NANG sumunod na isang linggo pa ay hindi na naulit ang pagdadala ni Gareth ng babae sa bahay. Nawawala man si Gareth nang ilang oras at dumarating nang may naaamoy na alak si Jasmin mula rito ay nagtatagal pa rin si Gareth sa brainstorming room at tahimik na nagtatrabaho. Sa paulit-ulit nilang ginagawa iyon ay may napapansin si Jasmin-tumatayo lang ang asawa at umaalis sa puwesto pagkaalis niya. Hinihintay lagi nitong mauna siyang umalis ng brainstorming room. Nang linggo ring iyon ay natiyak ni Jasmin na nag-iiba ang ritmo ng kanyang puso tuwing lumalapit si Gareth kaya minabuti niyang sa guest room na lang tapusin ang trabaho. Hinahayaan lang siya ni Gareth pero bago maghatinggabi ay kinakatok siya nito para itanong kung matutulog na siya-kapag sumagot siya ng oo ay tumatango lang si

