ISABELLA'S POV
Pagkatapos kong maglinis ng katawan, tahimik akong pumasok sa silid ni Richard. Walang gaanong ilaw kundi ang mahinang ilaw mula sa lampshade sa tabi ng kama. Pamilyar na ang init ng kwarto niya—parang siya—mainit pero nakababara ng hininga. May lungkot na hindi ko maipaliwanag habang dahan-dahan akong humiga sa kama. Iniayos ko ang kumot, huminga nang malalim, at ipinikit ang mga mata. Wala pa siya. Naririnig ko pa ang malalayong tunog mula sa library sa ibaba. Ang tik-tak ng orasan sa pader ang tanging kasama ko sa bawat segundo ng paghihintay. Tumagilid ako, paharap sa dingding. Tinutok ang sarili sa pakiramdam ng malamig na tela sa balat ko, pilit pinipigil ang takot na unti-unting gumagapang habang ang isip ko'y lumalaban sa kung anong paparating. Ipinikit ko ang mga mata, nagpanggap at nagkunwaring tulog. Kahit ang totoo, bawat kaluskos sa labas ng pinto ay parang palakol na sumusubok wasakin ang huling kapirasong katahimikan sa loob ko. Ilang minuto pa, bumukas ang pinto. Hindi siya nagsalita. Maingat ang bawat hakbang. Hindi niya kailangang magsalita—ramdam ko ang bigat ng presensya niya sa hangin. Dumiretso siya sa banyo dahil narinig ko ang pagbuhos ng tubig. Matagal siyang nagtagal roon. Ilang ulit kong pinilit huwag pansinin ang pag-ikot ng dibdib ko, ang kaba, ang panlalamig ng mga daliri ko kahit nakabalot ako sa makapal na kumot. At hindi ko na namalayan, dahil siguro sa pagod ko sa kakaisip sa mga nangyayari sa akin, nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako ng isang mainit na palad ang dumapo sa pisngi ko. Lamhap ko din ang mabangong amoy ng katawan na malapit sa akin. Lumundo ang kama, isang katotohanan na tumabi na siya sa akin. Humiga ito at naramdaman kong lumapit ang katawan niya sa akin ng marahan. Unti-unting lumiliwanag ang ulirat ko habang bumabalik ang init sa mukha ko—hindi mula sa lamig ng kwarto, kundi mula sa haplos niya. Ipinikit ko pang lalo ang aking mga mata, para akong tuod na pinapakiramdaman ang bawat kilos niya habang nagdudulot ito ng init na hindi ko maipaliwanag na nasa katawan ko. Nang biglang gumalaw ulit ang kama, dumilat ako konti. Umupo pala siya sa gilid ng kama, nakayuko, at ang palad niya'y marahang nakadampi sa pisngi ko—banayad, pero may bigat. Parang sinasalat niya ang isang alaala, o sinusukat kung gaano pa ako kasira. Hindi ako gumalaw. Ayokong sirain ang sandaling iyon. Dahil sa kabila ng lahat, sa kabila ng galit niya at ng mga binitawang salita, ang haplos niya ngayong gabi, parang hindi galit ang laman. May kung anong bagyo sa likod ng mga mata niya habang tinititigan ang mukha ko. Para bang gusto niyang maintindihan kung paanong sa gitna ng lahat ng ito, nandoon pa rin ako. Sa kama niya. Sa loob ng mundo niya. Sa pagitan ng paghihiganti at ng hindi maipaliwanag na ugnayan naming dalawa. Mainit ang hininga niya nang dahan-dahan siyang yumuko, mas lumapit. Ramdam ko ang dulo ng buhok niyang basa pa mula sa shower, tumutulo sa balikat ko. Napatigil ang oras. Nasa pagitan kami ng paghinga at pagkahulog.
"Isabella…open your eyes love” bulong niya, mababa, halos hindi ko narinig—pero sapat para gumuhit sa balat ko ang bawat letra ng pangalan ko sa labi niya, ang pagtawag ni sa akin ng love? Ang pangalan kong ilang ulit niyang binigkas sa galit noon, ngayon ay tila dasal sa pagitan ng kanyang hininga. Mainit. Mabigat. Mapanlikha ng gulo sa puso.
Hindi ko na rin alam kung anong tama o mali sa sandaling ‘yon. Basta ang alam ko, nang tumagilid siya at lumapit, parang natunaw ang lahat ng rehas sa paligid ko. Ang galit, ang sakit, ang takot—lahat, parang biglang naging malayo. Unti unting bumaba ang labi nito and he claimed my lips. Para akong naestatwa sa pagdaop ng aming mga labi Nanigas ang katawan ko—hindi dahil sa kaba, kundi dahil hindi pa kailanman ako nahalikan ng ganoon. Si Richard ang una. At sa unang pagkakataon, naramdaman kong parang may puwang sa dibdib kong kay tagal nang sarado. Mainit ang halik niya. Malambot, pero may lalim—parang kinukwestyon ang lahat ng depensa ko. Parang halik na kay tagal niyang inipon, inipon hanggang sa hindi na niya kayang pigilan. Napatigil ako sa paghinga. Lahat ng ingay sa labas ay nawala. Lahat ng sakit, ng galit, ng takot… napalitan ng init na parang nakakalasing.
Naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa baywang ko, dahan-dahang humihigpit. Hindi marahas. Hindi mapang-angkin. Kundi parang—parang hindi siya sigurado kung may karapatan pa siyang hawakan ako. Napasinghap ako ng magsimulang maglakbay ang kanyang kamay sa katawan ko habang dumausdos ang mga labi niya pababa sa aking pisngi, sa baba, sa leeg—at doon ako nagsimulang huminga nang mas mabilis. Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa bewang ko, dahan-dahang gumagapang sa balat kong noon lang muling nadaplisan ng pag-aalaga. At doon…
Napapikit ako.
Hindi dahil sa sarap—kundi sa takot.
Hindi dahil sa pagnanasa—kundi sa kirot.
Kirot ng lahat ng nangyari.
Kirot ng lahat ng nawala.
Kirot ng hindi ko na maalala kung kailan ako huling tiningnan ng isang tao nang walang galit, kundi pag-aalala. At unti-unti, isang luha ang bumagsak mula sa sulok ng mata ko. Sinundan ito ng isa pa. Hanggang sa ramdam ko na ang basa sa gilid ng pisngi ko.
Hindi ako umiyak ng malakas hindi ako nagsalita. Tahimik lang pero sapat na para mapansin ni Richard.
Natigilan siya. Ramdam ko ang pagkalas ng init niya mula sa leeg ko, ang marahang pag-angat ng katawan niya, ang biglang pagtigil ng kanyang mga kamay. Dumilat ako, at nagtama ang paningin namin. Nakita ko sa mga mata niya ang pagkabigla—at higit sa lahat, ang pagkabahala.
“ Isabella…” bulong niya ulit, pero ngayong may halong pagkalito at panlulumo. Hindi ako umimik parin,pero patuloy ang pagluha ko. Bakit ganito ang nangyari sa buhay ko, bakit kinailangan kong harapin ang ganitong sitwasyon.
Hindi ko na napigilan.Pumikit akong muli, mas mariin. Hindi para itago ang luha, kundi para takasan ang katotohanan. Naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. Ilang sandali namayani ang katahimikan. Naramdaman kong yumakap siya sa likod ko.
"Stop crying. You sleep" hindi ko alam kung may tigas at iritasyon ang boses nito na bumulong sa tenga ko. Hindi parin ako umimik pero naramdaman kong gumalaw siya, pinaharap niya ako sa kanya. Nakapikit parin ako, ayaw ko siyang tignan baka ipagkanulo ako ng aking mga mata dahil sa damdamin na namumuo sa puso ko. Hinawakan niya ang ulo ko at pinaunan sa kanyang braso. Naramdaman kong mahigpit niya akong niyakap at hinalikan ang tuktuk ng ulo ko habang haplos ang buhok ko. Tumigil na ang pagluha ko, parang may sariling gamot ang kanyang kamay na patuloy na humahaplos sa buhok ko, it brings calm and peace sa kaibuturan ng puso ko. Para akong hinehele sa duyan at hindi ko na napigilan ang aking antok. Pero bago ako nilamon ng aking anto, naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa noo ko, tapos bumaba sa labi ko bago bumulong
"I'm sorry"
"