"Sir Dom, nariyan na ho 'yung delivery na hinihintay niyo."
Mabilis na bumaba ng bahay si Dominic. Ipinadala niya kasi sa Pilipinas ang isa sa dalawang mamahaling sasakyan para may magamit si Bennett sa hacienda. Naiinggit daw ito dahil maganda ang sasakyan niya. At dahil mahal niya ang kapatid, walang problema kung pagbigyan niya ang mga luho nito.
"Wow, sir, ang gandang sasakyan naman 'yan," bulalas ng katulong nang ibaba ng delivery truck ang Ford Mustang niya. Sasakyan pa 'yun ng ama-amahan.
"Iiwan ko ho kay Bennett," sagot naman niya.
"Naku, anak, pinagbigyan mo na naman ang luho ng kapatid mo. Pupunta lang 'yan kung saan-saan para magyabang. Hindi ko ipapagamit 'yan, baka disgrasya na naman ang abutin ni Bennett katulad noong nakipag-karerahan kay Denisse noon."
"Ma---"
"Tama na ang pagbibigay, anak," pigil sa kanya ng Mama niya. "Alam kong mahal na mahal mo ang kapatid mo at natakot ka noong halos mawalan tayo ng pag-asa na makalakad pa siya ulit. Pero tapos na ang unos sa buhay niya at nalagpasan niya 'yun sa tulong mo. Nagawa mo na ang parte mo, panahon naman na isipin mo ang sarili mo."
"Hindi naman ho ako mauubusan kahit ibigay ko 'to sa kanya," katwiran naman niya habang nakangiti sa ina. Hindi niya rin alam kung bakit kahit gaano na siya kayaman ngayon, parang may kulang sa kanya. Kaya siguro wala siyang tigil kabibigay sa kapatid niya baka sakaling makaramdam siya ng kasiyahan.
"Pero sumusobra na rin si Bennett, anak. At kapag nagyabang na naman ang kapatid mo, baka sa ospital na naman siya pulutin. Ikaw na naman ang mapiperhuwisyo dahil wala naman siyang ipon at wala rin siyang trabaho."
"Okay, Ma, para mapanatag ho kayo, ako na lang ho muna ang gagamit."
"At kapag iniwan mo 'yan dito, huwag mong iiwanan ang susi, please lang. Aatakehin ako sa nerbiyos kapag umalis ang kapatid mo gamit ang mamahaling sasakyan na 'yan."
Inakbayan niya ang ina at binigyang kasiguraduhan na hindi niya na ibibigay kay Bennett ang sasakyan. Tiyak niyang magdaramdam ang kapatid pero mas mahirap naman kung bibigyan niya pa ng iisipin ang Mama niya.
"Siyangapala, pupunta tayo sa Hacienda Luna para dalawin ang pamilya nila Dash at Lenna. Balak naming ipagkasundo ang dalawa."
"Sino hong dalawa?"
"Si Bennett at si Dennise. Naghahanap din si Dash ng lalaking susupil sa anak niya. Lumaki raw kasing laki rin sa layaw at parang walang kinakatakutan. Paano'y napakayaman ng pamilya nila."
"At gusto niyong ang babaeng 'yun ang mapangasawa ni Bennett? Siya ang dahilan ng---"
"Disgrasya ang nangyari, anak, walang dapat sisihin. Mas matanda naman ang kapatid mo kay Dennise kahit paano, dapat siya ang gumabay doon sa tao. At mga bata pa ang mga 'yun noon."
Wala siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon. At hindi man niya balak ang sumama, magpipilit lang ang Mama niya. Ilang araw na nitong ibinibida ang Hacienda Luna na ikinaririndi niya na.
Dahil gusto niyang i-testing ang takbo ng bagong dating na kotse, hiwalay siyang nagtungo sa mansyon ng mga Silvestre. Pagdating niya ay halos kararating lang din ng mga magulang at ni Bennett doon. Malayo pa lang ay kitang-kita niya na ang babaeng gustong ipakasal ng Mama't Papa niya sa kaisa-isang kapatid.
Ang babaeng dahilan kung bakit naudlot ang kasal niya at ipinagpalit siya ni Lilia sa iba.
Pagbaba niya ay kaagad nagtama ang tingin nila ng babae. Sumiksik ito sa braso ng kapatid niya nang ipakita niya ang pagkadisgusto.
"Siya na ba ang panganay mo? Aba'y magandang lalaki rin ano?" narinig niyang komento ng ginang. Marahil ay ito ang mag-asawang Dash at Lenna. Bahagya lang siyang ngumiti.
"Tara na sa komedor at doon tayo magkwentuhan, kumpadre," yaya ni Dash sa Papa niya. Magkakasunod silang pumasok sa mansyon na mas maganda sa bahay nila. Gayunman ay hindi naman pahuhuli ang Villa Guererro. Kahit paano ay na-maintain naman ng Mama niya ang ayos ng bahay dahil isa iyon sa alaala ng Lolo at Lola niya.
Sa panlabindalawahang mesa nakahain ang mga pagkain. Tila iniinis naman siya ng pagkakataon dahil sa katapat na sila ni Denisse pa siya naupo. Pasulyap-sulyap din ito sa kanya na palagay niya'y may dulot siyang atraksyon sa dalaga. Hindi siya ngumiti mula kanina. Gusto niyang iparamdam na hindi nila kailangang maging magkaibigan kahit pa maayos pa rin ang samahan ng mga pamilya nila.
Tulad ng nabanggit ng Mama niya, tila ipinagkakasundo nga si Bennett at ang Denisse na ito. Narinig niya ang mariing pagtutol ng dalaga pero si Bennett ay walang pagtanggi. Doon niya rin nalaman na dating may pagtingin ang kapatid niya sa babaeng ito.
It's not unusual though. Kung pisikal na anyo ang pag-uusapan ay walang duda na maganda ito. Mapula ang hugis pusong labi at makinis ang kutis. Kahit ang mata nito na may mahabang eyelashes ay nangungusap. Maliit lang ang ilong nitong tila nililok ng magaling na artist.
At ang higit na nakakaakit dito ay maliit pero maumbok nitong dibdib. Kung padding ba iyon o natural ay hindi niya tiyak. Sumisilip nang kaunti ang pisngi ng dibdib nito dahil sa V-neck na blouse. At nag-iinit ang bawat sulok ng katawan niya sa pag-aanalisa pa lang niya dito.
"Pero hindi naman kami magkasintahan," narinig niyang muli nitong wika para salungatin ang mga magulang.
"Your feelings will eventually flourish," pilit pa rin ng ama nito. Tila ipinagtutulakan na itong talaga na mag-asawa kaya't naisipan niya nang magsalita. At may naiisip siyang paraan para hindi matuloy ang pagpapakasal nito sa kapatid niya. Wala itong lugar sa pamilya nila.
"You are welcome in our house, senyorita..."
Hindi ito nakaimik nang magtama ang mga mata nila. Tipid lang siyang ngumiti na gilid lang ng labi ang gumalaw. Hindi naman ito sumang-ayon pero narinig niya si Bennett na nagpresenta na susunduin ang dalaga kinabukasan.
"So, everything is set." Bakas sa mukha ng Papa niya ang labis na tuwa nang makompirma na magiging bisita nila ang isang spoiled brat na anak ni Dash at Lenna. Hindi siya makapaniwala na pagkatapos masira ng pinapangarap niyang buhay, halos sambahin pa ng mga ito si Denisse.
Lalo tuloy tumaas ang kagustuhan niyang bigyan ng parusa ang dalaga. Tutal ay naiinip na rin naman siya sa farm, may pagkakaabalahan na siya ngayong bagong laruan.
Nagpakita siya ng pagkainip habang nagkukwentuhan ang mga magulang niya at mag-asawang Dash at Lenna. Kanina pa tapos ang dinner pero masarap pa rin ang kwentuhan ng mga ito. Gayunman ay hindi maitatanggi na mabait ang mag-asawa. Nagtataka tuloy siya kung saan nagmana ang anak nitong nagawang ipahamak ang kapatid niya.
Nawala na sa hapagkainan si Bennett at Denisse. Kanina pa nagkakasundo ang dalawa kung saan-saan na naman pupunta kaya lalo siyang naiinis. Hindi na nagtanda ang mga ito.
"Let's race!" Mula sa kanang bahagi ay narinig niya ang pag-splash ng tubig sa pool. Nagulat siya nang makitang naglalangoy na doon pati ang kapatid niya. Kasama ng mga ito ang kapatid na lalaki ni Denisse na si Dylan.
Napatayo siya at naglakad-lakad kunyari sa patio kung saan tanaw ang malaking swimming pool. Naka-swimming trunks na kaagad ang kapatid niya na marahil ay pinahiraman ni Dylan. Nanalo sa race si Bennett. Nang umahon si Denisse ay naramdamam niya ang pagpintig ng mahiwagang bagay sa pagitan ng hita niya.
Denisse was wearing an skintone two-piece swimsuit. Pakiramdam niya'y pinapanood niya ang isang babaeng hubad na naglalakad sa gilid ng pool. And the woman was sexy and alluring. Napakaliit ng baywang nito na masarap pisilin. At halos kita na ang pisngi ng pang-upo nito na masarap kagatin.
Ahhh... He recalled how he and Lilia made love again. Para tuloy siyang teenager ngayon na gusto ulit makatikim ng babae. Pero hindi lang kung sino-sinong babae. Gusto niya ay ganito ka-sexy at kalakas ang dating kay Denisse.
He could bang her on the wall in an standing position. Or they could lay in bed while her one foot on his shoulder. Puwede ring nakadapa ito sa kama habang nakaharap sa kanya ang pang-upo nito at binabayo niya.
Damn.
Wala itong kamalay-malay na dinala niya na ito sa pantasya niya. Tutal ay sinira rin nito ang s*x life niya, hindi na siguro masama kung pagnasaan niya ito hanggang sa panaginip.
"Akala mo mauunahan mo pa rin ako, ano? Sa Hawaii kami ni kuya nakatira kaya madalas akong nagsu-swimming doon," pagbibida ni Bennett.
"Pinapanalo na talaga kita para makabawi naman ako sa 'yo. Kung palabasin nila Mama kanina sa dinner parang ang laki ng atraso ko."
Tumaas ang kabilang sulok ng labi niya. Gusto niyang sumagot at ipamukha dito na totoo namang malaki ang atraso nto. At pagbabayaran nito ang atrasong 'yun kapag nagabakasyon na ito sa kanila.
"Wala ka nang kawala, babe. Kung noon ayaw mo.'kong sagutin, ngayon magpapakasal ka na talaga sa 'kin."
"Oh, no..." kaagad naman nitong tanggi. "Hindi ah! Wala pa 'kong balak mag-asawa."
"Wala pa rin naman akong balak. Pero dahil ikaw ang gusto nilang mapangasawa ko, sino ba naman ako para tumanggi? Noon pa 'ko may gusto sa 'yo."
"But, I don't like you," pranka nitong sagot na masakit sa tainga. Kung siya si Bennett ay kanina pa niya ito pinadapa sa semento.
Denisse still treats his brother weak and gullible. Pero siya ay hindi. Matitikman nito ang batas ng isang Guererro oras na tumuntong na ito sa teritoryo nila.
Bumalik siya sa komedor at sumali na sa kwentuhan ng mga magulang. Nang pag-usapan na ang tungkol sa pamamahala sa hacienda ay nabuksan muli ang interes niya. Dash and Lenna handled the twenty hectares of land very well. At nakuha rin ng anak nito na si Alejandro at Lawrence ang galing sa pamamalakad ng hacienda.
To his suprise, even Denisse helps her brothers in managing the farm. And she is a licenses Architect. Pagdating sa bagay na iyon ay malaki ang paghanga niya sa dalaga.
No wonder this woman thinks she is mightier than most men. Kung tumawa ito habang nagbabalik-tanaw sina Bennett sa nakaraan ay parang siya ang naiinsulto.
Alas onse na natapos ang kwentuhan ng dalawang pamilya. Nakailang baso din siya ng scotch kaya't lalong malakas ang tama niya kay Denisse ngayon. Naka-bathrobe na ito nang bumalik sa dining room habang si Bennett ay nakapagbihis na rin ng damit nito. Nang magpaalam ang bawat isa ay kailangan nilang makipagkamay sa lalaki at bumeso naman sa mga babae.
They were not properly introduced when he arrived few hours ago. At ngayon ay pagkakataon niya nang nakadaupang palad ang dalaga.
When it was his chance to bid her goodbye, he grabbed her waist and pulled her closer to his groin. Sinadya niya talagang iparamdam ang naninigas niyang p*********i na kanina pa nagwawala dahil sa suot nitong swimsuit.
"I'll wait for your arrival at Guererro Farm, Miss Silvestre. It would be a pleasure to have you as a guest..."
Nagulat ito at pinanlakihan siya ng mata. Pero wala namang nakapansin dahil abala pa rin ang mga magulang nila sa pakikipag-usap sa isa't isa.