15

1478 Words

PINIPIGIL lang ni Gareth ang sarili na lumabas ng private office ng late father niya—na ngayon ay opisina na niya—para pagalitan ang mga naroon na laging nagtatapos sa pagkapahiya ng sinumang empleyadong biktima niya. Hindi niya regular na gagawin iyon kung pinapansin lang siya ng mga empleyado, pero hindi. Walang sinuman sa Rayos ang gusto siyang kausapin o kahit lapitan man lang. Mistula siyang lason na iniiwasan, na para bang ikamamatay ng mga ito kapag lumapit sa kanya. Napansin iyon ni Gareth unang araw pa lang niya sa Rayos. Ramdam na ramdam niyang hindi siya welcome. Ang ama niya ang paulit-ulit na hinahanap ng mga empleyado, ang ama niya ang gusto ng mga itong naroon at hindi siya. The feeling of being unwanted had made him more miserable. Pinapatay na siya ng ganoong pakiramdam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD