ISABELLA'S POV
Kinabukasan…
Maagang sumikat ang araw, ngunit wala ni isang sinag ng liwanag ang nakapasok sa kwartong iyon. Makapal ang kurtina, malamig ang hangin mula sa aircon, at tahimik ang buong paligid—isang uri ng katahimikan na mas nakakatakot kaysa sa sigawan ng galit. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama, hindi pa rin gumagalaw mula pa kagabi. Sobrang bigat ng katawan ko, parang bawat kilos ay may tanikala. Kumusta na kaya si tatay? Ano na kaya ang ginawa nila sa ama ko? Bakit ganito ang naging bunga ng kanyang pagmamalasakit sa mga Montevista--kay Sir Danilo. Mabait ang matandang Congressman, kahit ang asawa nito kaya kapag umuuwi sa resthouse, hindi niya nakakalimutan na magdala ng pasalubong sa akin. Wala daw silang anak na babae, puros tatlong mga lalaki kaya parang anak na rin ang turing sa akin. Minsan nga noong pumunta ang pamilya niya sa resthouse, sa kwarto ng matandang babae ako natutulog dahil gustong gusto niya akong kasama na hindi naman tinutulan ni sir Danilo. Dahil doon, nagkaroon ako ng conclusion na lahat ng miyembro ng pamilya nila--kasama ang gobernador, ay kasingbait ng mag-asawa. Ngunit nagkamali pala ako, dahil kung gaano kabait ang mga magulang--siya namang ka demonyo ang anak nitong panganay. Hindi ko siya masisisi dahil nawalan ito ng ama, ngunit sana manlang , bigyan niya ng pagkakataon ang tatay ko, at ako na linisin ang pangalan namin, hindi sa ganitong paraan. Napapikit ako na gumamot sa pisngi ko noong unang beses na dinala ako ng gobernador dito. Pumasok it, may dalang tray na puno ng pagkain—mainit pa ang sabaw, may tinapay, kanin, at ulam. May kasamang juice at tubig. Nakasuot siya ng maayos na uniporme, halatang may mataas na posisyon sa loob ng bahay. Siya siguro ang mayordoma.
"Isabella,” mahinahon niyang tawag. “Kumain ka. Hindi mo pwedeng gutumin ang sarili mo.” saad nito na pilit ngumiti sa akin. Hindi ako sumagot at hindi ko rin tiningnan ang hawak nito dahil akong balak kumain.
“Alam ko mahirap ang sitwasyon mo ngayon,” patuloy niya, inilapag ang tray sa maliit na mesa malapit sa kama. “Pero hindi mo masosolusyonan ang lahat kung magugutom ka” patuloy nito. Nanatili pa rin akong tahimik. Ang sigmura ko’y kumakalam, pero mas matindi ang sama ng loob ko—sa mundo, sa kapitbahay naming nagtaksil, sa gobernador, at sa sarili kong kahinaan. Hindi ako magpapakain sa bahay ng lalaking iyon. Hindi ko kayang lunukin ang pagkaing galing sa kanyang bulok na yaman. Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ang mayordoma. Naiwan akong mag-isa muli sa kwartong iyon—ang tray ng pagkain ay hindi ko man lang tinabihan. Maghapon akong nakaupo lang sa kung saan ako kaninang umaga, dalawang beses ng pumasok ang mayordoma ngunit hindi parin ako kumain at tuminag sa kinauupuan ko. Hindi ko na rin pinag aksayahan na tignan ito kapag pumapasok siya sa silid. Gabi na pero nandoon pa rin ang mga tray ng pagkain. Hindi ko pa rin ginalaw. Nanunuyo na ang lalamunan ko, pero pinilit kong tiisin. Kung kailangan kong magutom para lang ipakita na hindi ako bibigay, gagawin ko. Hanggang sa… bumukas muli ang pinto. Hindi ako lumingon kahit tahimik at walang ingay ng hakbang ng kung sino man ang taong pumasok.
"You're starving yourself now?" malamig ang tono niya, pero hindi na kasing sigaw ng kagabi. "Is this your idea of rebellion?"
Dahan-dahan akong napalingon. Nakatayo siya sa may pintuan, nakasuot ng itim na long sleeve shirt, nakabukas ang ilang butones, kitang-kita ang tensyon sa kanyang leeg. Ang mga mata niya—madilim, punong-puno ng galit at pagkagusto. Hindi ako sumagot, ibinalik ko ulit ang aking tingin sa kawalan. Narinig ko ang kanyang mga yabag na papalapit sa akin. Nang nasa harapan ko na siya ay marahas niyang hinawakan ang mukha ko. Pilit niyang hinuhuli ang mata ko na parang hayop na pinagkakaitan ng laruan. Tiningnan niya ang tray sa mesa, saka ako tinitigan.
"Eat, Isabella."
Umiling ako. "Hindi ko kailangan ang awa mo. At hindi kita kailangan."
Napatigil siya at napangisi ng mapait. Tumango-tango, tapos biglang naglakad papunta sa mesa. Dinampot niya ang tray, at sa isang iglap—binagsak niya ito sa sahig. Nagulat ako na napatingin sa mga kumalat sa sahit na pagkain. Tumalsik ang juice at basag ang baso. Bigla akong kinilabutan, ito ang unang makasalamuha ako ng taong parang leon kung magalit.
"Good," aniya, mababa ang tinig. "Then we’re both clear that survival is not your priority."
Lumapit siya sa akin ng mabilis. Hinawakan niya ang magkabilang braso ko, madiin. Napaigik ako.
"Ayaw mong kumain? Ayaw mong makinig? Fine. Gutumin ka. Takutin ka. Saktan ka. Pero isang bagay lang ang ayaw kong gawin..."
Napapitlag ako nang bigla niyang ipatong ang noo niya sa noo ko. Malalim ang hininga niya. at parang nilalabanan ang sarili.
"...ay ang kalimutan kung gaano kita gustong sirain."
Napasinghap ako. Anong ibig niyang sabihin? Sirain? Gustuhin?
"Demonyo…" mahina ngunit punong puno ng galit kong bulong. Ngumisi siya at binigyan niya ako ng isang pilit na ngiti.
"Yes, Isabella. I am the monster under your bed… the nightmare you ran from."
"Anong gusto mo sa akin, ha?!"
"To make you understand," pabulong niyang sagot. "That you are mine, whether you accept it or not--ikaw ang magbabayad sa ginawa ng tatay mo sa ama ko!." Bigla siyang kumalas, bumalik sa pinto, at bago lumabas—lumingon siya.
"Hanggang bukas ng umaga. If you still don’t eat… I’ll make sure I’m the one feeding you."
Tumindig ang balahibo ko. Hindi dahil sa banta, kundi sa posibilidad na kaya niyang tuparin ito. Paglabas niya, muling nagsara ang pinto. Ang tunog ng lock ay parang kulong sa sarili kong bangungot.Hindi ko alam kung bukas makakaya ko pa ang lahat ng ito.
Pagkalabas ni Richard Montevista ng kanyang huling linya, hindi ko mapigilang manlumo sa bigat ng banta niya. Pero sa halip na umiyak, pinilit kong lakasan ang loob ko. Kailangan kong maging matatag para kay Tatay, hindi ko siya mabibigyan ng hustisya kung wala akong gagawin, kung magpapadala ako ng takot sa demonyong Montevista. Ikinuyom ko ang aking mga kamay dhail sa galit at poot ko dito. Tay, lahat gagawin ko para makalaya kayo! Pangako tay, ipapanalo ko ito! Tumayo ako sa gitna ng kwarto, pinagmamasdan ang kumalat na pagkain sa sahig. Mainit pa ang sabaw. Napaigtad ako ng bumukas ulit ang pinto ngunit iniluwa doon ang isang kasing edad ko lang na katulong. May bitbit na namang tray ng pagkain. Halata sa mata nito ang pagkagulat sa nabungaran niyang kalat sa loob ng silid.
"Ma'am pinadala ulit ni Gov. Kumain na raw ho kayo, kung hindi daw po kayo kakain, walang kakain sa aming mga tauhan dito sa bahay" magalang nitong sabi. Naikuyom ko ulit ang aking mga kamay, talagang walang kasing sama ang lalaking iyon, idadamay pa niya ang mga inosenteng tao dito para lang mapasunod niya ako.
"Ilapag mo nalang diyan. Pwede bang makahingi ng dustpan at walis?" sabi ko dito. Nakuha niya siguro ang gusto kong gawin kaya taranta itong umalis saglit, nang bumalik ay may hawak na ng pinakukuha ko. Akala ko ibibigay niya sa akin ngunit siya na ang nagsimulang maglinis ng kalat.
"Iwan mo nalang diyan, ako na ang maglilinis" sabi ko pero umiling lang ito.
"Ako na po ma'am, bisita po kayo ni Gov. Baka mas lalo lang iinit ang ulo niya kapag nalaman niyang pinaglinis ko po kayo. Kumain nalang po kayo ma'am" pilit itong ngumiti sa akin habang naglilinis. Hindi na ako kumibo, bagkus ay pinanood ko lang siyang naglilinis. Nang matapos ito ay tumingin siya sa akin at sa tray na nasa lamesa.
"Kumain ka na po ma'am--kailangan ko pong ibalik ang tray sa labas po, iyon kasi ang bilin ni Gov" alanganin nitong sabi. Pero umiling ako.
"Hindi ako kakain--hindi ako gutom. Pwede ka ng lumabas" saad ko. Wala siyang nagawa kundi sundin ang utos ko. Galit ako, galit na galit sa Montevistang demonyo. Bakit kailangan pa niyang gamitin ang mga tao sa bahay niya para pasunurin ako. Pagkaraan ng ilang oras, nakita ko na naman ang bulto niya sa may pintuan. Walang emosyon ang mukha nito, sa halip, may kakaibang katahimikan sa kilos niy pero mas nakakatakot iyon kaysa sa galit. Tahimik niyang isinara ang pinto at lumakad papalapit sa akin.
“Hindi ka pa rin kumain,” aniya habang tinatanggal ang suot niyang coat, isinabit iyon sa upuan. "Matigas ka talaga."
Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa kanya.
“Gusto mong mamatay sa gutom? Gusto mong magpaka-martir? Go ahead,” he said, folding his sleeves up to his elbows. “Pero kapag tuluyan kang nanghina, tandaan mong wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo.”
“Hindi ako mahina,” mariin kong sabi. “At hindi ako sumusuko tulad ng iniisip mong lahat ng mahirap ay dapat yumuko sa’yo.”
Napangisi siya, pero may bahid ng lalim ang mga mata niya. Lumapit siya sa mesa, naupo, at tumingin sa akin. “Hindi ko sinabing mahina ka. In fact, matagal ko nang alam na palaban ka, Isabella. At kung hindi ka kakain, hindi ka matutulog, hindi ka susunod—then I’ll make you.”
“Bakit napakasama mo?” tinanong ko, mariin, diretso. “Anong meron sa akin na kailangan mong sirain? Ilang ulit ko bang sasabihin sayo, na hindi magagawa ng tatay ko na patayin si Sir Danilo?! galit kong sigaw. Bigla siyang tumahimik. Ang mga mata niya ay parang nabasag—na para bang may sandaling lumitaw ang sugat sa loob.
“Pinatay niya ang ama ko, Isabella.”
“Hindi totoo ‘yan.”
“YOU DON’T KNOW THAT!” sigaw niya, sabay hampas sa mesa. Napaatras ako, pero hindi ko ipinakitang natakot ako. Hindi ngayon.
“Wala ka namang ebidensya!” singhal ko. “Ang lahat ng nasa paligid mo ay sinungaling, takot, at binayaran! Ginagamit mo lang ang galit mo para gawing rason ang pagkawasak ng ibang tao!”
Mabilis siyang lumapit. Hinawakan niya ang braso ko, mas mahigpit ngayon.
“Tumingin ka sa akin,” bulong niya pero galit at mapanganib ang boses nito. “I can destroy everything you love, Isabella. Galit na galit ako sa tatay mo at gusto kitang makita sa lugar na ‘to araw-araw. Gusto kong masaktan ka, gusto kong lunurin ka sa sama ng loob, gusto kong unti unti kitang pinapatay para makita ko ang unti unti ding pagkamatay ng tatay mo!"Binitiwan niya ang braso ko at naglakad palayo.
"Ang sama mo! ang sama sama mo!" galit na galit kong sigaw. Lumingon siya sa akin at pauyam itong tumingin.
"Oo masama ako. So, don't try me, Isabella. You eat at kapag hindi ka kakain, lahat ng tao dito hindi rin kakain!" Naiwan akong tulala sa sinabi niya. Lumapit siya muli, pero hindi na agresibo—mas mabagal, mas magaan. Tiningnan niya ang mukha ko, at mas magaan ang tinig nang muli siyang nagsalita.
"Kung gusto mong lumaban, lumaban ka. Pero wag mong i-underestimate kung hanggang saan ako pwedeng umabot para panatiling ikaw ang bihag ko—dito, sa mundo mong ako ang may gawa.” mariin nitong saad bago siya ulit lumabas sa pinto.