CHAPTER 11 - AMBER Tahimik lang kaming kumakain na magkasalo sa hapag. Tanging ang salpukan ng tinidor at kutsara ang maririnig. Balak kong magpaalam kay Paolo na magtatayo ako ng business dito sa bahay ngunit hindi ako makakuha ng tiyempo. Kinakabahan din ako na baka hindi ito pumayag at magalit pa. Babalik na naman siya sa dati niyang ugali, na pinagsawaan ko na. Naunang natapos si Queeny kumain at sumunod naman si Stella na agad nagpaalam dahil may gagawin pa raw siyang trabaho sa kanilang kuwarto. Habang naiwan kaming dalawa ni Paolo. Sumulyap ako rito at tapos na rin siyang kumain. Kaya nang aakmang tatayo ito, mabilis ko siyang pinigilan. Tumigil siya’t lumingon sa akin. Walang ekspresiyon ang kaniyang mukha at seryoso lang nakatitig sa direksiyon. Humugot muna ako nang malalim

