18

1352 Words

"MGA PINSAN ko pa raw ang mga 'yon sabi ni Papa," sagot ni Jasmin sa pag-uusisa ni Gareth tungkol sa mga panadero nila at kay Joey. "No'ng in-explain naman niya 'yong family tree, parang third cousins na 'ata, magulong mag-explain si Papa, eh. Isa pa, basta galing sa probinsiya namin, kamag-anak na agad ang turing niya kahit hindi naman." Nasa passenger seat si Jasmin ng kotse ni Gareth, pauwi na sila sa bahay nito. Wednesday nang araw na iyon kaya sa bahay ng asawa siya uuwi. Tungkol sa pamilya niya ang topic nila, pahaba nang pahaba ang mga tanong ni Gareth hanggang umabot na iyon sa mga energetic nilang panadero. "Mga loko 'yon, hindi lang halata," dagdag pa ni Jasmin. "No'ng bago si Joey, walang araw na hindi nila pinaiiyak. Si Daniel nga, ginawan din nila ng kalokohan. Hindi umubra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD