"Anong pinagsasabi mo sa Papa ko? Talaga bang hindi ka titigil kabu-buwisit sa 'kin?" Pabulong na nagagalit si Denisse kay Dominico nang makalayo ang Papa niya. Tuloy-tuloy siya sa hardin para doon sila mag-usap. Mabuti na lang talaga ay lakad ang Mama't Papa niya. Kung hindi ay baka kung ano-ano pa ang nasabi Dominico kanina. "I'm not trying to annoy you. Pero pumayag na ang Papa mo na ako ang ipapalit niya kay Bennett bilang mapapangasawa mo." "You don't have to say we've kissed!" "Why not? I am proud of it." "Oh... I'm not." "Really?" Tumaas ang isang kilay nito na inirapan lang niya. "Kumusta si Bennett? Tuloy ba ang pagdadala sa kanya sa ospital?" "Mamaya pa lang namin makakausap ang mga doktor. Kapag nagtuloy-tuloy na ang pag-stable ng vital signs niya ay saka pa

