NAG-AALANGANG tiningala ni Maki ang karatula ng Kumintang, ang bar at restaurant nina Talia na may ethnic theme. Napaka-homey ng dating nito at palagay ang loob niya kapag naroon siya dahil sa welcoming na atmosphere. Pero isa iyon sa mga lugar na nag-aalangan siyang tapakan mula nang maghigpit sa kanya ang madrasta niya. At ang pagpunta niya doon ay maaring magdala ng gulo. “Sandali lang tayo dito, ha? Hindi ako pwedeng magtagal,” aniya at nilingon ang kaibigan na katabi niya sa backseat ng kotse niya. Parang ayaw niyang bumaba ng sasakyan. “Oo. Kasama naman natin ang bodyguard mo.” At kinindatan nito ang bodyguard niya na si Marlon. Mukha itong tigasin pero namula sa isang kindat lang ni Talia. Napilitan siyang lumabas ng sasakyan kahit na parang nagsisimula na rin siyang mahawaan ng

