bc

Gaano Kasarap ang Pepe ni Delilah?

book_age18+
85
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sex
one-night stand
drama
twisted
bxg
heavy
betrayal
cheating
affair
like
intro-logo
Blurb

Gaano nga ba kasarap ang Pepe ni Delilah?

Alam ko kung ano ang iniisip mo, kapatid. Ngunit ayaw ko mang basagin ang namamayaning kaberdehan sa iyong isipan, ikinalulungkot kong nagkakamali ka.

Ito ay katanungang hindi tungkol kay Delilah. Ito ay tungkol sa kung gaano nga ba sarap ni Pepe, ang kanyang asawa.

Si Pepe na lipitin ng chiks. Si Pepe na mapusok. Si Pepe na makati. Sino nga ba si Pepe? Paano ipaglalaban ni Delilah ang kanyang pinakamamahal na Pepe?

Ito ay kwento ng hirap at sarap ng buhay mag- asawa na binabalot ng chismis mula kina Aling Marites.

Ano ang sarap na kayang ipalit ni Pepe sa kanyang pamilya? Upang malaman ang kasagutan, tunghayan ang kwento ni Delilah at ang kanyang Pepe.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Ubos na ubos na ako! Ibinigay ko na ang lahat sa’yo pero wala kang ginawa kundi saktan ako! Binalewala mo ang lahat!” Sa gitna ng malawak na karagatan, kasabay ng matataas na alon ay ang mataas ding boses ni Delilah. Kasing lalim ng dagat ang kanyang nadaramang hinagpis na matagal niyang itinago. Sa unang pagkakataon, sa kanilang unang paglaot sa dagat, ibinuhos ni Delilah ang bigat ng kanyang nararamdam. Katulad ng mabibigat na patak ng ulan, bumagsak ang mga gaperlas na mga luha niya na mabilis ding naglaho dahil sa ulan. Halos hindi siya makahinga habang binibigkas ang mga salitang iyon. “Magsalita ka!” bulyaw nito sa kanyang asawang basang-basa na rin. Umiiling lang ang kanyang kausap, ngunit mababakas din sa kanyang mukha ang lungkot at pagsisisi dahil sa kanyang mga nagawa sa kanyang asawa. “Oo! Nagkamali ako, Delilah! Wala na akong maidadahilan pa. Alam kong marahil hindi mo na ako kayang patawarin pa. Pero h’wag mong iisiping hindi kita mahal,” sumbat ni Pepe. Tumayo siya at hinawakan ang mga kamay ni Delilah. Mabili naman itong binitiwan ng babae. “Lintik na pagmamahal ‘yan! Pagmamahal na pwede sa lahat? ‘Yan ba ang pagmamahal na tinutukoy mo?! Asawa kita, Pepe. Hindi ka damit na pwede lang ipahiram sa lahat! Hindi ka pagkain na pwedeng tikman ng lahat!” Tila mga kulog at kidlat ang mga salitang pinakawalan ni Delilah dahilan upang ma-pipi ang kanyang asawa. “Alam mo, Pepe, hindi ka lang nagkamali ng isang beses, dalawa o tatlo. Baka nga tama ang sabi nila. Baka ikaw talaga ang mali. Ikaw ang maling tao para sa akin!” Patuloy ang pagbuhos ng malakas ng ulan kasabay ng pagbuhos ng matinding emosyon mula sa mag-asawang nasa gitna pa rin ng karagatan at hindi alintana ang bagyong nararanasan nila. Ilang beses na ring binagyo ang buhay ni Delilah dahil sa mga pinagdaanan niya kay Pepe. “Pagod na ako, Pepe. Nakakapagod din pa lang mahalin ka. Ayaw ko na!”  Ito ang mga mapapait na salitang huling binitiwan ni Delilah bago ito tumalon sa dagat at tuluyang nilamon ng masungit na dagat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook