CHAPTER 10 AMBER - Nakakapagtaka dahil simula nang may mangyaring aksidente kay Stella ay may mga nagbago sa kanila. Hindi ko maintindihan ngunit pansin na pansin ko iyon. Sa mga nagdaang tatlong araw na magkakasama kami rito sa iisang bahay. Hindi na ako pinapakitaan ni Stella ng kagaspangan ng kaniyang ugali, bagkus pakiramdam ko'y sinusubukan nitong pakisamahan ako. Maging si Paolo. Mas lalo akong naguluhan nang minsang abutan ako nito ng pera, na hindi naman niya ginagawa noon, at aniya'y ibili ko raw ng mga bagay na gusto ko. Hindi ko sana ito tatanggapin dahil nag-aalangan ako at pakiramdam ko'y may kapalit. Ngunit ipinilit nito sa akin at humingi rin siya ng tawad. Si Paolo humingi ng tawad sa nagawa niya. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Ang daming mga tanong ang tumatak

