Kabanata 4

1990 Words
Nagising ako na parang ito na ang pinakapangit na umaga ko sa buong buhay ko. Masakit at mahapdi ang sikmura ko. Ang ulo ko naman ay kumikirot. “Bakit ayaw mo? Hindi mo nga siya kinuha kaya hayaan mo na ako na lang ang mag-hire sa kaniya.” “Adlei, if you do that, you will not hear anything from me.” “Kuya!” “Tone down your voice,” “No need, gising na siya.” Himas-himas ang ulo ay bumangon ako. Nakapikit pa ang isang mata na tinignan ko ang paligid. Lahat ay bago sa paningin ko pero pansin ko na kulay puti ang lahat. Nasa hospital ako? “Amber, masakit pa ba ulo mo? Halika, nagluto si Kuya ng sopas.” Unti-unti kong napagtanto kung nasaan ako. Wala ako sa bahay at nasa isang malaking puting sofa ako ngayon. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Minimalist ang design ng kabuuan. Huminto ang mata ko sa lalaking nakasandal sa hamba ng b****a sa kusina. Nakahalukipkip pa ito habang seryosong nakatingin sa akin. Hindi tulad kahapon ay iba na ang suot niya. Tanging puting shirt at itim na cargo short. “Ah, nandito tayo sa condo ni Kuya. Hindi kasi namin alam kung saan ka ihahatid. Lowbat din kasi ‘yong phone mo kaya hindi namin mahanap kung sino ang nasa emergency contact mo. Don’t worry, ihahatid na lang kita pauwi.” Doon lang naalis ang tingin ko sa kaniya. Tinignan ko si Adlei. “Salamat, pasensiya na sa abala. Ako na lang ang uuwi.” Tumayo ako at hinanap ang ibang gamit ko. Nakakahiya! Ano kayang itsura ko habang natutulog? Talagang nakabalandara ang mukha ko sa kanilang dalawa. Pasimple kong inayos ang buhok habang naghahanap. “Here,” Hindi ko napansin na nasa malapit na si Sir David dala ang bag ko. Alanganin ko pa iyon na kinuha sa kaniya kahit na sa akin naman iyon. “Salamat,” mahinang sabi ko. Hindi pa ako nagto-toothbrush! Baka may maamoy siyang iba. “Uuwi ka na? Kumain ka na muna.” Umiling ako. “Baka… nag-aalala na ang pamilya ko. Salamat at pasensiya na sa abala.” Ang huling sinabi ko ay nakatingin ako kay Sir David. Bahagya lang naman itong tumango sa akin. Hindi niya ako pipilitin na kumain? “Hatid na lang kita sa ibaba,” wika ni Adlei. “Ubusin mo na ‘yong kinakain mo. Ako na ang maghahatid sa kaniya.” Pareho kami ni Adlei na nagulat pero wala rin naman itong nagawa dahil hindi pa nito ubos ang kinakain at medyo hindi rin maayos ang itsura niya dahil tulad ko ay gulo-gulo rin ang buhok at suot nitong damit. Kahit nahihiya ay sumunod na lang ako kay Sir David. Nauna siyang pumasok sa elevator kaya nagtama agad ang tingin namin nang papasok pa lang ako. “Sigurado ka na hindi na muna kakain? Naisuka mo lahat kagabi ng kinain mo.” Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sinabi niya. Nagsuka?! Ako?! “N-Nagsuka ako?” Tinignan niya lang ako bilang sagot pero iyong tingin niya ay nagsasabi na ‘kasasabi ko lang, hindi ba?’ Gusto kong magsumiksik sa gilid ng elevator pero mas magiging weird akong tignan. “Nagkalat ba ako sa bahay mo? Linisin ko!” Ipinasok niya ang dalawang kamay sa bulsa nito bago sumagot. “Sa banyo ka naman nagsuka kaya walang masyadong kalat. Mabuti rin at hindi mo nasukahan ang damit mo. However, I think you got a little bit on your hair.” Inamoy ko ang buhok ko at doon napagtanto na tama nga siya. Shocks! Ginamit ko pa kanina ang unan niya, panigurado ay kumapit doon ang amoy! Ngayon ay maiintindihan ko siya kung sasabihin niya na hindi talaga ako ang tipo niya na babae. Ang dugyot ba naman ng iniwan kong impression sa kaniya. Lagi pa naman sinasabi sa akin ni Gaile na hindi nakakaganda ang pag-inom ng higit sa kaya. Bakit ba ako biglang nalasing? Hindi na ako nagsalita hanggang sa makababa kami. Lumabas din siya hanggang sa sakayan. “Saan ka uuwi?” “Malapit lang, ako na ang bahala… kaya ko nang umuwi. Salamat sa paghatid at pagpapatuloy sa inyo.” Kahit hindi ko alam kung saan papunta ang jeep ay sumakay na agad ako sa una kong nakita. Hindi ko na nagawang lumingon pa dahil sa sobrang kahihiyan. Nahilamos ko ang palad sa mukha dahil para akong kinakatay sa nangyari. Pwede ba na panaginip na lang ito? Pagdating sa bahay ay sinalubong agad ako ni Elvi. Nakadaan ako ng mumurahing burger sa kanto. Masaya naman siya na tinanggap iyon at hindi na nagtanong kung bakit hindi Jollibee ang dala ko. “Saan ka galing? Hindi ka na marunong magpaalam ngayon?” iyon ang bungad sa akin ni Mama. “Kina Gaile lang,” maikling sagot ko. “Na ganiyan ang suot?” Iyong tingin niya ay parang nandidiri sa suot ko. Bumaba rin ang tingin ko sa suot. Mini-skirt na itim at v-shape crop top blouse na kulay puti. “Sa kwarto lang ako.” Pagod ako para pansinin pa ang tanong niya. “Kinakausap pa kita, Amber! Umamin ka nga sa akin, nagpopokpok ka ba?!” Marahas niyang hinila ang braso ko para mapaharap ako sa kaniya. Parang napatid ang natitira kong pagpipigil. Sagad na sagad na ako simula kahapon pa lang at ang gusto na lang ay maglinis ng katawan at maligo. Maging si Elvi na tahimik na kumakain sa lamesa ay naalarma, nabitawan nito ang kinakain na burger sa lamesa. “Anong sagot ba ang gusto mong marinig?” mahinahon ko pa rin na tanong sa kaniya. Nakita ko kung paano magtangis ang ngipin niya sa naging sagot ko. “Siguraduhin mo lang na hindi, Amber. Mahirap tayo pero may dignidad pa rin tayo.” Dignidad? Kung alam mo lang mama ang mga ginagawa ko para lang makaahon kami sa kahirapan. Binitawan niya ako at dumiretso na sa labas. Lumapit naman sa akin si Elvi na nag-aalalang niyakap ako. “Ubusin mo na burger mo. Maliligo lang si Ate tapos ay sasamahan kita na matulog.” Naligo ako at nagpahinga na katabi si Elvi. Akala ko makakatulog ako sa oras na lumapat ang likod ko sa higaan pero hindi pala. Ibang klase ng pagod pala ang nararamdaman ko. Iyong pagod na hindi ko alam kung paano ako magpapahinga. Hanggang sa sumapit ang hapon ay hindi ako lumabas ng kwarto. Ikinulong ko lang ang sarili ko. Kahit na tinatawag ako ni Mama para kumain ay hindi ako lumabas, lalo na at narinig ko na nagwawala si Papa dahil lasing ito. Sinigurado ko na lang na pagtapos kumain ni Elvi ay narito na rin siya sa kwarto. “Ate, bakit ka sad?” Humigpit lang ang yakap ko sa kaniya. “Pwede naman umiyak kapag malungkot, Ate.” Maliit ko siyang nginitian. “Hindi naman ako naiiyak. Hindi rin ako nalulungkot. May iniisip lang ako.” “Yakapin na lang kita ng mahigpit na mahigpit!” Bahagya akong natawa nang yakapin nga niya ako ng sobrang higpit. Ginantihan ko rin siya ng yakap. Kinabukasan ay pinuntahan ko iyong kakilala ko na nagtitinda sa palengke para makapagtrabaho. Kailangan kong kumita kahit ngayong araw lang. Pinapayagan naman niya ako na magtrabaho sa kaniya pero hindi araw-araw dahil may kasama na rin siyang pinapasweldo. “Oh, mukhang pinagbaksakan ka ng langit at lupa?” bungad sa akin ni Ate Matilda. Tamad kong itinali ang buhok ko bago buhatin ang isang balde ng bangus sa kariton na nasa gilid. “Wala ba namang pera, sinong matutuwa?” “Hanggang ngayon? Hindi ba college level naman ang natapos mo?” Matapos kong mailagay ang mga balde ay tinulak ko na para malagyan ng yelo at tubig. “Sinabi mo pa, wala namang kwenta naman.” Inabala ko ang sarili sa pagtatrabaho. Hindi ganoong kalakihan ang sahod dito. Alam naman ni Ate Matilda na nandito ako sa tuwing gipit na gipit talaga ako kaya pinapayagan niya ako. Mamaya ay balak kong magpunta sa isa ko pa na kakilala para samahan siya sa lugawan at paresan nito. “Magkano isang kilo?” nakangiting tanong ng isang lalaking customer. Nag-lunch iyong dalawa kaya ako ang naiwan dito. “110 po,” sagot ko. Inihanda ko na ang supot nang kinuha niya ang isang bangus. Bahagya lamang akong napangiwi dahil habang kumukuha siya ng bangus ay nasa akin ang tingin niya. “Dalawa nito, magkano?” Alam ko na sinadyan niya na magdikit ang daliri naming dalawa kaya naman sumimangot lalo ang mukha ko. “240 itong dalawa,” Nag-abot siya ng bayad at sinadya na naman niya na magdikit ang daliri naming dalawa. Gusto niya ba ihampas ko sa kaniya ang mga bangus na nandito. “Sukli,” walang gana kong sabi. Imbis na iabot at ibinaba ko sa tuyong parte ng lamesa ang pera. “Miss, pwede makuha ang—” Isang tikhim ang nagpatigil sa kaniya. Maging ako ay natigilan nang makita si Sir David dito. Namilog ang mata ko at wala sa sarili na humakbang ng isang beses palayo sa pwesto ko. “A-Anong ginagawa mo rito?” hindi makapaniwalang tanong ko. Simple lang ang suot nita—T-shirt at cargo pants. Sa kanang kamay niya ay may hawak siyang malaking bayong. Umangat ang isa nitong kilay. “I’m a chef, what do you expect?” Tama nga naman, pero hindi ko naman inaasahan na mamimili siya rito. Fine dining ang restaurant niya, hindi ba dapat ay sa mall siya bumili ng mga mga ingredients niya? “Ako ang kakain kaya okay lang na rito ako mamili.” Mukhang nabasa niya ang iniisip ko. Nagsimula na siyang magtingin ng mga isda. Wala siyang kaarte-arte na hinahawakan ang mga iyon para suriin. Kung hindi ko lang nakikita ang ginagawa niya ay iisipin kong seryosong bagay ang ginagawa niya. “Miss, ‘yong number mo pwede makuha?” Nandito pa pala ang epal na ‘to. “May bayad—1k,” masungit na sagot ko. Nabura naman ang ngiti niya. “Sungit, akala mo naman maganda.” Umalis na siya pero panay pa rin ang lingon. Ayan ang problema sa mga lalaki. Kapag hindi napagbigyan ay kung ano-ano na ang pinagsasabi. Ako pangit? Hindi naman niya babalakin na kunin ang number ko kung pangit ako. Duh! “Ang mahal,” wika naman ng isa kong customer na sa itsura ay hindi nababagay dito dahil nangingibabaw siya. Maging iyong ibang namimili ay napapatingin sa kaniya. Ang tangkad ba naman at makisig ang katawan, sinong hindi mapapatingin. “Mura lang ‘yan, 110 ang kilo.” Ngumiti pa ako pero hindi nagtatagal dahil sa tingin niya. Naco-conscious ba ako?! “1k para sa number mo tapos ibibigay mo lang sa akin ng libre? Crush mo ba ako?” Casual niya iyong sinabi habang tumitingin-tingin pa rin sa mga bangus. Muntik na ako mabuwal sa kinatutungtungan ko. Ano?! Bakit bigla na lang siyang nagsasalita ng ganito. I faked a laugh to hide my embarrassment. “Baka ikaw ang may crush sa akin? Sabi ko joke lang iyon tapos sineseryoso mo naman. Naku, kung gusto mo ako, huwag ka na mahiya na i-text ako. Hindi nga lang ako magre-reply dahil wala akong load.” Tatlong malalaking isda ang napili niya. Nanginginig ang kamay ko na kinuha iyon para kiluhin. “Oh, ang kapatid ko ang gusto mo?” “320… bawal ba magkagusto sa kapatid mo?” maingat kong tanong. Sigurado ako, may chance ako sa kapatid niya. Inuulit ko, kung wala akong chance sa kaniya. Panigurado sa kapatid niya ay mayroon. “Bawal, strict akong kuya. Kailangan mo muna dumaan sa akin… bago sa kaniya.” Nagbayad siya ng sakto at umalis na rin. Naiwan akong nakanganga dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. What the hell? Anong kailangan ko munang dumaan sa kaniya bago sa kapatid niya? Sobrang tanda na ng kapatid niya, hindi na minor si Adlei!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD