Chapter 4

1224 Words
Kaagad inilayo ni Denisse ang katawan na nagulat sa ginawa ni Dominico. Not because she was frightened, but because she was aware of his manhood poking her. Ilang beses na siyang natyansingan. At kung ibang lalaki lang ito ay kanina pa niya nasuntok sa tiyan. But he is Dominico Guererro. He carried all the qualities of a drop-dead gorgeous man. Tall, masculine, and with mysterious eyes. Kahit ang boses nito'y tila idinuduyan siya kapag kinakausap. He was a snob though. At nacha-challenge siyang lalo na makuha ang atensyon nito. Mula nang dumating ito kanina ay nagka-crush na siya sa matandang kapatid ni Bennett. Panay na ang tanong niya tungkol sa lalaki. Wala pa raw itong asawa dahil tinalikuran ito ng babaeng pakakasalan noong panahong naaksidente si Bennett at kailangang dalhin sa Amerika. Nakaalis na ang sasakyan ng mga Guererro ay nakatanaw pa rin siya sa driveway. Kahit ang kotse nito ay malakas ang dating sa kanya. Hindi niya gusto ang magbakasyon sa Guererro Farm dahil literal na itinataboy siya ng Mama't Papa niya ngayon sa Hacienda Luna matapos niyang makipag-break sa anak ng Mayor ng bayan nila. Pero dahil naroon si Dominico ay napapayag siya. Kahit ang dahilan ng pagpapadala sa kanya sa Guererro Farm ay para ipagkasundo siya kay Bennett na mabait na lalaki daw at mapagkakatiwalaan. Well, she couldn't agree more. Mabait naman talaga si Bennett noon pa. At hindi ito nagbago sa kabila ng matagal silang walang naging komunikasyon. However, Bennett was far from getting into a serious relationship. At kahit pa ideal man na maituturing ang matalik niyang kaibigan noon, hindi ito ang gusto niya. Ang kapatid nito. "Maghanda ka na ng gamit mo para sa dalawang linggo mong bakasyon sa Guererro Farm, Denisse. Let me remind you, wala kang gagawing kalokohan doon," paalala ng Papa niya na ikinaikot ng mata niya. "Of course, Pa. Pero kailangan niyo ba talaga akong itaboy dito?" "Kailan lang namin nalaman na ikaw pala talaga ang dahilan ng pagkakadisgrasya ni Bennett noon. Niyaya mong makipagkarerahan sa 'yo ng kabayo gayung ilang beses pa lang siyang nakasakay kay Spartan?" "He wanted it, Pa. Tuwang-tuwa pa nga siya na nanalo siya nung una eh!" "But you put a trap so you could win! At pinagtawanan niyo pang magkakaibigan nang mahulog siya sa kabayo. I can't believe it!" Guilty siya doon. Bata pa siya noon para mapagtanto ang gravity ng kalokohan nilang magkakaibigan. Ikinuwento ni Bennett kanina kung ano ang pinagdanaan nito na isang taon ding hindi nakalakad. Kasama na sa leksyong ibinibigay ng mga magulang niya ngayon ay paluguran ang mga taong napwerwisyo niya noon. She admits, she was careless and fearless. Nasangkot tuloy siya sa kung ano-anong gulo na nagpasakit sa ulo ng Mama't Papa niya. Ang pinakamalaking gulo na kinasangkutan niya ay ang pagkahuli ng mga pulis sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Conrad kung saan may nakatagong droga at hindi lisensyadong baril sa loob ng condo ng dating kasintahan. Hindi niya alam na gumagamit ng droga si Conrad. Mabuti na lang negatibo ang lahat ng tests na ginawa sa kanya kaya't nagawa niyang iligtas ng abogado nila. Pero katakot-takot na sermon at pangaral ang tinamo niya pagkatapos. At hindi siya muna pinapayagang mag-drive para makaiwas siya na pumunta kung saan-saan. Doon na rin nagsimulang ipaimbestiga ng mga magulang ang mga pinaggagawa niya sa nakalipas na limang taon. Lahat ng kaibigan niya ay pinuntahan ng Papa niya nang wala siyang ideya. Nang malaman na marami siyang nagawan ng atraso sa ibang tao, binigyan na siya ng leksyon para matuto siya at magbagong-buhay. Babae lang daw siya sa pananamit. Pero dinaig pa niya ang mga kapatid niyang lalaki kung masangkot sa kung anong gulo sa bayan nila. Una na siyang sumama sa community service dahil nabangga niya ang pwesto ng isang street vendor noong minsan silang nagkarerahan ng mga kaibigan niya. At ngayon naman ay kailangan niyang pagsilbihan ang pamilya ni Bennett para makabawi naman daw sa atrasong nagawa niya sa kaibigan noon. Although it was a trap because the main purpose is to marry Bennett. Kailangan na daw niyang mag-asawa dahil hindi na rin siya bumabata. Kailangan daw niya ng anak para magkaroon siya ng bagong purpose sa buhay. Anak kaagad? Umakyat na siya sa silid bago pa uminit ulit ang ulo ng Papa niya. Nagbasta naman siya ng gamit na dadalhin niya sa Guererro Farm. At dahil mainit ang panahon ngayong summer, puro tank top at crop top ang pang-itaas na damit ang dinala niya. Walking shorts naman sa pang-ibaba at pambahay lang na tsinelas dahil farm naman ang pupuntahan niya. Maaga siya kinabukasan. Paggising pa lang niya ay si Dominico kaagad ang rumehistro sa balintataw niya. May misyon tuloy siya ngayon na magpapansin sa binata. Malay niya, isang araw ay ito pala ang pakakasalan niya ay hindi si Bennett. Why not? Kanina pa siya paikot-ikot sa salamin at naka-ilang palit na siya ng damit. Hindi niya mapagdesisyunan kung ano ang isusuot. Naisipan niyang kumuha ng ilang sunday dress at isiniksik sa maleta. Ang isa ay isinuot, na hindi man lang umabot sa hita. Malalim ang neckline niyon na naglalantad ng maputing pisngi ng dibdib niya. Tamang-tama sa plano niyang pang-aakit kay Dominico. She is twenty-four. Alam na alam niya ang karisma niya sa mga lalaki. At kagabing nagpaalam si Dominico sa kanya ay tiniyak nitong maramdaman niya na isa itong tunay na lalaki. Nanlaki pa nga ang mata niya dahil may gumuhit na kiliti sa tiyan niya pababa. Nang magtawag ang Mama niya ay mabilis siyang bumaba. Hindi dahil takot siya sa ina kung hindi dahil narinig niya ang kakaibang tunog ng sasakyan. Ang rebulosyon niyon ay katulad ng rebolusyon ng kotse ni Dominico kagabi. At hindi siya nagkamali, iyon nga ang Ford Mustang na noon pa niya pangarap na magkaroon kung hindi lang tumutol ang Papa niya. Pero nadismaya din kaagad siya nang bumaba roon si Bennett. Naka-casual t-shirt at walking short lang din ito katulad niya. Hindi naman maikakailang magandang lalaki rin si Benmett. Pero iba ang dating ng Ford Mustang kagabi nang si Dominico ang bumaba doon. Hindi bagay kay Bennett ang sasakyan ng kapatid nito. Nagpaalam siya sa Mama't Papa niya. Inihabilin naman siya kay Bennett na animo'y guardian niya ang binata. At sinabi pa talaga ng mga ito na huwag siyang payagang magmaneho ng kotse. Narinig niyang kinausapa pa ng Papa niya si Mr. Guererro para bilinan ng mga dapat at hindi niya dapat gawin. Ibig sabihin ay grounded pa rin siya hanggang ngayon at abot ang parusang iyon hanggang sa kabilang farm. Pero walang nagawa si Bennett nang sabihin niyang gusto niyang subukang imaneho ang Ford Mustang na pag-aari ni Dominico. Halos mabingi pa nga si Bennett nang lakasan niya ang stereo ng sasakyan. Pakiramdam niya'y nakalaya siya mula sa pagmamanipula ng mga magulang. Ito lang ulit kasi ang unang subok niya na magmaneho ulit. Para siyang bata na dinala sa mall at pinasakay sa bump car. Ang sabi ni Bennett ay nasa bayan naman daw ang mga magulang nito kaya't hindi siya makikitang nagmamaneho. Pero ang hindi niya inaasahan ay ang nakakunot na noo at naniningkit na mga mata ni Dominico nang dumating sila sa bahay ng mga Guererro. Gayunpaman ay hindi siya magpapasindak. At natutuwa siyang si Dominico ang sumalubong sa kanya kahit pa mukhang susungitan yata siya dahil minaneho niya ang kotse nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD