16

1208 Words

ALAS NUEBE na ng gabi ay naroon pa rin si Gareth sa parking area ng Rayos, sa loob ng kotse niya at walang kakilos-kilos. Hindi niya gustong umalis. Hindi niya gustong umuwi sa bahay ng ama—dahil wala ngayon sa bahay na iyon si Jasmin. Hindi niya makikita ang seryosong ekspresyon ni Jasmin sa brainstorming room—ang pagod nitong mga hakbang patungo sa guest room pagkatapos ng trabaho, ang namumutlang anyo noong may lagnat, ang ngiti nang malamang siya ang naghanda ng soup, ang nag-aalangang paghiga sa tabi niya, ang awkward na pag-upo sa kanyang tabi habang nasa home theatre sila, at ang tahimik na pagsulyap sa kanya tuwing sabay silang kumakain. Hindi niya makikita ang lahat ng iyon ngayon dahil hayun si Jasmin, sinundo ng lalaking mahal nito. Nahuhulaan na niyang hindi iuuwi ni Attorney

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD