"Ano'ng service kaya ang kailangan nila?" kinakabahang tanong ni Mary.
"Patay na kaya si Raymond? Kailangan nila ng magpapanggap na siya?!" wika ni bading.
"Huwag ka nga!" sabi niya na tila aatakehin sa puso. Hinampas niya si Andre sa sinabi nito.
"Oo nga! Di ba puwedeng stuntman lang o ka-double? Habang nagpapagaling si idol," sang-ayon ni Leni.
Lahat sila ay kinakain ng curiosity sa nangyayari sa loob ng opisina ng Ninang Agnes niya. Ito lang kasi ang kumausap sa manager at personal assistant ni Raymond Wang.
Umabot ng mahigit isang oras ang usapan sa loob bago tumunog ang extension phone.
"Mary, collect all our female talents ages twenty to twenty-three. Tell them to report today after lunch," bungad ng ninang niya. "Bring their files here, after. And Mary, keep it confidential, kahit sa kanila," mahigpit na habilin nito.
Agad siyang sumunod at ibinigay kina Leni ang napili para tawagan.
"Mary, isama mo ko, ha?" excited na sabi ni Marielle.
"Twenty-four ka na," sabat ni Leni. "Ako na lang, swak," volunteer nito.
Naiiling si Mary habang nagtatalo ang dalawa. Nagtulong silang kontakin ang anim na freelance talents saka niya ipinasok ang mga files for audition.
"Ninang, bakit babae ang hinahanap nila?" tanong ni Mary.
Nag-lunch ang manager at personal assistant ni Raymond kaya makiki-chismis siya.
"No need to know, dear," sagot nito habang binubuklat ang mga 201 files at sinusuri ang nakapaloob dito.
Mangungulit pa sana siya nang pumasok na ulit ang mga bisita. Tumalikod siya para magkunwaring nag-aayos ng ilang gamit sa likod ng ninang niya.
"Here's the files of your possible talents. You can check ahead of time before sila makarating dito at mai-screen," sabi ng ninang Agnes niya sa dalawa.
"You think they know a lot about Raymond?" Nakilala niya ang boses ni Simon. Ang silahis na manager.
Napaisip si Mary. Sa pagkakaalam niya, si Raymond lang ang narito sa Pilipinas. Ang kaniyang mga kapatid at kamag-anak ay nasa ibang bansa lahat. So sino ang kailangan nila?
Kilala ang pamilya ni Raymond na may malalaking kompanya sa buong Asia at isa rito ay ang sikat na insurance company sa Global City.
Sumikat si Raymond na kilala nang mayaman ang pamilya ngunit hindi sila 'yung tipong exposed sa media. Most of the times, mayroon silang representatives na nagsasalita in behalf of Mr. Wang, ang ama ni Raymond at ang napabalitang katuwang nito sa pamamahala, ang panganay na anak.
"Raymond is a very popular icon in the industry. Madalang ang hindi nakakakilala sa kaniya," confident na sagot ng ninang Agnes niya, which is true.
"You're right. But I need someone who can answer lots of questions about him and we don't have time to train her."
Napalingon si Mary sa sinabi ng P.A. ni Raymond. Kung iyon ang kailangan nila, tama siya. Malamang ay naghahanap nga sila ng tatayong kamag-anak ng binata. Marahil ay ayaw na naman ng tunay niyang pamilya ang humarap sa media. As always.
Nagtagpo ang mata nila ng manager bago ito humarap sa ninang niya. "Ms. Morales, I can't risk this issue being leaked outside. I came here dahil sa isang recommendation. I believe I made it clear na highly confidential ang pag-uusapan nating ito."
Lumingon ang ninang niya sa kaniya bago sinagot ang bisita. "You don't need to worry, Mr. Guillermo, my daughter has been managing this business with me for years. Your issue is safe with us. We never had any record of incident like one of your concerns," paliwanag niya. "Mary, you may wait outside," mahinahong utos nito.
Tumango siya sa mga bisita bago lumabas ng kuwarto. Nanghihinayang sa hindi na maririnig.
"Kailangan ng client na may alam sa current events, ha? Lalo na showbiz happenings" pahapyaw niya sa mga dalagang talents na naabutan niya sa labas.
After niyang ma-notify ang ninang niya through phone, isa-isa nang pumasok ang mga ito.
***
"Mary, papasukin mo si Leni," wika ng ninang niya sa phone matapos ang pang-anim na tinawag.
Sinenyasan ni Mary ang kaibigan para pumasok. Nasalubong ni Leni ang paglabas ni Ariane. Ang huling talent. Magtatanong pa sana si Mary sa dalaga pero umirap lang ito at dere-deretsong lumabas.
"Wala man lang silang napili?" pagtataka ni Andre.
"Grabe naman. Sinala ko pa nga 'yung mga batikan. Lalo na 'yang si Ariane," naiiling niyang sabi.
"Sayang naman. Siguradong malaking project 'yan," iiling-iling din na sabi ni Marielle na labis niyang ipinag-alala. Kailangan nila ng income more than ever.
"Ipapasok din kita kapag di pa 'to umubra," sabi niya kay Leni.
"Naku, girl, 'pag di pa rin, mapipilitan akong magdarna," banta ni Andre na ikinatawa niya.
Hindi pa nakakatagal sa loob si Leni ay lumabas na ito sabay sabing, "Mary, pasok ka raw."
Nagkatinginan silang magkakaibigan. Nagtataka man ay pumasok siya sa loob ng opisina.
Naabutan niya ang PA ni Raymond na nasa sofa habang ang manager ay di makikita. Alam niyang nagtatago ito sa wall divider display sa likod ng ninang niya. In some cases kasi, kapag ayaw magpakilala ng client, doon sila nakapuwesto at nakikinig lang sa screening.
"Mary, sit down. May mga itatanong lang si Peter," automatic na paliwanag ng ninang niya. Tahimik siyang tumango at humarap kay Peter.
"Hi. So I assume kilala mo si Raymond Wang?" intro ni Peter. "Do you know his real name?"
"Raymond Wang," sagot niya.
"I mean the real one," sabi nito.
"It's Raymond Wang," ulit ni Mary.
Siyempre alam niya. Siya pa ba?
Hindi na umimik si Peter at nagtanong muli.
"Do you know when is his birthday?"
"Nag-twenty-two siya last October two," casual niyang sagot.
Napansin niyang tumingin si Peter sa direksyon ng manager.
Wala bang mahirap na tanong, hello!
"Can you tell me things na alam mo about Raymond? More on personal stuffs," muling tanong ni Peter.
Gusto niyang ngumiti at magpaputok ng leeg at daliri sa harap ni Peter. Or rather, gusto niyang humikab. Kung exam ito sa college malamang papasa siya with flying colors.
"His favorite color is olive green. Favorite food, pomodoro pasta. Dish is Afritada. Dessert, cathedral gelatine. No pets, allergic siya sa fur, may asthma when he was eight," recite niya mula mga naaalala niyang interview kay Raymond sa magazine na nabili niya years back.
"Wait, sinabi ba ni Leni that I'm a fan?" tanong ni Mary. "Look, if kailangan niyong i-train ko siya, don't worry. Madali siyang matuto. Hindi kayo magsisising kunin ang service namin," pangungumbinsi niya. Kahit naman twenty-one lang siya at madalang maging in-charge sa opisina, natuto na rin naman siyang makipag-deal sa mga kliyente.
"You're hired," wika ng manager na lumitaw na mula sa likod ng display.
"I'm sorry, what?" naguguluhan niyang tanong. "As a trainer? Kasama 'yun sa package namin," pagkumpirma niya.
"What we mean is we are choosing you. Congratulations." Inilahad ni Peter ang kamay kay Mary.
"Teka, nagkakamali ho kayo," paglilinaw niya. "Hindi ako nag-a-audition. Wala akong experience sa pag-arte," deny niya. Ang hirap aminin na failure, frustrated actress siya.
"That's why you are hired," nakangiting sagot ni manager sabay pirma sa papel na nasa tabi ni Miss Agnes.
"Thank you, Mr. Guillermo. Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Mary," sagot ng ninang niya.
Lumapit ang manager kay Peter bago ulit humarap sa kanilang magninang. "Ten a.m.. We'll wait for you there, Mary," habilin ng manager.
Naguguluhan siyang humarap kay ninang. The moment na lumabas ang mga bisita, agad na nag-panic ang boses niya.
"Ninang, tell me this is a joke," kinakabahang niyang sabi.
"I'm sorry. They chose you," sabi ng ninang niya after ng ilang sandaling pagtitig sa kaniya. Mukhang kahit ito ay di makapaniwala.
Napabilog ang bibig ni Mary sa gulat. Hindi niya ma-absorb sa sinasabi nito.
"Nang, how could you say that?" palatak niya. "Alam nating pareho na mapapahiya kita. Sikat na tao si Raymond Wang. Ayokong masira ang reputasyon ng kompanya mo! Records, hello!" panic niya.
Bumuntong-hininga nang malalim ang kausap at parang kahit ito ay di nalinawan sa nangyari.
"Hindi ko rin ine-expect 'to. But it turned out this way, so be it," ani 'to.
"Ninang, bakit ako? Ang dami nilang mas okay kanina lalo na sa records of performance nila," reklamo niya.
Walang ibang bumabatingting sa tainga niya kundi... Raymond Wang! Wang! Wang!
"I think that's exactly their reason. Ayaw nilang may makakilala sa talent na kukunin nila," paliwanag ng ninang niya. "Plus obviously, you know Raymond more than the other talents na nauna nilang nakausap. I hate to say it but, you fit the job." Malumanay ang pagkakasabi ng ninang niya kaya di na siya nakaimik. "They're offering a big sum for it. I couldn't say no nu'ng banggitin ka ni Leni. Even she, knows who to call," dugtong pa nito.
Napahilot siya ng noo habang umiiling. Hindi niya talaga ma-absorb ang nangyari ngayon lang. Gusto niya pa rin magprotesta pero alam niyang kakailanganin ng mahal niyang ninang ang kikitain nila sa project na ito.
"Fine. Ano bang role ang kailangan nila?"