Chapter 13

561 Words

“MAKI, bakit ka umiiyak?” Pumitlag siya nang haplusin ni Benedikt ang pisngi niya. Gulat niyang inangat ang tingin dito mula sa pinggan ng fettucini with béchamel sauce na di pa niya nagagalaw halos. “Ha?” Puno ng pag-aalala ang mga mata nito. “You are crying.” “Umiiyak…?” Bigla niyang kinapa ang pisngi at naramdaman niyang basa iyon. Hindi man lang niya napansin na umiiyak pala siya. Kanina pa lumilipad ang utak niya. “May problema ba?” Umiling agad siya at pinahid ang luha. Pilit din siyang ngumiti. “W-Wala. Nagluluha lang ang mata ko.” Nasa isang Italian restaurant sila na siya mismo ang nagpa-reserve. Bagong bukas na restaurant lang iyon ay gusto ni Benedikt na subukan dahil paborito niya ang Italian food. Subalit wala sa lugar na iyon ang isipan niya. Wala rin kay Benedikt.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD