"Sabio!" ang pagtawag pansin ni Senyorito Pancho, ngunit hindi man lang ito lumingon kahit na nadinig nito ang tinig ng binata. Tuloy tuloy lang sa pagpasok sa loob ng mansiyon si Sabio kahit na naririnig naman nito ang tinig ng Senyoritong pinagsisilbihan. Sa sandaling iyon ay palakad takbo na ang ginawa ni Pancho upang mahabol ang nagmamadaling lalaki. Nakita niya ang pagpasok ni Sabio sa loob ng kwarto nito. "Sabio, sandali lang!" muling sigaw niya ngunit huli na siya ng dating nang tuluyan nang isara ng binata ang pintuan nito. Ngunit ayaw sumuko ni Senyorito Pancho sa sandaling iyon. Kailangan niyang makausap si Sabio. Kung mayroon mang kahulugan ang mga ikinikilos ng binata, kailangan niyang sunggaban ang pagkakataon para makumbinsi si Sabio na tanggapin ang pagtatanging pilit nit

