Kabanata 30 K I M Nang bumalik kami sa lamesa namin ay agad nagtama ang tingin namin ni Ethan. Halatang may gusto siyang sabihin sa akin. Tungkol siguro sa pagkakahuli sa kanya ni Sabrina kanina. Dapat kasi hindi na lang niya ako nilinisan at umalis na lang siya agad. Hindi siguro kami mahuhuli kung umalis agad siya. Nagpapaka-gentleman pa kasi parang hindi kami nag-anuhan sa public place. Ginagawa niya ba iyon sa mga nagiging babae niya? Lintek na buhay ‘to. Kung ginagawa niya din iyon sa mga naging babae niya, ibig sabihin lang noon ay babae na din niya ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano pa nga ba, Kim? Ano ang akala mo sa sarili mo, espesyal? Nabibilang ka na din sa mga babaeng ikinama niya, at hanggang doon ka na lang. Nang makaupo na ako sa upuan ko ay umusog ng bahagya si

