KABANATA 54

2130 Words

HINDI makapali si Agnes nang malaman mula sa mga kasambahay na ilang araw nang hindi umuuwi si Shanaia sa bahay nila. Sa pag-aakala ng mga ito na nakitulog sa ibang bahay ang anak, tinawagan niyang lahat ang mga taong posibleng nakasama nito habang siya ay nasa two-week business trip abroad ngunit ni isa man doon ay hindi nito pinuntahan. Nagsimula siyang makaramdam ng pag-alaala nang hindi man lamang ito tumawag o nag-text sa kanya bago siya magtungo sa airport. Ni hindi niya na rin kinatok ang kwarto nito bago siya umalis dahil ayaw niyang maistorbo ito sa mahimbing na tulog. Nasaan ka na ba, Shanaia? Iniisip niyang baka nilayasan na siya nito dahil sa ugali niyang pagiging mapilit sa lahat ng bagay—lalo na ang tungkol kay Asher na palagi na lamang nila noong pinagbabangayan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD