SA dami ng mga nakapila at nag-uunahang problema ni Asher, inaamin niya sa sarili na hindi niya na talaga alam kung ano ang uunahin sa lahat. Minsa'y napapailing na lamang siya dahil nanganganak ang mga problemang iyon nang mas marami pa. Napakaswerte niya lang na wala siyang problema sa mga empleyado at sa kumpanya dahil kung magkaroon man, sinisigurado niyang mababaliw na siya nang husto. Mula kay Mariz na pera lang ang gusto sa kanya, sa pagkamatay ni Diane, sa set-up nila ni Hyera, at ultimo pag-amin niya ng feelings niya kay Chesca ay problema niyang lahat. Idagdag pa ang kasasabi lamang ni Brandon patungkol kay Shanaia na ikinagulat niya. Ang ipinagtataka niya lamang ay kung bakit si Brandon ang kinausap nito at hindi siya. Lubos siyang natuwa sa pag-amin nito sa mga kasa

