Kabanata 3

2190 Words
‘NAIWAN MO YATA SA KOTSE KO.’ Lalo akong nakaramdam ng hiya. Bawat segundo ay parang palubog ako nang palubog sa sofa na kinauupuan ko. Hindi pa nakatulong na wala siyang kahit anong emosyon bukod sa mata niya na parang hinuhusgahan na ako ang buong pagkatao ko. Well, the note was a joke! Anong alam ko na mababasa niya pala? Saka hindi ko rin naman inaakala niya na itatago niya. Bakit hindi na lang kasi niya itinapon? Does that mean he’s interested in me? “Magkakilala na kayo? Hala bawal ‘yan, nepotism.” Sinamaan ni David ang kapatid niya na akala mo kung sinong inosente na nakatingin pa rin sa sulat. Itinaas na lang niya ng dalawang kamay na parang sumurrender na. “Una na nga ako. Papakainin ko pa baby Azi ko.” Ngumiti lang sa akin si Adlei at maliit na kumaway bago umalis. Ngayon ay kaming dalawa na lang niya ang naiwan sa loob ng office. Palihim ko siyang tinignan, binabasa na niya ngayon ang resume na hawak lang kanina ng kapatid niya. Lalo akong kinabahan dahil seryoso ito sa pagbabasa. Sa pagkakatanda ko ay malamig ang kwarto noon pumasok ako, bakit pinagpapawisan ako ng ganito. “Miss Lagarzon,” “Ha?” wala sa sariling sagot ko. I feel like I was hypnotized while looking at him. Ibang iba ang tindig niya ngayon kumpara noong isang gabi na magkita kami sa club. “I will be honest, I don’t think I can work with you.” Ibinaba niya ang resume ko sa center table. Sa paningin ko ay naging basura na ang pirasong papel na iyon. Hindi na ako nagulat. Naiintindihan ko, malas talaga ako. Wala naman akong balat sa pwet pero bakit ganito na lang kahirap para sa akin na makahanap ng trabaho. “I understand… Sir.” Tumango-tango pa ako pero hindi na nakatingin sa kaniya dahil sa hiya. Tumayo na rin ako. “Hindi ka magtatanong kung bakit hindi ka tanggap?” Napatingin na ako sa kaniya. Mapait akong ngumiti. “Dahil hindi ako nakapasa sa criteria, lagi naman.” Syempre ay bulong na ang dalawang huling salita. “Ang criteria ko lang sa pagiging janitress dito ay walang criminal record. You are overqualified to be one. But I can’t hire you for the same reason as the first two applicants.” Nagmamadali kong kinuha ang resume ko sa lamesa. Iniharap ko sa kaniya, napatingin naman siya roon. “May nabasa po ba kayo rito na may criminal record ako? May NBI clearance ako, gusto niyo makita?” Bumuntong-hininga siya. “The second criterion for this position was not to involve personal feelings. Clearly, you did not pass that.” Katahimikan. Pareho lang kaming nakatingi sa isa’t isa na para bang may sinabi siyang controversial. Personal feelings?! Kanina nga lang ay umaakto siya na hindi niya ako kilala. At ang grabe rin pala niya, ‘no? Oo gwapo pero mahangin. Bukod sa note na biro lang naman, wala akong sinabi sa kaniya na gusto ko siya, sabi ko nga hindi ako interesado sa kaniya. “Iniiwisan ko na mag–” “Hindi nga kita type…” bulong ko pero napalakas pala kaya tumigil siya sa sasabihin niya. “Iyong note na nakita mo, joke lang ‘yon! Serious type ka pala, Sir.” I faked a laugh. Nangunot ang noo niya pero naroon pa rin sa mga mata niya na hindi siya makapaniwala na sa akin pa talaga mismo nanggaling na hindi ko siya type. Pwes! Kahit naman mahirap ako ay may karapatan pa rin ako na magkaroon ng type, ‘no! “Mauuna na ako. Thank you na lang sa opportunity.” Nagmamadali akong lumabas ng office. Akala ko ay pipigilan niya ako pero hindi! Natamaan ko yata ng masyado ang ego niya. Halatang hindi sanay na may nagsasabi sa kaniya na hindi siya tipo ng isang tao. Maaga pa at ayaw ko pa umuwi dahil paniguradong nag-aabang sa akin ang kapatid. Ngayon nagsisisi ako na masyado akong na-excite dahil nakapagbitaw ako ng pangako sa kaniya. “What’s the name of the company? Hindi man lang ni-reimburse ang nagastos mo sa pagpunta sa company nila? Hindi sapat na nag-sorry lang sila sa ‘yo. Through text pa! Nasaan ang sincerity?” Kahit si Gaile ay na-stress din nang ibalita ko sa kaniya ang nangyari. Suntok sa buwan ang gaoong kamalasan, hindi ko inakala na ako ang dadapuan noon. Bumuntong-hininga ako. “Ano pa ba ang magagawa ko? Ang problema ko na lang ngayon a kung paano ko ibabalita sa kapatid ko na ang ate niya na nangako sa kaniya ay hindi naman talaga natanggap sa trabaho. Kung nakita mo lang talaga kung gaano rin siya kasaya noong ibalita ko na nakapasa ako, mas nakakahinayang at lungkot.” Lumamlam ang tingin niya sa akin mula sa salamin. Inaayos niya ang buhok ko. Ang pag-aayos sa sarili na yata ang coping mechanism ko. “Kaya nga, Amber, kausapin mo ang kumpanya para mabigyan ka ng compensation sa problemang dinulot nila sa ‘yo.” Marami na akong iniisip at haluhalong nararamdaman para idagdag pa ang galit sa kumpanya na iyon. It was an honest mistake. Mas mainam nang nalaman ko ngayon kaysa naman magmukha akong nakakahiya. “Hayaan mo na. Tuloy ko na lang muna ang goal ko ngayong gabi. Pinapaasa ko na lang ang sarili ko na makakahanap pa ako ng trabaho. Pagandahin mo ako lalo para may mabihag na ako.” Umiling-iling na lamang siya habang pinagpapatuloy ang pag-aayos sa akin. Hindi ko maiwasan na matulala sa sarili. Maganda naman ako. May pinag-aralan din kahit papaano. Ni hindi nga kaya ng lahat na umabot sa kolehiyo pero may mga maayos na trabaho. Samantalang ako, galit yata sa akin ang mundo. “You know, I don’t support you with this one but I also know that I can’t stop you. Ang sasabihin ko na lang ay mag-iingat ka. Huwag kang magdalawag isip na tawagan ako kapag kailangan mo ng tulong ko. Okay?” Matamis akong ngumiti at tumango. Kahit alam kong galit sa akin ang mundo, ang mahalaga ay may masasandalan pa rin akong tao na handa akong samahan. As usual, pagdating ko sa club ay umupo ulit ako sa nakasanayan kong pwesto. Hindi tulad noon, iba ang araw na ito. Hindi juice ang in-order ko kung hindi beer. Pakiramdam ko kailangan ko ito. Marami ang nangyari sa araw na ito ay gusto kong makalimot ng panandalian. Nakakatulong ba talaga ang alak? Ewan, kahit madalas ako rito ay hindi ko pa naranasan na malasing. Tatanda na ba akong dalaga? Hindi ko ba mararanasan na bumili ng hindi tumitingin sa price? Mamamatay din ba akong mahirap? Bakit ganito ang buhay sa akin? “Oh! Miss Amber Lagarzon, right?” Tamad kong nilingon ang nagsalita na iyon. Bahagya pa na nanliit ang mata ko para makita ko siya ng maayos dahil nahihirapan ako sa nagsasayaw na mga ilaw. Nang maaninagan ko siya ng maayos ay nawala ang kunot ng noo ko. “Sir Adlei?” Lumawak ang ngiti niya nang makilala ko siya. Kung umasta siya ay ilang buwan na ang nakakalipas. Malamang makikilala ko siya dahil kanina lang naman ang huli kong kita sa kanina. “Mag-isa ka?” Swabe siyang naupo sa tabi ko. Inalis ko ang tingin sa kaniya. Naaalala ko na naman ang kahihiyan ko kanina. Kamukha niya si Sir David kaya lahat ng katangahan ko ay bumabalik. Ang pinagkaibahan lang nila ay mas maamo ang mukha ng isang ‘to. Iyong kuya niya ay parang nangangain ng buhay. Nagkibit-balikat ako. “Ngayon hindi,” ngumiti ako nang matamis sa kaniya. If I can’t get the older brother, maybe the younger one? Besides, he doesn’t look any younger than me. Mas matanda pa rin si Adlei kaysa akin. Maybe around mid-twenties? Not bad. Natulala siya sandali pero ngumiti rin. Bago pa siya makapag-order ng inumin niya ay naubos ko na ang akin kaya dalawa ang binili niya–isa para sa kaniya at isa para sa akin. “Baka mahal ‘to,” nag-aalangan kong tanong. “It’s on me, don’t worry.” Pinagtungga niya ang baso naming dalawa bago sumimsim. Napangiti ako dahil doon. Una pa lang ay galante na siya, paano pa kaya kapag kami nang dalawa? Thinking about him spending money on me sent tingles all over my body. Okay, kung plano niyang magwaldas ng pera, mabuti nang sa akin na lang. I keep drinking all the alcohol he’s ordering for the both of us. Nakikita ko na unti-unti na rin siyang namumula. Hindi ko na rin mabilang kung nakailang baso kami pero alam ko na hindi pa ako lasing. Light-head oo, pero nasa wisyo pa rin ako. Itong si Adlei ang nasa bingit na. “You’re beautiful, I wonder why my Kuya didn’t accept you? Allergic ba siya sa magaganda? Ayaw mo ba na magtrabaho na lang sa akin? Secretary, perhaps?” Hindi na diretso ang upo niya, maging ang tingin niya sa akin. Umangat ang magkabilang sulok ng labi ko. “Talaga? Gagawin mo akong secretary mo?” Nahinto siya bigla sa tanong ko. “But I don’t think I will be able to finish any work if you are my secretary. I will probably stare at you all day long.” Is this my time? Ito na ba ang matagal kong hinihintay? Magsasalit pa sana ako nang bigla na lang nahulog ang ulo niya sa counter top. Nagulat ako pero ang bartender na babae ay mukhang sanay na sa kaniya dahil naglabas na lang ito ng phone at may tinawagan. Tinapik ko ang braso ni Adlei para gisingin pero hindi na ito gumagalaw. Sabagay marami na rin kaming nainom. Hindi ko nga rin alam bakit ang taas pala ng tolerance ko sa alak. “May susundo na sa kaniya, hayaan mo na lang siya riyan.” Tumigil ako sa paggising sa kaniya. Inubos ko na lang ang natitirang alak na in-order niya. Kaunti pa lang ang bawas sa isang bote na binili niya at plano kong ako na lang ang uubos doon. I was about to finish half of the bottle when I felt a warm presence behind me. Ito na yata ang susundo kay Adlei. Inubos ko muna ang nilagay ko sa baso na alak bago nilingon kung sino iyon. Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko nang mapagtanto kung sino. Si Sir David na mukhang galing pa sa trabaho dahil ganoon pa rin ang suot niya noong huli ko siyang nakita. Nagtama ang tingin naming dalawa. Bakit pakiramdam ko ay intense lagi ang tingin niya sa akin? Iyong parang inuubos niya lahat ng hangin sa katawan ko kahit wala pa siyang ginagawa. Lumipat ang tingin niya sa mga bote na ininom namin bago sa kapatid niya. He sighed and went beside his brother. “Hindi ko alam na mababa pala ang tolerance niya sa alak,” wika ko para kahit papaano ay mabawasan ang awkwardness at tensyon. “Ang dami ng nainom niyo, normal lang na malalasing ang kapatid ko.” Inayos niya ng upo ang kapatid niya para maalalayan ng maayos. Natahimik na lang ako dahil tama siya. Madami na ang nainom namin kaya talagang kahit sino ay malalasing, ako lang yata ang hindi. Gusto ko sanang tumulong sa pag-akay niya sa kapatid pero hindi naman siya mukhang nahihirapan kaya hinayaan ko na lang at pinanood. Ang braso ng kapatid niya ay nilagay niya sa batok niya at mahigpit na hinawakan ang bewang nito para makatayo sila ng maayos. Umungot pa si Adlei dahil sa biglang pagtayo. “Amber… inom pa…” Napangiti ako dahil ang cute niya pero noong magtama ang tingin namin ng kuya niya ay mabilis na nabura ang ngiti ko. Umiwas ang tingin ko at inubos na lang ang laman ng alak sa baso. “Stop drinking,” masungit na utos niya sa akin. Sino ba siya? Hindi niya nga ako tinanggap kaya hindi ko siya susundin. “Hindi pa ako lasing.” Wala na siyang sinabi at inakay na ang kapatid palabas ng club. Napanguso ako at itinuon na lang ang pansin sa iniinom. Sana lang ay kapag pumunta ulit ako rito ay nandito ulit si Adlei. I have so much potential with him. Hindi rin naman siya mahirap magustuhan dahil mabait siya at galante. Napapangiti ako sa naiisip ko. Malapit ko na yatang makamit ang pangarap ko. “Gin, can you please take this?” Namilog ang mata ko nang may malaking kamay ang kumuha ng bote na may kalahati pa ng alak at iniabot sa bartender na babae. Pati ang baso ko na may laman ay kinuha niya at tinungga. “Ano ba?!” inis na singhal ko. “Hindi pa ubos at iniinom ko pa iyon.” “Sabi ko tama na hindi ba?” Dahil sa inis ay umalis ako sa pagkakaupo para tumayo sa harapan niya para ipakit na hindi ko nagugustuhan ang inaasta niya nang umikot ang paningin ko sa biglang pagtayo. “S-Sabi ko…” I couldn’t finish my world when I lost my balance. A firm and warm arms held me. “Ang tigas ng ulo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD