Chapter 5

1606 Words
"Hi, Dom," bati ni Denisse sa kuya ni Bennett na hindi man lang ngumiti sa kanya. Tumaas lang ang kabilang sulok ng labi nito at tumango na sa kapatid at nagsabi na aalis ito. "Pasok ka, Denisse," yaya ng kaibigan pero nauna pa itong pumasok sa kabahayan at hinayaan siyang maiwang mag-isa sa labas ng pinto. Nang makita ang kasambahay ay inutusan nitong kuhanin ang maleta niya. "No, manang, let her carry her luggage inside her room. Pumunta ka na lang sa kusina para maghanda ng kape ko. Aalis ho ako maya maya," pigil ni Dominico sa katulong na umatras naman kaagad at nagtungo sa kusina. Naningkit ang mga mata niya. Alam niyang sinabi ng Papa niya na hindi siya dapat mag-expect ng special treatment. Pero hindi niya inaasahan na pati ang mabigat niyang maleta ay hindi man lang niya maipapakisuyo sa katulong. Tinungo niya ang likod ng kotse saka kinuha ang sariling maleta. At nakamasid naman si Dominico sa kanya na hindi rin siya tinulungan. "I thought you were not allowed to drive?" tanong nito na sa malawak na bakanteng lupa lang ito nakatingin sa halip na sa maganda niyang mukha. Ngayon lang siya nakaharap ng lalaking hindi interesado sa ganda niya. "Sa highway lang naman," pagsisinungaling niya. "At wala namang limang kilometro ang idrinive ko." "Hindi iyon ang bilin ni Papa nang sinabi niyang huwag kang payagang mag-drive. And that's my car. I don't allow anyone to use my personal belongings." Muling naningkit ang mga mata niya. Hindi naman pala talaga ito basta seryoso, napakasungit pa. Mawawala yata ang composure niya dahil gusto niyang suntukin ang dibdib nito sa inis. Pero kinalma din niya kaagad ang sarili. Kadarating lang niya dito at ayaw niyang masira ang misyon niyang paluguran ang pamilya ng kaibigan niya para makabawi kahit paano. At tiyak namang siya na naman ang pagagalitan ng Papa niya kapag bumalik siya sa Hacienda Luna dahil lang sumuko siya sa kasungitan ng lalaking ito. At bakit nga ba ito nagsusungit in the first place? Sinalo ba nito ang problema noong ipinanganak kaya ganito ito kasungit? "I'm so sorry. Hindi ko alam na sasakyan mo 'yan, akala ko kasi kay Bennett. Gusto mo bang palitan ko? It would take time though, pero kaya kong palitan." Isang sarkastikong ngiti ang ibinigay nito na sandaling humarap sa kanya. "Ganyan ba ang tingin mo sa mundo, Miss Silvestre? Na kaya mong palitan lahat ng bagay?" "Why not? It's just a car. Kaysa naman sungitan mo 'ko nang abot langit na akala mo naibangga ko sa poste ang kotse mong mahal." Tumalikod na siya kay Dominico bago pa mawala ang manipis niyang makeup dahil nanggigigil siya sa inis. At dahil wala namang nag-assist sa kanya kung saang silid niya puwedeng ilagay ang gamit, umupo muna siya sa sofa at pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Ngayon pa lang siya nakarating sa bahay ng mga Guererro. Si Bennett naman kasi ang palaging nagpupunta sa kanila noon. At kapag dumadalaw ang Mama't Papa niya dito ay hindi siya nakakasama. Maganda naman pala at may kalakihan din ang bahay na lahat ay yari pa sa kahoy. Iilan na lang sa bayan nila ang may ganitong uri ng kabahayan. Kalimitan na semento katulad ng mansyon nila na ilang beses nang dumaan sa renovation. Guererro's house is a classic one. Kahit Arkitekto siya ay wala siyang gustong baguhin sa bahay na iyon na pakiramdam niya'y maraming sentimental value. "Hey, babe! Let me show you your room!" sigaw ni Bennett mula sa ikalawang palapag. Kalalabas lang nito ng kwarto. Talaga bang bibitbitin niya ang maleta mag-isa hanggang sa silid niya? Pumasok sa kabahayan si Dominico na sa inis niya ay napilitan siyang lumakad patungo sa hagdan. Paisa-isang baytang ang buhat niya sa maleta. Ngayon pa lang ay nag-iisip na siya kung paano iinisin ang Dominico na 'yun. Paluluguran niya ang mga magulang ni Bennett pero sisiguraduhin niyang mabubuwisit ang lalaking 'yun. At hindi ba't ito pa mismo ang nagyaya na mamasyal siya dito sa farm? Paanong pakiramdam niya'y hindi naman pala siya welcome dito? Sa wakas ay naiakyat niya ang maleta. Sa dulong silid siya dinala ni Bennett na katapat ng isa pang silid. Apat ang pinto sa ikalawang palapag na iyon. Pagbukas niya ng pinto niya ay tumambad ang isang kama, isang cabinet, at isang tokador. Walang banyo sa loob ng silid. Ibig sabihin ay makiki-share siya sa banyo ng iba. Hindi niya inalis ang damit niya sa maleta. May palagay siyang palalayasin din siya ng Dominico na 'yun oras na may hindi na naman ito magustuhan sa kanya. At wala na rin siyang balak na magtagal pa ng higit sa dalawang linggo. Maipakita lang niya sa mga magulang ni Bennett na sincere siya sa paghingi ng sorry, aalis rin siya kaagad dito. "Pasensya ka na, ito pa lang kasi ang nalilinis ni manang. Isa lang kasi ang katulong namin dito ngayon." Pumasok si Bennett at umupo sa kama pagkasara nito ng pinto. "It's okay, dalawang linggo lang naman ako dito. Kaninong silid nga pala ang katapat na pinto?" "Kay Kuya Dom. Siya ang nagsabing dito ka na lang patuluyin. Share na lang daw kayo ng banyo." "Siya ang ka-share ko sa banyo?!" "Oo. Dalawang buwan lang din naman si kuya dito. Babalik din siya sa Hawaii kasi nandoon ang mga negosyo niya." "Hmmm..." Sumagi sa isip niya ang paglalapit ng katawan nila noong isang gabi. Tiyak niyang sinadya nitong tyansingan siya at iparamdam din ang p*********i nito. Nagulat siya kanina nang ibang Dominico ang humarap sa kanya. Iyong Dominico na walang interes sa ganda niya. "Tara sa ibaba, nagpahanda ako ng meryenda kay manang." "Mamaya na, nandyan pa 'yung kuya mong masungit. Talaga bang ganun kabigat ang problema nun sa mundo?" Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Bennett. "Seryoso lang talaga sa buhay si Kuya Dom. Pero mabait 'yun." "Paanong mabait? Mula yata sa dinner natin sa bahay hanggang kanina sa ibaba ni hindi ko nakitang ngumiti. You are his total opposite. You are friendly and jolly. 'Yung kuya mo ipinaglihi yata sa sama ng loob." Bago sumagot si Bennett ay narinig nila ang malakas na pagsara ng pinto sa kabilang silid. Nagkatinginan sila ni Bennett. "Naririnig ba ang pinag-uusapan natin sa labas?" "Ang lakas ng boses mo eh." Sh't, napamura siya nang lihim. Dinagdagan pa talaga niya ang ikaiinis ng lalaking 'yub sa kanya. "Totoo naman kasi eh. Puwede namang ngumiti pero mas gusto nang laging nakasimangot." Hininaan niya na ang boses para masigurong hindi sila maririnig sa labas. "Wala kasing lovelife," pabulong namang sagot ni Bennett na ikinatuwa niya. "Baka kulang sa s'x." Sabay silang nagtawanan ng kaibigan. Iyon nga siguro ang kulang sa lalaking 'yun. At iyon din kaya ang dahilan kaya ito nagsusungit? Defense mechanism ng lalaki ang magsungit-sungitan sa babaeng gusto pero ayaw nilang ipaalam. Sumagi muli sa isip niya ang pagdikit ng katawan nito noong dinner para iparamdam ang p*********i nito. Ibig sabihin ay may epekto kay Dominico ang ganda niya. Ibig kayang sabihin ay may gusto rin ito sa kanya? Pilit niyang binabalikan sa isip kung nakailang sulyap ito sa kanya noong dinner habang hindi siya nakatingin. Naalala niyang naroon ito sa patio habang masaya silang naglalangoy ng kapatid niya at ni Bennett. Kung pinagmasdan nito ang kabuuan niya noong gabing iyon ay hindi niya tiyak. Pero gusto niyang malaman ngayon kung tama ba ang hinala niyang may nararamdamang atraksyon si Dominic sa kanya. "Let's go downstairs, I'm starving. Ano bang makakain sa ibaba?" "May sandwich na ginawa si manang. Tara." Hinawakan ni Bennett ang kamay niya at sabay silang lumabas ng pinto. Sakto naman ang paglabas din ni Dominico sa silid nito na napatingin kaagad sa kamay nila ni Bennett na magkahawak. Natural lang sa kanya 'yun at wala silang malisya sa isa't isa. Kahit palaging sinasabi ni Bennett na may gusto ito sa kanya, hindi siya naiilang kahit hawakan nito ang kamay niya o akbayan siya minsan. Siguro ay dahil hindi nawala sa isip niya na kalaro niya ang kaibigan noon pa. At ni minsan ay hindi siya nito natyansingan kahit minsan ay nakikitulog pa ito sa kanila. Hindi tulad ni Dominic na minsan lang siyang nilapitan ay idinikit na kaagad ang p*********i nito. "Mag-meryenda na tayo, kuya," yaya ni Bennett sa nakatatandang kapatid. Tipid lang itong ngumiti pero hindi pa rin nakatingin sa kanya. "I had my coffee. Maglilibot ako sa niyugan at mamayang hapon pa ang balik ko. Make sure you don't do something stupid while I'm not here." "Maglilibot ka? Puwedeng sumama?" tanong ni Bennett na hindi pinansin ang pasaring ni Dominico. Something stupid? Ano naman ang tingin nito sa kanila ni Bennett, mga bata? "No. Marami pa akong pupuntahan." "Pero gusto ko ring ipasyal si Denisse---" "It's okay, Bennett, hayaan mo na ang kuya mong lumakad mag-isa. We can go out later," sala niya para ipakita na hindi siya bubuntot-buntot kay Dominico. "Wala kasi tayong sasakyan, gamit nila Papa." "Then we'll walk. Sanay akong maglakad sa bukid. Iniikot ko kaya ang Hacienda Luna sa pag-jogging sa umaga at sa hapon." "Are you sure?" "Hundred percent. Isa pa, ayokong makisakay sa sasakyan ng may sasakyan, nakakahiya eh. Sana nga nag-trisekel na lang tayo kanina o nagpahatid na lang tayo sa driver ni Papa." Tuloy-tuloy silang nagtungo sa kusina nang hindi na siya lumingon kay Dominico. Pero sinigurado niya na maririnig nito ang sinabi niya. Pakiramdam niya'y nakaganti siya sa unang pang-iinis ng lalaking 'yun. 'Way to go, Dominico Guererro,' saad niya sa sarili. Simula pa lang ng kasungitan niya. Sa susunod naman ay kung paano niya ito pasasabikin at aakitin. Walang s'x life? Manigas na lahat ng maninigas sa Dominico na 'yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD