sarili ko habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko alam kung nilalamig ba ako o nanginginig sa takot o galit pero isa lang ang malinaw, hindi ako maaaring manatiling tahimik. Kung may ibinibigay pa ang tadhana sa akin ngayon, iyon ay ang pagkakataong makipaglaban. Kahit sa ganitong paraan. Kaya bago pa tuluyang mawalan ng lakas ang loob ko, bumangon ako. Huminga ng malalim. Lumabas ng silid at tumungo sa library. Tahimik ang buong bahay. Ang sahig na marmol ay malamig sa talampakan ko habang marahan akong naglakad. Bumungad muli ang pintuang nakasara kanina. At ngayon, haharapin ko na ang halimaw sa loob nito. Tok. Tok. Walang sumagot, pero pinihit ko na ang seradura at bumukas ito. Nandoon pa rin siya, nakaupo sa leather armchair, may hawak na isang makapal na dokumento. Hindi siya tumingin pero alam kong naramdaman niya ang pagdating ko. “May kailangan ako,” matatag kong sabi. Wala na ang panginginig sa tinig ko, kahit ang dibdib ko’y parang sinasakal ng sariling katapangan. Dahan-dahan siyang tumingin, malamig pa rin ang mga mata. “Hindi pa ako nag-uutos.” “Hindi rin ito tungkol sa utos mo.” Lumapit ako, tumigil sa ilang talampakan mula sa mesa niya. “Kung gusto mong manatili ako rito, kung gusto mong bayaran ko ang utang ng ama ko—may kapalit din ‘yon.” Napakunot ang noo niya. “May lakas ka pang magtakda ng kondisyon?” “Hindi ito usapang lakas,” sagot ko. “Ito’y usapang katarungan.” Tahimik siya at tinitigan lang ako, para bang sinusukat ang lakas ng loob ko pero hindi ako umiwas. “Pag-aralan natin ang kaso ng tatay ko. Hanapin natin ang katotohanan. Gamitin mo ang kapangyarihan mo, hindi para gumanti—kundi para alamin kung sino talaga ang pumatay sa ama mo.” Bumangon siya sa pagkakasandal sa kanyang upuan ng mabagal at nakatitig pa rin sa akin. “Isang kondisyon,” dagdag ko. “Kapag napatunayang hindi ang tatay ko ang may sala, palayain mo siya. Palayain mo rin ako” Lumingon siya sa bintana. Parang tinamaan ng isang bagay na ayaw niyang aminin. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita, at sa bawat segundo, parang binibilang ko ang mga pintig ng puso ko. “At kung siya nga ang may sala?” malamig niyang tanong. “Kung siya nga,” sagot ko, buong tapang, “kahit ano ang gusto mong gawin sa akin, kahit patayin mo na rin ako para makabayad ang ama ko sa kasalanan niya." Muli kaming nagtitigan. Sa unang pagkakataon, hindi ko siya kinatakutan. At sa unang pagkakataon, may bahagyang paggalaw sa mga mata niyang dati'y parang yelo—parang alinlangan. Umiling siya siya ng mabagal. Tila ba hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa sa tapang ko o mas lalong mainis. Lumapit siya sa harapan ng mesa, humawak dito gamit ang dalawang kamay, at tinitigan ako ng mariin. Para akong hinihigop sa lalim ng mga mata niyang puno ng galit at pangungulila. “Ang tapang mo ngayon,” bulong niya, paos, halos parang hindi galing sa isang gobernador kundi sa isang sugatang kaluluwa. “Pero kahit gaano mo pa gustong kontrolin ang laro, Isabella... hindi mo ito laban.” Humakbang siya palapit, mabagal, hakbang na parang pusa, tahimik pero mapanganib. Hindi ko maiwasang umatras nang isang hakbang, pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. “Kung gusto mong mag-imbestiga, fine,” dagdag niya. “Kung gusto mong hanapin ang katotohanan, tutulungan kita. Pero hindi ito libre. At hindi mo mababago ang presyo ng pagkakakulong ng ama mo.” Huminto siya sa harap ko. Sapat na lapit para maramdaman ko ang init ng hininga niya. Sapat na lapit para masamyo ko ang timpla ng alak at musky na pabango niya. “Magiging akin pa rin,” mariin niyang sabi. “Sa bawat gabing pipikit ka sa kama ko, sa bawat hiningang ilalapit mo sa katawan ko, palala nang palala ang apoy na papatong sa balikat mo. Dahil sa bawat halik na ipapatikim ko sa’yo, hindi mo malilimutan kung bakit ka naririto.” Napasinghap ako, pero hindi ko inurong ang sarili ko. “Kung iyon ang kailangan para malaman ko ang totoo, tatanggapin ko,” mahina kong sagot. “Pero ‘wag mong isipin na magiging masaya ka habang ginagawa ‘yan. Dahil kahit katawan ko ang makuha mo, hinding-hindi mo makukuha ang pagkatao ko.” Ngumiti siya—ngiti na parang masama ang loob pero mas nasisiyahan pa lalo. “Minsan, Isabella,” mahinang sabi niya, halos kasabay ng dahan-dahan niyang paglapit ng labi niya sa tenga ko, “ang mga taong galit sa akin... sila ang unang bumibigay.” Sumayad ang labi niya sa gilid ng panga ko, isang haplos na mas mahapdi pa sa sampal. Tumindig ang balahibo ko hindi lang sa galit kundi sa tensyong pilit kong nilalabanan. Napakapit ako sa gilid ng mesa, pilit pinatatatag ang sarili. Pero hindi siya tumigil. Lumipat ang kanyang labi sa batok ko, mainit ang bawat hininga, bawat dampi. “Ayoko ng patay na katawan sa kama ko, Isabella. Gusto ko ng apoy. At alam kong meron ka niyon. Gamitin mo kung gusto mong lumaban—pero tandaan mong sa apoy, mas maraming nadadarang kaysa nananalo.” Pagkatapos ng mga salitang ‘yon, lumayo siya. Naglakad pabalik sa kanyang silya at muling naupo na para bang walang nangyari. Binuklat ang papel na kanina pa niya binabasa. “Simulan ko ang imbestigasyon bukas,” mariin niyang sabi. “Pero ngayong gabi—” Napatingin ako sa kanya. Ang boses niya ay parang utos ng Diyos. “Ngayong gabi, matulog ka sa kama ko.” Tahimik akong lumunok. At alam kong tuluyan na akong pumasok sa isang larong hindi ko pwedeng talikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD