ISABELLA'S POV
Nagising akong mag-isa. Pero bago ako nagmulat ng mata, pinakiramdaman ko muna kung may kasama pa ako sa kwarto bago tuluyang iminulat ang aking mata. Ang lamig ng kama ay muling bumalot sa aking sarili at napakunot noo ako ng iniikot ko ang aking tingin sa loob ng silid--wala na ako sa silid ni Gov, narito na ako sa silid na ginagamit ko. Paanong napunta ako dito? Siya ba ang naglagay sa akin dito sa silid ko? Napasabunot ako ng aking ulo, malamang siya dahil wala namang iba na alam na doon ako sa silid niya natulog. Umupo ako sa kama at tumitig sa kawalan. Wala ring bakas ng presensiya niya kundi ang konting amoy ng sabon na naaamoy ko pa sa aking damit, parang dumikit ang kanyang amoy kagabi sa akin. Hawak ang dulo ng kumot, ibinalot ko iyon sa sarili ko, parang proteksiyon laban sa hindi ko maintindihang lungkot na gumagapang sa dibdib ko. Pagkababa ko sa hagdan, sinalubong ako ni Nanay Sela sa may dining area. Nasa mesa na ang agahan—mainit pa. Ngunit bago pa ako makaupo, nagsalita na siya.
“Anak, bumaba ka na pala. Mag-agahan ka muna. Sabi ni Gobernador, dadaanan ka niya mamayang hapon kaya maghanda ka raw.” Napatingin ako kay Nanay Sela. Walang emosyon ang mukha niya, pero parang may bigat sa bawat salitang binibitawan niya.
“Maghanda?” tanong ko, mahina, halos pabulong.
Tumango siya. “Hindi niya sinabi kung saan kayo pupunta. Basta ‘yun ang bilin niya bago siya umalis. At ito…” Inabot niya sa akin ang isang paper bag na kulay cream, may manipis na ribbon sa hawakan.
“Iniwan niya ‘to para sa’yo.”
Tahimik ko iyong tinanggap. Hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko. Duda? Takot? O isang kakaibang pag-asang ayokong patulan? Nag-almusal ako kahit wala sa sarili. Kutsara, tinidor, tinapay—lahat iyon ay mekanikal kong inatake habang lumilipad ang isip ko sa kung saan-saan. Hanggang sa hindi ko na matiis ang kuryosidad. Pagkatapos kong kumain, agad akong umakyat muli sa silid. Pagdating sa taas, naupo ako sa gilid ng kama at binuksan ang paper bag. Sa loob ay may isang puting kahon. Maingat ko itong binuksan, at sa loob nito ay isang bagong cellphone. Modern, sleek, at tila mamahalin. Napalunok ako.
Hindi ko alam kung regalong may kahulugan o tanikalang pinapabango para hindi ko maramdaman ang pagkakakulong. Dahan-dahan ko itong binuksan. Pagka-on ng screen, agad kong napansin ang isang notification sa inbox.
1 New Message
Hesitante akong pinindot iyon.
“ I had to leave early. May pupuntahan tayo mamaya. Be ready by 2pm. I’ll come for you. —R.”
Napapikit ako. Hindi ko alam kung bakit may kung anong kilig at kaba ang sabay na sumiksik sa puso ko. Pamilyar na ang ganitong timpla. Gustong umasa ang puso ko na may mainit pero nakapaso, malambing pero may tinatagong banta sa kanyang mensahe.
Pinagmasdan ko ang cellphone sa aking palad. Alam kong sa bawat kilos ng Gobernador, laging may dahilan. Laging may plano. At kung may inihahanda siyang pupuntahan namin ngayong hapon, tiyak, hindi iyon basta-basta. Sa ngayon, may oras pa ako. Pero hindi ko alam kung para saan. Para maghanda sa lakad o para maghanda sa susunod na pagsubok.
Ang alam ko lang, ang bagong umagang ito, hindi ordinaryo at sa bagong cellphone na ito baka dito magsimula ang panibagong panibagong bitag na gagamitin na naman niya sa akin para sa kanyang paghihiganti sa tatay ko.
Nakatitig pa rin ako sa screen ng bagong cellphone nang bigla itong nag-vibrate, sinundan ng matalim na tunog ng ringtone.
Incoming Call
Napasinghap ako. Tumibok nang mabilis ang dibdib ko. Walang kasamang pangalan ang caller ID kundi ang numero lang na naka-default sa bagong device. Pero alam kong siya iyon. Ramdam ng buong sistema ko ang presensya niya—kahit boses pa lang. Nakatitig lang ako, parang ayaw gumalaw ng sistema ko para sagutin ito, magkahalong takot, kaba, at munting saya ang nakapaloob sa akin. Hindi ko alam pero kagabi, bigla akong nagkaroon ng damdamin noong yakap niya ako, parang napaka peaceful ng aking isip sa sandaling iyon. Sa bawat haplos ng kanyang kamay sa buhok ko, unti unting nagkakaroon ng munting pag-asa ang puso ko na may konting natitirang kabaitan parin ang gobernador. Dahan-dahan kong sinagot ang tawag. Hindi ako agad nagsalita dahil hinihintay ko kung anong uri ng Richard Montevista ang nasa kabilang linya ngayon.
“Ang bagal mong sumagot,” malamig niyang bungad. Hindi ako agad nakakibo. Iniiwasan kong ipakitang kinabahan ako pero alam kong kahit anong gawin ko, nararamdaman pa rin niya iyon—dahil palagi siyang nauuna sa lahat ng galaw ko.
“ah hindi ko kasi alam ang…” bulong ko, mahina.
“Anong ginagawa mo?” tanong niya diretso. Walang halong lambing at wala ring interes sa sagot ko sa unang tanong niya—gusto lang niyang marinig ang boses ko, o siguro gusto niyang siguraduhing sinunod ko ang iniutos niya.
“Nasa taas. Binuksan ko lang itong cellphone.”
“Tingnan mo kung may problema ‘yan. Pag may sira, sabihin mo agad. Ayoko ng palyado na gamit.” May diin ang bawat salita niya parang walang espasyo para sa palusot o aberya.
“Okay naman po…bakit kailangan niyo pa akong bigyan ng cellphone” napabulong ulit ako. Ang sarili kong boses parang hindi ko kilala. Laging maliit. Laging nag-aalangan.
“‘Po’?” ulit niya na matigas at seryoso ang tono nito. Na imagine ko na naman ang pagkakunot ng noo niya habang nakatitig sa akin na parang lalamunin niya ako.
“Paggalang lang po--”
"Damn it! Are you testing my patience Isabella?" eto na naman ang galit na galit niyang tono, parang dumadagundong na naman na galing sa kataas taasang parte ng kanyang kaharian. Napakagat ako sa labi, gusto kong ngumiti dahil nakakaganti din ako sa pagsigaw sigaw niya sa akin.
"Matanda po kayo sa akin ng ilang taon, kaya kailangan po kitang galangin at---" naputol ang pagsasalita ko ng makarinig ako ng isang bagay na naibato sa kabilang linya. Napakagat ako ng aking labi dahil sa tinitimpi kong tawa. Sige, magalit ka ng magalit, tignan natin kong sino ang maatake ngayon dahil sa init ng ulo mo! Narinig ko ang paglangitngit ng upuan sa kabila ng linya, kasabay ng biglaang paghinga niya na parang sinasakal ng sarili niyang galit. Ilang segundo lang ‘yon pero sapat na para maramdaman ko ang tensyon mula sa kabilang dulo ng telepono—at umakyat iyon sa batok ko.
“Isa…bella,” aniya, pabulong pero puno ng banta. “Don’t push me. You don’t want to see what happens when I finally lose it.”
Napatitig ako sa cellphone, para bang tumagos ang tingin niya mula sa kabilang linya at binanatan na ako ng suntok sa leeg.
“Ayokong makita, pero kayo yata ang gustong magpasilip eh,” sagot ko ng mahina pero malinaw. Matigas ang tono ko pero nanatiling kalmado, gaya ng sinabi sa’kin dati ng tatay ko—Kung gusto mong pikonin ang leon, wag mong sigawan. Tumawa ka habang may ngipin ka pa.
Tahimik siya. Delikado ang ganung katahimikan. Parang bagyong umaambang sumabog. Nang magsalita ulit siya, malamig ang boses niya, parang bakal na dumidikit sa balat sa madaling-araw.
“Is that how you talk to me now?” bulong niya. “You think because I gave you a damn cellphone, you can just mouth off like that?”
“Hindi ko po kayo sinigawan. Nagpo-po pa nga po ako.” Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ang tapang na ‘to. Siguro dahil unang beses kong maramdaman na may control din pala ako kahit konti.
“Alam mo kung anong problema sa’yo, Isabella?” Hindi na siya humihinga ng maayos. Parang hinahabol ang sarili niyang pasensya. “Masyado mong ginagawang laro ‘to. You think I’m just some monster na puwede mong asarin, pukawin, paikutin? You think you’re the only one who knows how to play?”
“Hindi ko po sinabi ‘yon.” Mahina ang boses ko pero diretso. “Kayo lang po ang laging nagagalit. Ako po… sumasagot lang.”
May tunog ng pagbagsak ng papel, parang may ibinagsak siya sa mesa. Baka ‘yung documents niya o di kaya baka baso. Hindi ko alam—hindi ko rin inaalis ang cellphone sa tenga ko.
“You’re really playing with fire.” Aninag ko ang pagngangalit ng bagang niya kahit hindi ko siya kaharap. “At sa oras na sumabog ako, wala ka nang ligtas, Isabella.”
“Bakit po? Ikukulong niyo ulit ako?” Tanong ko. “Kukuha kayo ng sundalo para ibalik ako sa kwarto? Kakandaduhan niyo ulit ang pinto? Go ahead, Governor. Masanay na po tayo pareho.”
"No, love, I won't do that again.” Bumaba ang boses niya. May himig na mapanlinlang at matalim. May halong init na hindi ko mawari kung galit ba o may iba na.
“I'll punish you,” dugtong niya, mabagal, para bang nilalasahan ang bawat salita. “Not with chains, not with doors. But with something far more intimate.” Napalunok ako. Hindi ko alam kung dahil sa kaba, o dahil sa init ng mga salitang sinambit niya.
“Until I hear you scream my name,” bulong niya, halos pabulong pero parang dagundong sa tenga ko. “Over and over again… not in fear, Isabella. But in something you’ll beg for.”
Napaatras ako ng kaunti. Hindi dahil sa takot. Hindi rin ako sigurado kung dahil sa hiya o sa nakakakiliting galit na unti-unting gumagapang sa batok ko.
“Ang kapal talaga ng mukha niyo,” bulong ko, pero hindi ko alam kung siya ba ang kinakausap ko o ang sarili ko. “Akala niyo ba matatakot ako Governor Richard Montevista”
“Hindi ko kailangan manghula kung anong reaksyon mo, Isabella. Alam kong gusto mo rin,” tugon niya, malamig na parang yelo pero may apoy sa ilalim. “You're just too proud to admit it.”
Napalunok ulit ako. Parang nanuyo ang lalamunan ko. Bigla itong tumahimik sa kabilang linya. Maya't maya pa ay
“May suot ka ba ngayon?” tanong niya, kaswal pero malalim ang tinig.
Nanlaki ang mata ko. Aba't talagang may kabastosan ang gobernador na ito ah!
“Ano?”
“Don’t lie to me,” sabi niya. “I can imagine you right now—nakaupo sa kama, hawak ang phone, kagagaling mo lang sa banyo, basa pa ang buhok mo. Naka-oversized shirt… o wala?”
“Bastos!…” galit kong sigaw dito. Narinig kong tumawa ito ng malakas.
“Hindi ako bastos, Isabella. Sinungaling lang ako minsan. At madalas akong walang preno pag gusto ko na ang isang bagay.”
Biglang humina ang boses niya, pero lalong naging nakakakilabot.
“At sa ngayon… ikaw ang gusto ko.”
Hindi ako makapagsalita. Uminit ang mukha ko, pero hindi ko mawari kung dahil sa hiya, o dahil sa—
“Sorry po, Governor. Pero hindi ako laruan,” sagot ko, mababa ang boses pero matatag. “Kahit hawak mo ang buhay ko at buhay ng tatay ko ngayon, hindi niyo ako basta pwedeng paglaruan.”
Sandaling katahimikan.
“Tama ka,” sagot niya sa wakas. “Hindi kita laruan. Pero akin ka pa rin.”
Bago pa ako makasagot, narinig ko ang click—binaba na niya ang tawag. Muntik ko nang ihagis ang telepono sa kama sa inis, pero napapikit na lang ako ng mariin.
“Bwisit na Governor ‘yon…” bulong ko sa sarili.
“Pero bakit parang ako ang natatalo?”