5

1707 Words
“SABI KO NA NGA ba, eh!” patiling sumbat ni Andie sa kapatid nang pumasok sila sa isang subdivision. Sa entrada pa lamang ng lugar na iyon ay walang dudang pawang mga  mapepera ang makaka-afford na magtayo ng bahay sa lugar na iyon. At tila mas tamang tawaging mansyon ang karamihan sa mga nakatirik doon. “Para kayong sira, Ate Vicky! Nagpagawa kayo ng ganyan kagarang bahay tapos nagtitiis kayo sa itaas ng puwesto ninyo sa Session? Look, kahit mag-tumbling kayo diyan maghapon, hindi kayo magkakabungguan.” “Ibang tumbling naman ang nagagawa namin ng kuya mo sa Session,” natatawang sagot nito. “And besides, mas practical nga na doon kami tumira since naroroon ang business. Iyang bahay namang iyan, more of investment kaya namin ipinagawa. Mura pa ang labor at materyales noong itinayo iyan. At itinatabi ko naman ang kita sa mga transient. Mga dalawang taon pa, halos bawi na rin namin ang ginastos sa labor. Pang-maintainance na din niyang bahay.” Napangisi siya. “Buti naman at labor ang sinabi mo. Aba, kung sinabi mong bawi mo ang buong nagastos sa bahay na iyan, hindi ako maniniwala! Ilan ang kuwarto niyan?” “Pito kasali na iyong maid’s quarter. Pero iyong master bedroom na ang gamitin mo.” “Nakakahiya naman!” “Of course not. Hindi ka naman transient para i-restrict sa kuwarto na iyon. Feel free to occupy it, Andie.” “At paano kapag naisipan ninyong umuwi ni Kuya Bernie?” Kinabig niya ang manibela at ipinasok ang jeep sa open garage. “Kung noon ngang walang tao diyan, hindi namin naiisip na mag-overnight ngayon pang alam naming diyan ka muna mag-i-stay pansamantala?” Nang huminto ang jeep ay nauna na itong bumaba at ipinakita sa kanya ang isang bungkos na susi. “Look, ito ang susi nitong main door.” At isa-isa nang itinuro sa kanya ang iba pa. “Kapag nakalimutan mo kung alin ang alin, trial and error na lang.” Binuksan na nito ang bahay. Awtomatikong humagod ang kamay nito sa bureau. “Tsk! Kulang sa linis, Andie. Ikaw na ang bahala kung gusto mong maglinis. Kung ayaw mo, huwag mo na lang pansinin. Alikabok at konting agiw lang naman ang mga iyan. Usually pinapalinis ko ito pag may mag-o-occupy at pag nag-check out. Two weeks ago yung huling transient, meaning to say iyon din ang huling linis. Sa makalawa, magpapapunta na lang ako dito ng maglilinis. Pasensya na, busy masyado ang mga tao ko. Wala akong nai-delegate na maglinis dito bago ka dumating.” “Kaya ko namang maglinis. Ako na. Teka, sino ang nakatira sa kabila?” sa halip ay sagot niya. Kagaya ng property ng kapatid niya ay open space din iyon at di-hamak na mas malaki pa ang bahay. “Ah, iyon ba? Negosyante din. Mabait naman siguro.” Napakunot ang noo niya sa isinagot ni Vicky. “Bakit siguro? Duda ka?” “Hindi naman. Ibig ko lang sabihin, since hindi naman kami talaga nakatira dito, I can never be sure. Pero sabi ko nga, tahimik naman dito. So, wala ding problema sa kapitbahay. Kung perhuwisyo iyan, di kami ang unang maapektuhan dahil wala namang nakatira dito. Ano na ba iyong buwisitin itong bakuran? Pero hindi naman. Minsan nga, magagawi kami dito, malinis na malinis ang lawn. So malamang, dinamay na din ni considerate neighbor na mawalisan itong paligid.” “Hindi mo kilala ang kapitbahay mo?” “Kilala in the sense that I know the name and some other things but I don’t know him personally.” “Him. Lalaki,” she took note. “Yes, lalaki. Guwapo pero napagkakamalang suplado. Pero malay mo, sa iyo hindi na maging suplado? Baka magayuma sa beauty mo, di, panalo ka, sister. Mas mayaman sa iyo iyan.” Umikot lang ang mga mata niya. ***** JESSE HAD NEVER made love in the hammock until now. At bukod sa bagong lugar iyon, kakaiba rin ang babaeng kaniig niya. He could exactly tell the scent of her hair. Lavender. He could exactly tell the feel of the skin. Smooth and creamy. He could exactly tell the shape of her body. Very feminine and curvaceous. But he couldn’t tell how she looked. Nalalambungan ng itim ng gabi ang mukha ng babae. Pero sa kanyang imahinasyon, alam niya, kasing-ganda ng buong katawan nito ang mismong mukha. He had already kissed her. The lips was soft and luscious. Mabangong-mabango ang hininga. Ang ilong na banayad na bumangga sa kanyang mukha nang siilin niya ito nang halik ay matangos. And the plane of her face suggested an elegant profile of a woman’s face. Minsan pa ay hinaplos niya ang buong katawan nito. Hindi niya matukoy kung alin ang higit na mainit, ang mga palad niya o ang mismong katawan nito. Tila hindi kayang patayin ng malamig na hangin ng Baguio ang init na sumisingaw buhat sa kanilang mga katawan. Isang paghinga ang pinakawalan niya. He felt his body trembling with desire and need to this mysterious woman. He had to have her. Now. At bigla ay isang malakas na ingay ang gumulantang kay Jesse. Bigla ang naging pagbalikwas niya. Sikat nang pang-umagang araw ang sandaling bumulag sa kanya. At noon niya natanto na ang magandang pangyayari ay sa panaginip lamang niya nagaganap. Painot na bumangon siya. At bago pa siya ganap na nakatayo ay isa na namang malakas na pagbagsak ang narinig niya. He grumbled a curse. That noise was definitely a wrong timing. Maano ba namang pinatapos ang napakaganda niyang panaginip? Ni hindi pa nga niya nakikita ang anyo ng babaeng kaniig niya. He felt his groin ache. Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ah, kung mga isang minuto pa sana. Baka sakaling nasilayan niya ang mukha ng babae. “Go down, boy,” he said to himself and helplessly glanced at his morning erection. He made some stretching. Kung tutuusin ay hindi na siya kapos sa tulog, iyon nga lang, naputol ang maganda sanang panaginip. Mula’t sapul na tumira siya sa lugar na iyon, paminsan-minsan ay bigla na lamang siyang nabubulahaw ng iba’t ibang klase ng ingay. Karaniwan ay malalakas na tawanan. Depende sa uri ng grupo na natutuklasan na lamang niyang transient ng may-ari ng bahay. Pero iba ngayon. Sa lakas ng tunog ng mga bagay na bumabagsak, tila ginigiba na yata ang bahay sa tabi niya. “Tsk!” palatak niya. Without bothering to cover his nudity, tumayo siya sa tapat ng malapad na bintana ng kanyang silid at sinilip ang kanyang kapitbahay. Only to see a very wonderful sight. And his little friend in his nether region became more stiff and rigid. Bigla ay napaatras siya ng hakbang. Bagaman at may kurtinang tumatabing sa bintana, manipis lamang iyon at nilalaro pa ng hangin. Kagyat siyang nag-alala na baka biglang mapalingon sa kinaroroonan niya ang babae at matanaw siyang pinapanood ito. Worst, ang makita nito ang kanyang anyo. His window was a huge glass panel from ceiling to floor. Gusto niyang malayang nakakalusot ang liwanag sa kanyang silid. It made him feel closer to nature. Lalo at sa madalas na pagkakataon, kahit may bahay na nakatayo malapit sa kanya ay parang solo din naman niya ang paligid. Balewala din sa kanya kung magpalakad-lakad man siya sa silid na walang saplot. After all, it was his room. Pero sa pagkakataong iyon, naisip niyang pihitin ang Venetian blinds na nagbibigay privacy sa silid. For what? Napailing siya at inalis ang pagkaka-lock ng pinto ng kuwarto bago tumuloy sa banyo. Mabuti pang maligo na lang. But even under the shower, the sight of the woman never left his mind. Hanging blouse ang suot niyon na naghahantad sa makinis na sikmura. His maong shorts was low-waist kung kaya’t nasulyapan din niya ang pipis na puson. Sa distansya niyang iyon, malinaw pa ang mga mata niya para matukoy ang kinis ng balat ng babae. Ang puti-puti pa. Parang kumikinang habang tinatamaan ng sikat ng pang-umagang araw. And good Lord, as if maipambabawi ang nakita niya sa nabitin niyang panaginip, may pinulot sa baldosa ang babae dahilan para masilip na rin niya ang kuyukot niyon. Maputi din! “Jesus!” he groaned when he felt himself coming to life again. Ah, hindi niya sinadyang manilip. Nangyari iyon in maybe few seconds. Sadya lang natandaan niya ang mga detalye nito kung kaya’t nababalikan niya sa isip. Minadali niya ang paliligo. At bagaman higit na maginaw ngayon ang klima ay hindi niya ininda ang lamig ng lumalagaslas na tubig. Kailangan niya talagang malamigan para mapatay din niyon ang init na nabubuhay sa kanyang katawan. “Daddy!!!” “I’m here!” pasigaw ding tugon niya sa pagtawag ng anak. “Sandali na lang.” Nakaupo na sa dulo ng kanyang kama ang anak. Nakabihis na rin siya. Alam na ni Twinkle na kapag hindi nakakandado ang kanyang pinto ay puwede na itong pumasok kahit hindi kumakatok. Kapag naka-lock ang pinto, it meant he needed his privacy. “Ang aga mong nagising? Wala namang pasok, ah?” “Nasanay na po akong nagigising ng ganitong oras, eh. Ano ang breakfast natin, Dad?” “Coffee for me, milk for you,” ngisi niya sa anak at pinisil ang tungki ng ilong nito. “Ano ba ang nabasa mong breakfast sa diet program na binigay sa iyo ni Doktora?” Nanulis ang nguso ng bata. “One cup of rice, egg, hotdog and apple. Eh, Daddy, kulang pa sa akin iyon.” Ngumiti siya. “Anak, kagaya na rin ng kinakain ng matanda ang breakfast mo. Paano iyong magiging kulang?” “Eh, dalawang cup ang rice ko palagi, di ba? Saka extra eggs and hotdog. Or bacon. Or tapa.” “Meaning, double servings of everything. May diet program ka. Kailangang sundin mo iyon kung hindi mas lalapad pa lalo ang katawan mo. Grade two ka pa lang sa pasukan. Gusto mo bang palagi ka na lang napagkakamalang grade five?” Tumikwas pang lalo ang nguso nito. “Daddy, pagkatapos kong mag-milk, puwede bang mag-iced tea?” “Sure pero mamayang tanghalian na lang.” “Bottomless?” hirit nito. Tinitigan niya ang anak at napatawa na lang. “Dapat anak, more on plain water ka muna. May sugar din ang iced tea.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD