SA PANLABINTATLONG araw—isang araw bago matapos ang dalawang linggong palugit na nasa proviso—ay ikinasal sina Jasmin at Gareth sa bahay ng isang judge na kilala rin ng mag-amang Davides. Magkasamang dumating si Daniel at ang ama nitong si Tito Douglas. May witness sila na noon lang din nakilala ni Jasmin. Isang secret marriage ang kinalabasan ng seremonya dahil walang alam ang mga magulang ni Jasmin. Saka na lang niya ipaliliwanag ang lahat. Wala namang dapat ipag-alala ang mama at papa niya. Alam naman ng mga magulang niya na dati pa ay naging extension na ng Rayos ang bahay ni Sir G. Hindi na bago sa kanyang ama't ina ang madalas niyang pagpapalipas ng gabi roon. Hindi naman matanong ang kanyang mga magulang basta ipinapaalam lang niya kung nasaan siya. Saka na lang niya ipaliliwanag a

