Prologo
Ang istoryang ito ay pawang kat hang isip lamang. Kung may nabanggit pong lugar, pangalan at pangyayari sa inyong personal na buhay base sa kwento ay hindi ko po sinasadya. Ito po ay Rated-SPG at sa mga edad 18 pababa na magbabasa ay gabay ng magulang ay kailangan
"Salamat po and enjoy reading!"
≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈≈
"Bitawan niyo 'ko!".... Pakawalan niyo ako dito! Nasaan ako at
sino kayo?! "...
Sunod sunod na sigaw ng babae.
Nakapiring ang kanyang mga mata at nakatali ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. Binagsak siya sa malambot na kama at narinig niya ang mga yabag na nagsialisan na ang mga dumukot sa kanya.
Dinukot nga ba siya? Hindi siya
mayaman at sinong hayop ang gumawa
nito sa kanya. Mula sa pagkakahiga ay nanginginig siyang umupo sa kama.
"Mga walang 'ya kayo!" bulong ko.
Nang muli siyang makarinig ng yabag
at pagpihit ng pinto ay pakiramdam niya ay dalawa lamang sila dito sa loob.
Nag-umpisang mangilid na ang kanyang mga luha dahil sa takot at
nanginginig siyang nagsalita.
" Sino ka?.. Pakawalan mo ako dito!
anong kasalanan ko sa'yo at Saan niyo
ko dinala?"..
Hindi ito sumagot. Sa halip ay naramdaman niyang papalapit ito sa kanya. Napakagat siya sa kanyang labi.
"H-h'wag kang lalapit!!"..Diyan
ka lang! "...
" Tssk! "....
Iyon lang ang narinig niya at base sa boses ay lalaki ito.
"Ba't ayaw mong sumagot?
wala ka bang dila?!...
Hindi ito sumagot.
Nang maramdaman niya ang paglubog ng kama ay napaatras siya.
" A-anong kailangan mo sa Akin?
'wag kang l-lalapit. Diyan ka lang. Sige!
sisigaw ako dito. Pakawalan niyo na ako.
hindi ako mayaman para dukutin niyo ako!.. Kaya hayaan niyo na akong makaalis dito!!"..
Wala siyang narinig na sagot mula dito, kaya napalunok siya.
Nang maramdaman niya ang kamay ng lalaki sa pisngi niya ay iniwas niya ang kanyang mukha. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at sa paghaplos ng lalaki sa mukha niya ay kung ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa kanyang ugat.
halatang batak ito sa trabaho ang lalaki dahil sa gaspang ng palad nito.
"L-lumayo ka sa akin".. Wala kang mapapala sa akin kung sino ka man dahil hindi na ako birhen!..
Sa sinabi niyang iyon ay narinig niyang natawa ang ka harap na lalaki.
"Anong nakakatawa sa sinabi
ko?".. Baliw ba ang kaharap niyang lalaki at natawa lang ito sa sinabi niya. At parang may kaboses ito kung paano ito tumawa. Napailing na lng siya sa naisip na iyon.
Nang maramdaman niyang gumaan na ang kinauupuan niyang kama ay nabawasan ang takot niya sa kanyang dbdib. At narinig na lamang niya ang mga yabag palabas ng pinto.
Nakahinga siya ng maayos. Akala niya ay kung ano na ang gagawin sa kanya ng lalaking iyon.
Tama bang may kaboses ang pagtawa ng lalaki?
Ang tawa nitong pilit lang.
Ang paghaplos niya sa aking pisngi.
Tama ba ang naisip niya? ....
Si Rex?....
Si Rex lang ang gumagwa sa kanya ng ganoon. Bakit ganito ang pakiramdam niya sa lalaking iyon? Pero hindi niya maiwasang mag-isip ng kung ano ano.
Muli siyang nakaramdam ng takot.
Takot na baka ito na ang katapusan niya at hindi pa siya handang mawala sa mundong ito. Paano na ang itay at ang kanyang inay at dalawa niyang kapatid na pinapaaral pa niya. Siya lang ang inaasahan ng pamilya niya.
Bakit ito nangyayari sa kanya?
tahimik na ang buhay nila, ng buhay
niya mula sa gulong nangyari ilang taon ng nagdaan at masaya na siya ngayon.
at masaya siyang nagtuturo ngayon.
pero napag-alaman niyang nandito na si
Rex.
Natahimik siya.
Muling nangilid ang kanyang mga luha. Nanumbalik muli ang sakit. Ilang taon na nga ba noong iniwan siya ng binata?
"Four years?"..
"Five years?"....
"Six years?".......
"Seven years?"....
Tama. Seven years ago na pala".. Pero
bakit masakit pa rin? "....
Humikbi siya. Ngayon na uli niya naalala ang binata. Dito pa sa pesteng lugar na ito at nadukot pa siya.
Natural na madilim Marga dahil
nakapiring ka!!.... Kastigo ng isipan niya
Kung kelan pa siya nadukot ay siya
namang pag-eemote niya. "Kaloka!"..
Kaya nga ayaw niyang mag-isa
dahil bumabalik lahat ang sakit. "Putik!"
Naiinis na siya. Sino kaya ang susunod na papasok dito. Baka hindi na naman mgsalita ang mga ito. Bago ba sila pumapasok dito ay naka plaster
na ang mga bunganga nila. Ba't ayaw nila akong kausapin.
Natawa siya sa mga pinagsasabi ng utak niya.
"hahaha!"... Alangan namang makipag
kwentuhan sila saiyo!?.. eh, dinukot ka nga Diba??.. Kastigo kong muli sa aking sarili.
Nababaliw na ba ako??.. Mas gugustohin ko pang mabaliw kesa
sa mamamalagi dito"...
Sino ang taong nasa likod nito. Sino
ang gumawa nito sa kanya. Ano ba talaga ang kailangan nila?. Hoy! kung sino man ang tao diyan sa labas ay pakawalan niyo ako!!.. Sigaw ko. "ayoko
na dito!.. Pauwiin niyo na ako!!.. Huhuhu!
wala kayong mapapala sa akin"... Sabi ko sa mahinang boses.
Tumunog ang kalamnan ko at senyales na gutom na ako. Ibig sabihin ay ilang oras na akong narito.
Anong plano o balak nilang gawin sa
akin? Miyembro ba sila ng
Sindikato?...
Pero bakit siya pa?? Marami namang iba diyan na mas maganda
sa akin at sexy"...
"Nay, Tay"... Baka hindi ko na po kayo makita. Sana man lang ay niyakap ko na kayo kanina bago ako umalis. Kayo ng mga kapatid ko. "Butchoy, Barley.. Mahal na mahal ko kayo, kayo nila tatay at nanay"..bulong ko.
Ngunit nang muli niyang maramdaman niya ang mga yapak
na papalapit sa pinto ay muli siyang nakaramdam ng takot.
Ito na ba ang katapusan niya?
Ito ba ang naka plano sa buhay niya?
Pero hindi. Hindi ito iyong gusto niyang mangyari.
Nang bumukas ang pinto ay kinabahan siya. Naamoy niya ang masarap na pagkain. Muling kumalam ang kanyang tiyan.
"Sino ka?"... Pakakawalan niyo
na ba ako? "..
Hindi ito sumagot.
Nang maramdam niyang papalapit ito sa kanya ay napaatras siya.
" Huwag kang lumapit sa akin! "..
d-diyan ka lang!". .
"H'wag po kayong matakot mam.
wala akong masamang gagawin sa inyo"..
Boses babae. Babae ang pumasok sa kwarto.
"Wala?!"... Pero nandito ako at piniringan niyo pa't itinali pa ang mga
kamay ko!! "..
" inutos po itan ni sir para hindi po kayo makatakas "..
" Anong akala niyo sa akin??
"Hayop??....
" Hayop na pwedeng itali??... "Tssk!!!.. Tuloy kong sabi.
Napailing na lang ang babae at bumuntong hininga ito.
" Kain na po kayo mam. Pinadalhan po kayo ni sir g pagkain. Pinaluto pa niya ito kay manang"..
"Sir?"...... Sino ang sir mo? Siya
ba ang nagpadukot sa akin? "..
Hindi sumagot ang babae. Muli siyang nagtanong.
" Sino ang sir mo?!.... Kilala ko ba ha?!!"...
Ngunit hindi pa rin siya nito sinagot.
"Malaki ba ang ibinayad ng sir mo
sa'yo para gawin ninyo sa akin ito ha?!..
Muli siyang naiyak.
" Ano bang kasalanan ko sa sir
mo na sinasabi mo at dinala ninyo
ako dito?! "..
" H'wag na po kayong umiyak mam.
sinusunod lang po namin ang utos ni
sir"..
"Sinusunod?? Demonyo 'yang sir ninyo!".. Pakawalan mo na ako dito! "..
"Hindi po kayo makakalabas dito mam. Marami pong bantay sa labas at kung hindi ko naman ito gagawin ay
tatanggalan ako ng iskolar ni sir"..
"Scholar?"... Iskolar ka nang Demonyong tinatawag mong sir! ".
Hindi ito sumagot.
Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya at tinanggal nito ang piring at tali niya sa mga kamay niya. Nakahinga na siya ng maayos. Tumingin siya sa babae. Tantiya niya ay nasa bente anyos ito.
"kumain na po kayo".. Hindi po
magandang nalilipasan kayo ng gutom".
Sabi nitong ngumiti sa kanya.
"ilabas mo na ako dito!".. Diin kong sabi.
"H'wag na po kayong magpumilit
dahil hindi po iyon mangyayari. Kumain na lang kayo"..
Napailing na lang siya.
"Narinig ko na po iyang pag-ungot ng tiyan niyo. Kaya, h'wag na po kayong magmatigas. Kumain na po kayo".
Napalunok na lamang siya. Totoo
ang sinabi ng babae. Gutom na siya.
Inabot ng babae ang tray ng pagkain at napansin niyang paborito niya ang nakahaing pagkain sa kanyang
harapan. Mabilis niya itong naubos.
"Halatang hindi kayo gutom
mam".. Sabi nitong ngumiti. "masarap po ba ang niluto ni manang?".. Tanong nito.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay uminom siya ng juice at iniligpit na nito ang kanyang pinagkainan.
"Maiwan ko na kayo mam". H'wag
niyo na pong tangkaing tumakas, dahil
ibabalik at babalik po kayo dito sa
kwarto"..
"Bakit?".. Papatayin ba ako ng sir mo kung tatakas ako? "..
"Maraming bantay sa labas at dito po sa labas ng kwarto"..
"Wala akong paki alam!!".. Gusto
ko nang umuwi!!!.. Paalisin mo na ako
dito!!"..
"H'wag ng matigas ang ulo niyo"..
gaya po ng sinabi ko ay ibabalik at babalik nila kayo dito".
"Sindikato ba kayo?!".. Ba't ayaw niyo akong pakawalan? ".
Hindi ito sumagot. Napabuntong hininga na lang ito.
" Ano?!! "... Miyembro ba kayo ng sindikato at pinadukot ako ng sir mo
ha?!".
Hindi na naman sumagot ang babae.
"So, totoo nga na miyembro kayo ng sindikato dahil ayaw mong sagutin ang tanong ko!".
"Sa totoo din po ay inutos ni sir na 'wag kayong kausapin at h'wag sagutin ang mga itinatanong ninyo. Kaso po ay makulit kayo at ang bunganga kong ito ay hindi ko mgsalita".. Kakamot kamot nitong sabi.
" Inutos?"... Inutos ng sir mo?
masiyado bang mataas yang sir mo at sunod sunuran kayo sa kanya?! ".. Pinoprotektahan ninyo ang kasamaang ginagawa niya"..
"Mabait po si sir at yan ang pagkaka kilala ko sa kanya. H'wag po kayong mag-alala, mamaya po ay nandito na si sir. Labas na po ako".
Pagpapaalam nito. Ngunit bago ito
makalabas nilingon muna siya nito.
"Paalala ko po uli mam na h'wag niyo nang tangkaing tumakas pa. Hindi naman po kayo sasaktan ni sir e".
"Hindi ba't pananakit na iyong ginawa niyong pag tali sa akin at itong
pagdukot ninyo?! ".
"May dahilan si sir, kaya ginawa
niya po ang bagay na iyon at kung balak ka niyang saktan, sana ay kanina pa niya ginawa no'ng pumasok siyang mag- isa dito sa kwarto niya".
Bigla siyang natahimik sa sinabing
iyon ng babae. At tuluyan na itong umalis at narinig pa niya ang click ng pinto, tanda ng paglocked nito.
Kuwarto??
Kuwarto ng sir niya?
"Iyong lalaking humaplos ng pisngi ko
ang sir na binabanggit ng babae??..
Iyong lalaking??...
Sumasakit na ang kanyang ulo sa kakaisip.
Sino ang lalaking iyon? At bakit hindi ibinalik no'ng babae ang piring sa mata ko at tali sa mga kamay ko? Baka nga katapusan ko na ngayon. Sa sobrang pag-iisip ay naka tulog siya.
------------
Nagising at naalimpungatan siya sa pag-aakala niyang may humahaplos sa kanyang mukha. Inilibot niya ang kanyang paningin sa kwarto. Ngunit mag-isa lang niya doon. Naramdaman niyang gusto niyang magbawas ng tubig sa loob ng katawan niya. Hindi pa pala siya nagbabanyo simula kaninang kumain siya ng tanghalian. Tumingin siya sa kanyang relo.
Pasado alas kuwatro na. Napasarap ata siya ng tulog. Tumayo siya at pumunta sa banyo. Umihi siya at naghilamos. Nakita niya ang mouth wash at pinaki alaman niya na ito. Baka magalit ang may-ari nito pero bahala na. Halatang hindi pa gamit dahil naka sealed pa ito. Ginamit na rin niya ang tuwalya doon at kapapalit lang din ito.
Pagkatap0s niya ay lumabas na siya ng banyo. Muli siyang umupo sa kama.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa sulok ng Kuwarto. Ngayon lang niya napansin kung gaano kaganda ito. Pang lalaking desinyo, Mula sa mga kurtina at kobre kama nito ay pang lalaki din. Naagaw ng atensiyon niya ang mga closets. Lumapit siya doon.
Pakiramdam niya tuloy ay gusto niyang magpalit ng uniporme. Hindi dahil naiirita siya kundi ay hindi siya sanay na nakasuot ng uniporme sa bahay.
Bahay??....
Hindi mo ito bahay Marga!! ".. Bulong ng isip niya. Bahay ito ng lalaking nagpadukot sa'yo. Muling sabi ng kanyang isipan. Binuksan niya ito at napanganga siya sa kanyang nakita.
Tuxedo?
Amerikana?
Office attire??
Dahan dahan niyang isinara iyon.
Bumalik siya sa kama at umupo
doon. Ibig bang sabihin ng nakita ko ay mayaman ang lalaking nagpadukot sa kanya?? Ani ng isip niya.
"Kung mayaman man ito, Bakit ako pa?". Sino ba talaga siya? Bakit
kailangan niya pa itong gawin sa akin?..
Baka miyembro sila ng Mafia
Napatutop siya sa kanyang bibig.
Tama ba ang naisip ko??
Baka ibebenta nila ang aking internal
organ sa mga mayayamang pamilya?
O, kaya naman ay,
"Ako ang mismong ibebenta nila"..
Ano ba itong naiisip mo Marga?
Muling gumapang ang takot sa kanyang katawan. Sa inis ay tinungo niya ang pinto at pinagbabayo niya
ito.
"Ehm! Ehm! mga hayop kayo!
buksan niyo 'to! Pakawalan niyo na ako dito!!".
At dahil sumakit na ang mga kamay niya sa pagbabayo ng pinto ay tumigil na siya.
Bakit wala man lang siyang
narinig na ingay o kaluskos sa labas ng kwarto. Bumalik siya sa kama para umupo.
Mag-uumpisa na naman ba siyang umiyak? Paano ba siya napunta sa pesteng lugar na ito? Naalala niyang
naglalakad siya papuntang unibersidad na pinagtuturuan niya ng may biglang nagtakip ng panyo sa kanyang bibig at nawalan siya ng malay. Paggising niya ay nakapiring na at nakatali na ang kanyang mga kamay. Kaya kinaladkad siya dito papuntang kwarto.
Nadukot siya nang wala man lang
nakaka alam??
Nakakagtaka.
Naalala niyang walang siyang
nakitang gwardiyang nagbabantay sa loob at labas ng gate kaninang umaga.
"Tama ako. Plinano nila ito.
Kung sino man ito ay mananagot ito
sa batas".
Napakalakaki ba ng kasalanan
niya para gawin nila ito sa kanya?
Muling nangilid ang kanyang mga
luha.
Bakit nga ba sa dinami dami
ng babae ay siya pa?! ".. Paulit ulit na
lang na tanong niya sa kanyang sarili.
Makakatakas pa ba siya sa lugar na ito? Paano kung hindi na?.
Inilagay niya ang kanyang mga paa sa taas ng kama at niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Tumalikod siya sa
pinto para hindi niya makita kung sino
man ang papasok doon. Hinaplos haplos niya ang kanyang braso. Pakiramdam niya ay giniginaw siya sa oras na 'yon. Muli siyang napabulong.
"Anong gagawin ko? Siguradong
nag-a alala na sila itay sa akin".
Yumuko siya at isinubsob niya
ang kanyang mukha sa kanyang mga
tuhod.
Nang makarinig siya ng mga yabag
ay napapikit na lang siya. Naramdaman niyang nanginginig ang kanyang mga tuhod. At nagbabadya ng dumaloy ang kanyang mga luha.
Papalapit ng papalapit ang mga yabag na iyon sa pinto. Mga yabag na para bang kay bigat ng dinadala nito.
Nang marinig niya ang pagpihit ng pinto ng ay tuluyang naglandasan ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi.
Bumukas iyon.
Kinabahan siya.
Ayaw niyang lingo in ito.
At naiinis siya sa kanyang sarili
dahil ayaw tumigil sa pagpatak ng tubig
sa kanyang mga mata.
"Face me woman".
Isang baritonong boses ang kanyang narinig. Natigilan siya. Pinahid niya
ang kanyang mga luha.
Siya na ba???..... Tanong ng
kanyang isipan.
Ngayon, ipapakita niya na hindi
siya natatakot dito. Taas noo niyang
hinarap ito. Natigilan siya.
Totoo ba ang kanyang nakikita?
Ang matagal ng hinahanap ng
kanyang mga mata.
Ang labis niyang minahal.
Ang lalaking nag-iwan ng labis
na sakit sa kanyang puso.
Walang iba kundi'y si Rex Sandoval.
Madilim ang mukha nitong naka tingin
sa kanya. Parang animoy sasabak
sa giyera..
Napalunok si Marga sa kaharap na lalaki. Sa ilang taong hindi niya ito nakita ay malaki ang pinagbago nito. Nakabulsa ang isang kamay nito at halata sa suot nitong long sleeve ang lapad ng dibdib nito. Ang balbas nitong patubo pa lang na siyang lalong nagbigay ng kakisigan dito at ang buhok nitong bagong razor lang. "R-Rex"..
"Done checking me??" Tssk!!
"A-anong g-ginagawa mo dito?" utal utal niyang tanong sa lalaki.
"This is my room". That's why I'm here". Diin nitong sabi.
"I-ikaw ba ang dahilan kung
bakit ako nandirito?"
"What do you think woman?
"I-ikaw ang nag. pa. du. kot . sa
akin??"..
"Yes!"
"Bakit?
" No need to answer that! "
"Pinaglalaruan mo ba a-ako?
"Ano sa palagay mo ang isasagot ko diyan sa tanong mo?".. Madilim at matigas nitong tugon sa kanya.
Natahimik siya. Umiwas siya ng tingin dito.
"Bakit mo ito ginagawa?
at kelan ka pa nakabalik?"
"Ginagawa?".. Ano bang ginawa ko sa'yo? Pinadukot lang naman kita. Last
month lang ako nakabalik". Sabi nitong inaalis ang pagkabutones ng suot nitong long sleeve.
Napalunok siya at nagsalita
"lang?? Ni la" Lang" mo lang ang pagpapadukot mo sa akin?.. Na ginawa mo 'kong hayop?! ".
Ngumisi ang binata sa kanya
" Pakawalan mo na ako! Gusto
ko nang umuwi!
"Hindi ka uuwi!".
"Uuwi na ako!". Sabi niyang tinungo ang pinto. Ngunit bigo siyang
mabuksan iyon. Muli na namang nangi
lid ang kanyang mga luha. "Ano bang kailangan mo sa akin, Rex? Garalgal niyang tanong sa binata.
"Ba't tinatanong mo sa akin ang bagay na 'yan? Alam mo ang sagot
sa tanong mong yan, Marga".
Humarap siya sa binata. "Ilang taon
kang nawala Rex. Tapos, babalik ka na paglalaruan lang ako?".
"At ano ang inaasahan mong
gagawin ko, sa' yo??"..
Katahimikan ang namagitan sa
kanilang dalawa. Ngunit binasag ito ni Marga.
"I-ilang taong akong naghintay
sa'yo Rex. Hinintay kita. Pero ni
anino moy hindi ko nakita". Sabi niyang nagpahid ng kanyang luha.
Nagdilim ang paningin ng binata
sa sinabing iyon ni Marga at sinuntok nito ang pader. Napapitlag sa takot ang dalaga at nakita niya ang pagdaloy ng dugo sa kamao ng binata.
"That's bullshit, Marga!!".. Hindi
ako ang hinintay mo!. Hindi ako! ".. I
saw you with another man seven years ago. At anong gusto mong gawin ko, puntahan pa rin kita, ha?! He hugged
you. And what do you wanted me to do that time? Panoorin kayo?... Palakpakan???
"Pero mali ang nakita m---
" No!! ".. Malinaw na malinaw na ginago mo 'ko noon!. Anitong gumaralgal na rin ang boses niya." Pinaglaban kita kay mama. I chose you over her. Dahil mahal kita. At labis kitang minahal".. Sabi nito at tuluyan ng naglandasan ang mga luha nito. "Pero hindi pala sapat ang pagmamahal ko, sa'yo".
"Makinig ka sa akin, Rex".. Makinig
ka muna sa akin ".
" Ano pa ba ang dapat kong
marinig sa'yo Marga?.. Your lies?
your damn excuses?.. What?!.. You used me!. Ginamit mo lang ako. Ginamit mo
lang kami ni papa!!"
Sa sinabing iyon ni Rex ay sinampal
siya ng dalaga.
" Hindi ko ginamit si Don Lorenzo at
lalong hindi kita ginamit!. Alam mong
minahal kita! Minahal kita Rex. Alam
mo yan. Hindi mo lang ako binigyan ng chance na pakinggan ang side ko noon
dahil nawala ka na parang bula. Hinanap kita. Pero, nabalitaan kong umalis ka na.
Tapos ngayon, nandito ka para ano?...
"Para ibalik sa'yo ang lahat ng ginawa mo sa akin noon Marga. Para malaman mo kung gaano kasakit ang maloko
and you are the reason why my dad was died. Sisingilin kita hanggang magmakaawa ka sa akin at umpisa pa lang ito".
"Wala akong kasalanan sa pagkamatay ng papa mo. Aksidente ang nangyari noon".
"Aksidente?! .. Aksidente ba iyong
magkasama kayo sa isang lugar at sa madilim pang parte ng bakuran ng mansiyon?!"
"Wala ka noong nangyari ang aksidenteng 'yon Rex. Sinaraan nila
ako, sa'yo".
"Then, what is this?!"... Sabi nitong
may kinuha sa bulsa at itinapon iyon sa kanya.
Nanginginig siyang pinulot isa isa
ang mga kumalat na litrato. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Siya at Si Don Lorenzo na magkayakap.
"Ngayon mo ipaliwanag sa akin ang bagay na iyan. Hindi ba't malinaw na may affair kayo ni Papa?!!
" Hindi iyan totoo!!"
" Sinungaling!!"... Nag-echo ang boses nito sa loob ng kwarto." Napaka sinungaling mo! Ang galing, ang galing galing mong. May ebidensiya na't
nagmamaang maangan ka pa!. You're not only a good pretender but a b***h!
and a gold digger!! "..
Sa sinabing iyon ng binatay nagpanting ang mga tenga Marga. Sumikip ang dibdib niya at hindi siya makapaniwalang nasabi ito ni Rex sa kanya at pinagbabayo niya ito sa dibdib.
" How dare you!! How dare you! Sabi niya habang umiiyak siya. Hinawakan ng binata ang dalawang kamay niya at isinandal siya nito sa pader at marubdub siya nitong hinalikan." Ump!! impit niyang ungol. Nagpupumiglas siya. Ngunit kusang bumitaw ang binata at sinampal niya ito sa magkabilang pingi.
Pak! Pak!
Nagdilim ang mukha ng binata at hinalikan siya uli nito. Sa sobrang diin ng pagkakahalik nito sa kanya'y nalasahan niya ang sariling dugo sa kanyang labi. At bigla siyang pinakawalan ni Rex.
"Leave!!!" sigaw nito. Umalis ka na! ".. Mario, buksan mo ang pinto! Sigaw niyang utos sa gwardiyang nasa labas ng Kuwarto. Bumukas iyon at tumakbong papalabas si Marga. Naiwang nawawala si Rex." Damn! Bullshit!