Chapter 3

2387 Words
Magkahawak ng kamay at nagtatawanan pa pabalik ng beach house sina Benedikt at Maki. Mula sa pagsasayaw ay nakatuwaan nilang maghabulan sa dagat ni Benedikt. Kaya naman hindi na nila napansin ang oras. Basa rin ang damit nila at gulo-gulo na ang buhok. She loved him more like this. He looked carefree and ruffled. Di tulad kapag madalas niya itong nakikita na pormal ito at laging seryoso. Alam niyang sa kanya lang ipinapakita ni Benedikt ang ganitong side nito. “Paano pala tayo papasok sa loob ng hindi nila nahuhuli?” tanong nito nang malapit na sila sa ancestral house na main area ng resort habang nakakalat naman sa baybayin ang iba’t ibang native cottages. Mahigit isang kilometrong baybayin ng private beaches ang sakop ng La Playa Rubella kaya naman nagawa nilang maglaro na parang bata ni Benedikt na walang ibang bisitang nakakakita sa kanila. “Any minute ay magsisimula na ang fireworks display kaya sa palagay ko ay lalabas sa main house ang mga bisita. Hmmm… pwede siguro tayong dumaan sa kusina,” pilya niyang sabi at hinila ito patungo sa kusina. Di nagtagal ay simula na ang pagliwanag ng kalangitan. Narinig nila ang paghangos ng mga bisita patungo sa beach para panoorin ang fireworks display. Abala pa ang mga tauhan nila doon at nanlaki mga mata ang cook nila nang makita ang magulo nilang damit at buhok. Sinenyasan ito ni Maki na tumahimik at saka hinatak si Benedikt paakyat sa hagdan. Mabuti na lang at malapit sa kanya ang mga tauhan doon at di siya isusumbong sa madrasta niya. Tama ang timing nila. Malinis na ang sala dahil nasa labas na ang mga bisita. Paakyat ng hagdan nang marinig niya ang yabag na pababa at ang boses ng madrasta niya na nagbibigay ng instruction sa isa sa mga staff ng resort tungkol sa isa sa mga bisita na naglasing at nagwala sa party. High blood ang madrasta niya at tiyak na maha-high blood ito lalo oras na makita ang itsura nila ni Benedikt. Nanlaki ang mata niya at hinatak ito sa maliit na kuwarto sa gilid ng hagdan. “Shhh! Huwag kang maingay,” bulong niya sa binata habang nagsisiksikan sila sa maliit na kuwarto na lalagyan ng mga gamit sa paglilinis. Magkadikit ang katawan nila at dama niya ang hininga nito sa labi niya. Lumakas ang t***k ng puso niya. “You make me feel like a kid. Hindi ko pa nagawa ito.” Bigla siyang naging mulat sa kinalalagyan nila. Nasa isang kulong silang lugar. Ilang beses na silang nagkasama ni Benedikt nang sila lang. But they had never been this close in a close, tight space. And it was affecting him. She could feel his arousal pressing against her stomach. Uh oh! Of course, Benedikt might be a gentleman but he was not a saint. Saka niya naramdaman ang intensidad ng atraksiyon nila sa isa’t isa. It was on a different level. There was something carnal in the way their bodies were crushed against each other. Nararamdaman din niya ang mabilis na pintig ng puso sa ilalim ng palad niya. Inapuhap niya ang mukha nito sa dilim. Hindi niya makita ang mukha nito pero nararamdaman niya ang tensiyon nito. Na parang may matindi itong pwersa na nilalabanan. And a part of her wanted to feel him come apart in her arms. “Ever kissed a girl in the dark?” pilya niyang tanong. “Not yet. Natatakot ako na baka kung sino ang mahalikan ko kapag walang liwanag. I am always careful.” Pero alam niya na hindi ito humahalik sa kung sinu-sinong babae lang. He was straightlaced. Always a stickler for rules. Siya ang unang naging nobya nito. At noong kabataan nito ay wala itong ginawa kundi mag-concentrate sa pag-aaral. And he was a gentleman through and through. Pero nang mga oras na iyon ay may kakaibang enerhiyang gumapang sa kanya. She had a naughty side after all. Yumakap siya sa leeg nito. “Don’t worry. You know that it is me.” “Maki…” “Now I am sure you know who I am.” May ngiti sa labi niya bago inilapat ang labi sa labi nito. And it was not a simple smack that usually bestowed him. She was usually shy and conservative when it comest to kissing him. Habang pinapakinggan niya ang pagsabog ng fireworks sa labas ay naramdaman din niyang may kumawala sa loob niya. Ito ang unang beses na hahalikan niya ito… and she intended to make it one hell of a kiss. Suminghap ito nang bumuka ang labi niya sa ibabaw ng labi nito. She nipped his lower lip and deepened the kiss. She heard Benedikt moan. Ito ang unang beses na siya ang siya ang nag-dominate sa kanilang dalawa. It was thrilling to make this man moan with pleasure. There’s danger and passion rolled into one. And she loved it. “This is crazy. You are flirting with danger,” humihingal na sabi nito nang maghiwalay ang labi nila subalit isinuklay nito ang daliri sa buhok niya. Saka nito inangkin ang labi niya. He couldn’t resist her. Maari silang mahuli kapag may nakarinig sa ingay na ginagawa nila pero parang wala na silang pakialam. Saka niya naulinigan na wala na halos gumagalaw sa paligid habang papalayo ang boses ng madrasta niya. “You are safe now, Mr. Valenciaga. Hindi ko naman masyadong nadungisan ang puri mo.” Saka siya nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Matiim ang anyo nito. “Galit ka ba sa akin dahil hinalikan kita?” tanong niya. “No. Nagulat lang ako. You see…” Bumuntong-hininga ito. “I want you so badly. Pero gusto ko ilagay sa lugar ang lahat. Ayokong mawalan ng control lalo na pagdating sa iyo. I might… I might do something that you don’t like.” Hindi na niya kailangang tingnan ang pantalon nito para kumpirmahin ang ibig nitong sabihin. She knew he was aroused. And she was thankful that he was still under control. “Alam ko na aalagaan mo ako. And I very much enjoy kissing you. Matutulog ka na ba?” tanong niya dito at umakyat sila ng hagdan. “Not yet.” “Gusto ko muna mag-midnight snack tayo. Or ikaw na lang ang midnight snack ko,” aniya at kunyari ay kakagatin ang leeg nito. “Behave!” anito at pinanlakihan siya ng mata. Humagikgik siya nang makita ang pamumula nito. Mr. Benedikt Valenciaga, the man who was always in control was blushing. At panunukso lang niya ang nakagawa nito. Ihinatid siya nito sa kuwarto niya. Nasa wing din niya tumutuloy si Benedikt at ang mga magulang nito. Habang sa ibang hall naman ang ibang mga bisita o kaya ay sa mga pribadong cottage na nakakalat sa beach. Nagbihis siya ng komportableng damit. Simpleng sundress lang na babagay sa mainit na panahon. Excited siyang naghintay kay Benedikt. Gusto niyang sulitin ang oras na magkakasama sila. Gusto niyang makalimutan ang di masayang nangyari sa araw na iyon at gusto niyang alalahanin lang ang masasaya. Alam niyang pagbalik nila sa Maynila ay magiging abala na naman sila ni Benedikt - siya sa pag-aaral at ito naman sa kompanya ng magulang nito. Maya maya pa ay may kumatok sa pinto niya. Excited niyang binuksan iyon sa pag-aakalang si Benedikt iyon. Nagulat siya nang mapagbuksan ang ama niya. “P-Papa.” “Milk for my princess?” alok nito sa baso ng gatas na dala nito. Kumurap siya. Parang panaginip lang kasi ang lahat. Dinalhan siya ng gatas ng Papa niya at tinawag pa siyang prinsesa. “Thanks, Pa,” aniya at niluwagan ang bukas ng pinto para makapasok ito. Pumasok ito sa silid at ibinaba sa bedside table ang baso ng gatas saka inikot ang mata sa paligid. Kailan pa ba siya nito huling dinalhan ng gatas? Noong iniwan sila ng mama niya ay lagi siya nitong dinadalhan ng gatas. They only had each other then. Sila lang ang magkakampi. Hanggang dumating si Santina sa buhay nila. Ito na ang tumayong ina sa kanya. Mula noon ay di na siya dinadalhan pa ng gatas ni Franco. Mas abala na ito sa trabaho. Pakiramdam niya ay palayo ito nang palayo sa kanya sa pagdaan ng mga araw…at taon. Hanggang kanina nang mag-walkout ito matapos siyang tumugtog ng piano. This gesture was a big surprise for her. “Anong masasabi mo sa bago kong resort, hija?” tanong ng ama niya. Ang Rubella Group of Resorts ay isa sa matatagumpay na chain of resorts sa bansa. Inaasahan nito at ni Santina na siya na ang susunod na hahawak ng kompanya, pero pinili niya na maging simpleng guro. She earned Santina’s wrath because of that. Nagpapasalamat lang siya dahil sa huli ay pumayag ang ama niya sa career choice niya dahil nasa pagtuturo ang puso niya. Kaya naman bilang kapalit ay nagtitiis siya sa mga parties para sa resort bilang suporta sa mga ito kahit na gaano siya ka-bored. “It is beautiful, Papa. Alam ko po malaki ang investment ninyo dito. Maganda ang pagkaka-reconstruct dahil parang bumalik ako noong panahong nabubuhay pa ang mga kauna-unahang Rubella na nanirahan dito pero…” Bumuntong-hininga siya. “We will be swamped by tourists soon. Nami-miss ko lang ang privacy ng lugar na ito. Naalala mo noong bata ako gustong-gusto dito ni Mama….” “We have to make sacrifices to earn a living,” putol nito sa sasabihin pa niya at naging matigas ang anyo nito. “Kailangan mong maintindihan iyon, hija.” Subalit nakita niya ang sakit sa mga mata nito. Di man niya sinasadya ay naipaalala na naman niya ang ina niya dito. “Papa, galit po ba kayo sa akin?” tanong niya at kinagat ang pang-ibabang labi. “Para saan?” inosenteng tanong nito. “For playing the piano. A-Alam ko po madalas naming gawin ni Mama iyon. B-Baka ipinaalala ko siya sa inyo. Kasi…” Yumuko siya. “Parang hindi po kayo masaya kanina.” “Of course not. Nasiyahan ang mga bisita kanina. Huwag mong isipin iyon.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Alam ko naman na masunurin ka at hindi ka gagawa ng kahit anong pwedeng makasakit sa akin o maaring magdala ng kahihiyan sa pamilya natin.” “Yes, Papa.” Alam niya kung anong ibig sabihin nito. Kailangan niyang sundin ang lahat ng utos ni Santina. Dahil iyon ang tama. At habang sinusunod niya si Santina ay di siya gagawa ng kahit anong pwedeng magpaalala na anak siya ni Lupita Veracruz. Walang kahit anong makakasakit dito habang sinisikil niya ang mga bagay na magpapasaya sa puso niya. Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Goodnight.” “Goodnight, Papa.” Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa ginawa ng ama niya. Masyado na silang malayo sa isa’t isa. Kahit anong lapit niya dito, pakiramdam niya ay nagkalamat na rin ang relasyon nila mula nang umalis ang nanay niya sa buhay nila. Mula nang maging asawa nito si Santina. Pakiramdam niya ay basta na lang nitong itinambak ang responsibilidad kay Santina at hinayaan nang ito ang magpalaki sa kanya – ang humubog, ang maging solong magulang. Masyado nang abala ang ama niya sa trabaho. At kahit na nariyan si Santina, pakiramdam niya ay mag-isa lang siya sa buhay. Walang kakampi. Hindi magawang mailabas ang tunay na siya. Nakakulong. Parang walang nagmamahal. At ang bagay na gusto niyang gawin ay namantsahan ng nanay niyang nagpamana ng talent sa kanya. May kumatok ulit sa pinto. Inisip niya na baka ang papa niya iyon. Nang buksan niya ang pinto ay si Benedikt ang naroon. “O! Ikaw pala!” “Dinalhan kita ng gatas.” At saka nito tiningnan ang gatas sa kamay niya. “O! May gatas ka na pala.” “Idinala ni Papa sa akin. Pero iinumin ko rin iyan.” Kinuha niya ang baso dito. “Salamat.” “And here is our midnight snack,” anito at inangat ang isang basket. Nagtungo sila sa balkonahe niya kung saan may malamlam na ilaw. Inilabas nito ang cake at cookies na ipinahanda daw nito bago pa man siya puntahan sa beach kanina. At may kasama pang rosas at kandila ang set up nito para daw makumpleto ang romantic ambiance. “Just cookies, cakes and milk for us,” sabi nito. “Cheers!” aniya at ipiningki ang baso ng gatas sa baso nito. “Our last hurray for summer.” “Excited ka ba sa huling semester mo sa college?” tanong nito. “Yes. Konting tiis na lang at magiging teacher na ako. Alam mo namang mahilig ako sa mga bata.” Elementary at pre-school ang gusto niyang turuan. Siguro dahil kahit paano ay na-enjoy niya ang kabataan niya. Hanggang Grade 3 kasi ay na-enjoy pa niya ang pagkanta-kanta. At gusto niyang turuan ng mga kanta ang mga estudyante niya. That’s the closest she could get to practicing music. “Until we have our own children.” Ginagap nito ang kamay niya at kinintalan ng halik habang di inaalis ang tingin sa kanya. Sapat na iyon para mahigit niya ang hininga at mag-init ang mukha niya. Thinking about their future children didn’t make her just dreamy but also sensual and sexy. Tumayo siya at kinintalan ng halik ang labi nito. “I love you,” bulong nito sa kanya. “I love you, too. And thanks for coming into my life. Kung wala ka…” Bumuntong-hininga siya. Kung wala ito ay di muli niya malalaman kung anong pakiramdam ng mahalin. Na may susuporta at umiintindi sa kanya. “Huwag mo akong iiwan, Benedikt.” Ayaw na niyang iwan ng mga nagmamahal sa kanya – ang nanay niya ang una. Na pinagtaksilan ang ama niya at sumama sa ibang lalaki at din a nagpakita pang muli. At ang ama niya na bagamat nariyan ay mas madalas naman na wala. Di niya alam kung mahal pa siya nito o ginagawa na lang nito ang responsibilidad bilang ama nito. Si Benedikt na lang ang naiiwan sa kanya. “I will never, ever leave you.” At handa siyang gawin ang lahat para mangyari iyon. Para magkasama sila habambuha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD