Kabanata 23 K I M “Hindi ka maliligo, Kim?” Inilingan ko ang nagtanong na si Louise. Nakahiga ako ngayon sa isang sun lounger. Sa ilalim ng suot kong kimono ay ang kulay puti kong bikini. Mamaya na siguro ako maliligo, wala pa kasi akong gana magbasa. ‘Tsaka hindi din naman ako makakasabay sa kanila dahil hanggang sa mababaw lang ako pwede. Hindi kasi ako marunong lumangoy. Makakaabala lang ako sa kanila kung palagi nila akong sasamahan sa mababaw. Kaya mas mabuti pang mamaya na lang ako maliligo. “Kayo na lang muna. Mamaya na ako.” I took off my aviator. Bumangon ako para makausap ng maayos si Louise. Naka pink na bikini si Louise, bumagay iyon sa maputi niyang kutis. Sa aming apat, ako lang ang morena. Lahat sila mapuputi lalo na si Liah na halos kakulay na yata ng gatas ang bala

