19

1192 Words

PAGBALIK ni Jasmin sa home theatre ay naroon na si Gareth, nakahiga na uli sa sariling puwesto. Tahimik siyang bumalik sa puwesto niya sa tabi nito. "Ayaw mo na talaga ng pansit?" tanong ni Gareth. "Breakfast na lang bukas. Ayokong makatulog nang busog. Ang dami ko na palang nakain." "Sure?" Tumango si Jasmin. Ibinalik na ni Gareth ang tingin sa screen. Hindi na siya bumaling kay Gareth nang maramdamang hinawakan nito ang kamay niya. "Bawasan mo ang volume, para mas madali kang makatulog. Malakas, eh." Hininaan nga ni Gareth ang volume ng pinanonood nila. Pinilit ibaling ni Jasmin ang focus sa pelikula pero hindi na niya nagawa. Mas aware na siya sa warmth na hatid ng kamay ng asawang mahigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. "Jasmin?" "Hmm?" "May ibang lalaki ba bago si Daniel?" N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD