13

1022 Words

NAPAPITLAG si Jasmin sa boses ni Gareth. Naudlot ang pagbubukas niya sa kitchen cabinet. "Instant noodles." Napatitig sa kanya si Gareth nang ilang segundo, mayamaya ay kumunot ang noo. "Are you sick or something?" "Something," ani Jasmin na tipid na ngumiti. Wala siyang lakas na makipag-argumento sa nararamdamang iyon kaya mas mabuting maging friendly na lang siya. "Gusto ko sana ng soup pero tulog na si Tascia, eh. Kaya instant noodles na lang. Parang nilalamig kasi ako—" Napaatras siya nang biglang humakbang si Gareth palapit sa kanya. Tumigil ito. Mayamaya ay humakbang uli—huli na ang paglayo niya, nahawakan na nito ang kanyang bisig. "May lagnat ka." Inulit pa ni Gareth ang pagdama sa kanyang noo at leeg. Magkasing-init lang yata ang katawan niya at ang palad ni Gareth. Inalalayan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD