Chapter One
Isabella's pov.
"Tag-ulan na pala, paano ito wala akong dalang payong hapon na din at magagabihan ako sa pag-uwi kung hihintayin ko pa tumigil ang ulan,". Hindi ko na namalayan ang panahon sa kakahanap ko ng trabaho sana kahit isa may tumawag sa akin at sabihing .. congratulations your hired .. pero alam ko darating din tayo dyan self push lang (sabay ngiti)." Sa gitna ng nag-aapurang dilim ay ang pag-sabay din ng malalaking patak ng ulan, nasa isang upuan si Isabella habang nag-aantay ng kanyang masasakyan ng biglang may huminto na isang itim na kotse sa kanyang harapan." pip. pip. sabay baba ng salamin ng kotse, miss madilim na wala ka ng masasakyan ...halika ihahatid na kita." (sabay kindat) ng isang lalaking medyo maitsura pero mas lamang ang kayabangan.
Tinignan nya lang ito at sinabihang may sundo na darating sa kanya. ngunit mapilit ang lalaki kaya napilitan syang mag maldita rito. "sir, hindi nyo ho ako kailangan pilitin dahil kaya ko HO! mag-isa."
Nabigla ang lalaki sa kanyang inasal kaya ito ay umalis na lang. "tss.. ang kulet." nasabi na lang nya sa kanyang sarili.
Maya-maya pa ay tuluyan ng nilamon ng dilim ang buong paligid at medyo lumalamig na rin pero humupa na ang ulan. Tiningnan nya ang kanyang orasan at mag-a-alas syete na pala ng gabi. Tumunog ang kanyang cellphone na nasa kanyang bag, nag-text ang kanyang ina. " Mama: anak nasan ka na gabi na, umuwi ka na muna dito bukas ka na lang ulit humanap ng trabaho at may bisitang nag-hihintay sayo dito sa bahay. " Bisita? nasabi nya sa isip. Ibinalik na nya ang kanyang cellphone sa kanyang bag sakto naman na may papadaan na jeep sa kanyang harapan.
Pag-dating nya sa kanilang bahay ay agad na may napansin syang kotse na nakaparada sa tapat ng kanilang tahanan. Nag-tataka man ay agad na rin siyang nagmadaling pumasok sa bahay dahil pumapatak nanaman ang ulan. Pagkabukas nya ng pinto ay rinig nya agad ang tawanan ang malalakas na mga salita mula sa kanilang sala, agad niya naman itong tinungo at laking gulat nya ng makilala kung sino ang kanilang bisita na kanina pa nag-aantay sa kanya. "oh!, anak nandyan ka na pala, tignan mo kung sino ang nandito ngayon sa bahay natin". Halos hindi sya makagalaw at lalo pang nabigla ng lumingon sa kanya ang isang gwapo, maputi at may magandang tindig na lalaking kanilang bisita. "anak, natulala ka na dyan,!". Natawa naman ang kanyang mga magulang. "i.. ikaw .. pala, ka.. .. kamusta?". Pautal utal niyang sabi sa kanilang bisita". Ngunit bago pa man sumagot ang lalaki ay pinutol ito ng kanyang ina. "anak mabuti pa mag-palit ka muna ng damit sa taas at kakain na tayo pag-baba mo". Phew!!.. sabi ng kanyang isip. "sige po aakyat muna ako sa kwarto para magbihis. Umalis sya ng hindi manlang tinatapunan ng tingin ang lalaki.
Pag pasok nya sa kanyang kwarto at agad nya itong isinara at parang hinang hina at naupo sa kanyang kama. " s**t! Isa gumising ka,..! .sabay tapik sa kanyang mukha. Napangiti sya bigla habang tinititigan ang sarili sa salamin. Magka halong tuwa at lakas ang ngayon ay kanyang nararamdaman. Kay tagal din niyang inasam na makita ang lalaking nuon pa man ay nagpapasaya sa kanya, nag-papagaan ng kanyang problema at higit sa lahat ang pinaka mamahal nya. Nag-bihis na sya at exited na bumama sa kanilang sala. Naabutan nyang dalawa nalang ang nasa sala ang kanyang ama at si HARRI. Tinanong nya kung nasan ang kanyang ina at sinabing nasa kusina. Agad syang nagpaalam st sinabing tutulungan nya itong mag hain ng pagkain.
Sa harap ng hapag. Masaya silang nag kukwentuhan at nagtatawanan habang binabalikan ang kanilang mga nakaraan nuong bata pa silang dalawa. "oh! anak naaalala mo pa noon habang nasa talyer tayo punong puno kayong dalawa ni harri ng grasa dahil sa mga kalokohan nyo.. hahaha!!". Ani ng kanyang ama. Natawa naman si harri at sinabing " oo, nga ikaw kasi nakikipag agawan ka pa sakin ng tools, eh hindi naman para sa babae ang trabahong iyon". At sabay silang nagtatawanan. Nakatitig lamang si Isa kay Harri habang tumatawa ito at pakiramdam nya ay para sa syang nakalutang sa himpapawid.
Matapos ang kanilang masayang hapunan ay nagpaalam na si harri sa kanila upang umuwi sa kanilang mansyon. Hindi agad makatulog si isa habang dumadaan ang bawat oras na nakahiga siya sa kaniyang kama. Sobrang saya nya at tulad ng dati ay parang pinawi nanaman ni harri ang lahat ng lungkot, hirap at problema na dinaranas nya.
Bukas ay balak nyang bisitahin si harri sa kanilang mansyon para sabihin at ipagtapat ang matagal na niyang kinikimkim na pag-ibig sa kababata. Kinabukasan ay maaga siyang nagising at nagluto ng kanilang agahan. "good, morning ma!". Bati niya sa kanyang ina na kagigising pa lamang. "good morning nak!.. oh ang aga mo yata nagising at magluto.. mukhang masarap ang tulog ng anak ko ah!". Napangiti na lang sya sa sinabi ng ina dahil totoo naman, maganda ang araw na to para sa kanya at sobrang exited na syang puntahan si harri sa kanilang tahanan. Pagkatapos magluto ay agad niyang inihanda ang pagkain at nang gumising na rin ang kanyang ama ay nagsimula na silang kumain. Matapos ng kanilang agahan ay agad na nagtungo si Isa sa kaniyang kwarto upang maligo ang mag handa. Inihanda nya rin ang ulam na niluto niya para kay harri dahil nuong nasa high school pa lamang sila at paborito ito ni harri at sabay silang kumakain. Napangiti nanaman siya ng maalala ang mga panahong iyon at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
.....
Isabella Madrigal 26yo. Yan ang tunay na pangalan ko, nagiisang anak ng mama't papa ko. Graduate na ako bilang isang guro sa isang Public University. Pero bakit hangang ngayon ay wala parin akong trabaho bilang guro?? ewan ko din ba basta pagka graduate nawalan ako ng gana, biglang ayoko na. Naisip ko kasi baka hindi ko kaya, kaya ito nag a apply nalang ako sa iba't ibang klase ng trabaho. Meron din namang negosyo ang mama't papa ko, meron kaming isang malaking talyer na nag aayos ng mga sasakyan.
......
Napakaganda ng araw kasabay nito ang ganda ng ngiting sumisilay sa mukha ni Isabella. Nakatayo siya sa isang waiting shed upang mag antay ng masasakyan. Habang nag aantay sya ay marami syang naiisip tulad ng .. "ano kaya ang mararamdaman nya pag sinabi kong gusto ko sya?? pakiramdam ko naman ay mukhang magigibg maganda ang araw ko na to ayyss.. kimikilig talaga ako." Nagmumukha mang timang ay di nya mapigilan ang ngumiti dahil sa saya.
Nang makababa na sya sa jeep ay agad siyang nagtungo sa isang private subdivision dahil doon nakatira ang lalaking sinisigaw ng puso nya. Habang naglalakad si Isabella ay naguumapaw sya sa saya.
"good morning ma'am, " Bati sa kanya ng security guard. "good morning din kuya!". Bati nya dito. "mukhang maganda ang araw mo ah! pupunta ka ba kila sir Harri?". Tanong nito. "oo kuya, may dadalhin lang ako sa kanya". Sabay taas ng dala niyang ulam. " sakto ma'am di pa ata siya lumalabas". Binuksan ni manong guard ang gate saka siya pinapasok.
Habang papalapit si Isabella at pabilis ng pabilis ang tibig ng kanyang puso. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid ng mansyon, "halos ilang taon na pala akong hindi nakakapunga rito, pero tulad parin ng dati walang nagbago". Sabi nya sa sarili. "oh! Manong, antoy (hardinero) kamusta na ho kayo?" Tumayo ang hardinero at lumapit sa kanya.
"ayos lang ako iha ikaw kamusta ka na, ang mama't papa mo?. sagot sa kanya. " ok naman po kami maayos din ang lagay nila mama't papa .. dumalaw ho sana kayo minsan sa bahay at makapag kwentuhan tayo" Masaya nyang sabi dito. " oo naman iha! dadalaw ako basta matapos lang ako dito sa ginagawa ko".
Matapos mag-usap ay agad na nag-paalam si Isabella para puntahan si Harrison. Habang papalapit ay may naririnig siyang parang mga batang naglalaro at masayang nagtatakbuhan. Kumatok siya sa pinto at maya-maya pa ay nag-bukas ito.
"Isabella!!" Pagulat na sigaw ng matandang babae na nagbukas ng pinto. "manang mildred,!!". Balik nyang bati dito. "kamusta na iha? dalagang dalaga ka na talaga,.. siguro may anak ka na?. Masayang tanong nito. Si manag mildred ay matandang mayordoma ng bahay at pinakamatagal na naninilbihan sa mansyon ng pamilya CORTEZ.
Natawa na lamang sya sa tanong ng matandang kausap. " kayo naman manang, wala pa ho! pero baka soon malay nyo!! .. hahaha". At sabay silang nagtawanan. " manang si harri po ba nandyan?". Itinuro sa kanya kung nasaan si harri at agad nya itong tinungo.
Pag-dating nya sa sala ay may nakita siyang dalawang bata na nag-lalaro , bigla naman silang napatigil nang mapanson na may ibang tao sa kanilang bahay. " who are you?. Tanong ng batang babae sa kanya. Nagtataka man ay sinagot nya ito "hello, my name is Isabella". Ngiti nyang bati dito. Tumingin lamang sa kanya ang bata saka binalik ang tingin sa kanyang nilalaro. Ang isang bata naman tumitig sa kanya saka ito sumigaw ng .. "mommy daddy!!! there is a stranger inside our house!!!". Nagulat na lang sya sa itinuring ng bata ngunit naiintindihan nya ito at natutuwa pa sya rito dahil sa sobrang ka kyutan. Ramdam nya na may papalapit sa gawi nila kaya agad niya naman itong nilingon. Pag-lingon nya ay agad nyang nakita ang mukha ng lalaking nagpapabilis ng t***k ng puso nya.
Lumapit ang mga bata sa lalaki na ipinagtaka nya. "oh! your're here". Ngiting bati nito sa kanya. "ah, oo gusto sana kitang dalawin, ito may dala akong ulam yung paborito nating kainin". Sabay abot kay Harri. "wow thanks, but i already eat .. pero wag ka mag alala dahil kakainin ko din to mamaya". Dinala ni Harri ang pagkain na inabot nya at inilagay sa refrigerator. Bumalik sya subalit meron na itong kasamang babae na inaakbayan nya. Balak na sana nyang sabihin ang ang matagal na nyang tinatagong damdamin ngunit na pipi sya ng makitang hawak ni Harri ang isang magandang babae habang papalapit sa kanya. "omg, you must be Issa!? the bestfriend of my Harri". Nakangiting bati nito sa kanya. "nice to meet you!. Sabay abot ng kamay sa kanya. Hindi sya agad nakagalaw dahil tila ba na blangko ang kanyang utak at hindi na alam ang nangyayare. " mommy, daddy! who is she?. Bigla naman syang napabalik sa reyalidan ng magsalita ang batang babae. Binuhan ni Harri ang bata at sinagot ang tanong nito. "sharyn .. this is tita Isabella my childhood friend". Paliwanag nya rito at tumango tango naman ang bata. "ah yes, im isabella your hu.. husband's friend". Inabot nya ang kamay nito. "oh by the way im Scarlett and this is our twins zhack and shary mae" .Kumaway naman ang dalawa sa kanya. Inaya siyang maupo sa isang soffa para makapag usap. Masaya silang naguusap tungkol sa mga nangyare at mga nakaraan. Maging si issa ay nakikipag tawanan. Subalit sa kanyang loob ay talagang masakit ang kanyang nararamdaman.
Nang matapos ang kanilang kwentuhan ay nagpaalam na si issa upang umalis at sinabing may lalakarin para pero ang totoo ay di nya alam kung saan sya pupunta. Palabas na sana sya ng pintuan ng biglang may nagbukas nito. "hello, BFF im here where are you? wag mo akong taguan". Sabi ng bagong dating na si Benidict sya ang isa pang bff ni Harri. Nang pag pasok nya ay agad nyang napansin si Issa kaya nagulat sya at umiwas kundi ay magkakabangaan sila. Tahimik lang ito at iniiwas ang kanyang mukha. "issa? ikaw ba yan?... ahaha antagal na nating di nagkita ah!. Hindi sumagot si issa kaya nagtaka sya rito at tinignan ang muna ni issa. Agad nyang napansin na parang maiiyak si isa at alam na nya aagad ang dahilan. " ah, ikaw pala ben .. si.. sige mauna na ako nandyan sila sa sala. Agad umalis si Issa sa kanyang harapan at lumabas na ng mansyon..