Naglakad sila sa isang park na nasa labas ng restaurant. Kailangan niyang ituon ang atensiyon kay Benedikt gaya ng lagi nilang ginagawa kapag magkasama sila. Ayaw niyang mag-alala pa ito sa kanya. Marami na itong iniintindi at ayaw niyang dumagdag pa. Kikimkimin na lang niya ang nararamdaman niya. “Uhmmm.. gusto mo bang mag-gellato tayo?” masaya niyang alok dito. Tumigil ito sa paglalakad. Nanatili pa ring seryoso ang mukha nito at malungkot siyang pinagmasdan. “Maki, this is me. Benedikt. Ako ang lalaking pakakasalan mo. I will be your other half. Di mo kailangang itago sa akin kung malungkot ka o may inaalala. You don’t have to suffer alone.” Ginagap nito ang dalawang kamay niya at pinisil. Inalalayan siya nitong umupo sa bench ng park na hindi gaanong matao. “Come on. Spill it.” Mah

